CHESTER GRIFFIN

5.3K 75 8
                                    

IT was my mother's birthday when uncle Rogilbert brought his family and introduced them to us. At doon ko unang nakilala ang kanyang anak na babae na si Michaela na sa tantiya ko'y mga anim na taong gulang na. Nakahawak ito kay uncle Rogilbert. Ang personal bodyguard namin na tinuring ng kaibigan ng aking ama.

"Anak ko, si Michaela Kaye," pagpapakilala nito sa'min.

Naramdaman ko na Masyadong mahiyain ang anak ni uncle Rogilbert. Kaya ayaw ko sakanyang anak dahil maliban sa mahiyain, iyakin din ang batang babae.

Ni hindi ko talaga inabalang kausapin o di kaya'y nilapitan ang anak ni uncle. Isang babae lang kasi ang lumalapit saakin at iyon ay ang pinsan ko at wala nang iba. Masyado kasi akong ilap sa mga babae.

No'ng dinala ulit ni uncle Rogilbert si Kaye sa bahay namin. Nasa sala ako no'n, abala ako sa pagbabasa. Tapos dinala siya ni Mama sa sala at doon pinaupo sa tapat ko ngunit hindi na ako nag-abalang tumingin sa gawi nito.

"Chester..."Tawag ni mommy saakin kaya binaba ko muna ang librong binasa ko at tumingin sakanya.  "Pakibantayan na muna 'tong si Michaela dahil may pupuntahan kami ng papa mo at isasama namin ang papa niya. Kaya ikaw na muna bahala sakanya anak, huh?"

Tinignan ko naman ang batang babae. Nakasuot ito ng uniporme. At ang itim na buhok nito na hanggang balikat ay naka pigtail. Namumula ang mata nito na halata talagang galing sa pag-iyak. At ang labi nito ang bahagyang nakanguso. May hawak itong dalawang chocolate sa magkabilang kamay.

Isang tango lang ang sinagot ko saaking ina pagkatapos no'n ay hinalikan nito ang aking pisngi saka umalis.

Hindi ko na ulit tinignan ang batang babae na nasa tapat ko lang nakaupo at nagpatuloy na sa pagbabasa. Ang kaso, hindi ako masyadong makapagpokus dahil naririnig ko ang pagsinghot-singhot nito.

What the...

Mariin kong pinikit ang aking mata at sinubukang pakalmahin ang aking sarili na talagang himala talaga dahil nagawa kong kumalma. Ako kasi iyong tipo na madaling mairita tapos nagagalit talaga kapag may nang-iistorbo saakin. Kaya hindi ko talaga akalain na nakaya kong kumalma.

Bumuga ako ng hininga saka binaba ang aking libro. Tinignan ko ang bata na nasa aking harapan na patuloy parin sa pagsinghot.

"Pwede bang 'wag kang maingay? Nagbabasa ako dito oh!" Pagalit kong sambit na pinagsisihan ko naman.

Sandali ako nitong tinignan sa mga namumulang mata pagkatapos ay kawawang yumuko at sibubukan pigilan ang pagsinghot-singhot. Kita ko kung paano nito pinunasan ang walang tigil na tumutulong luha. Kaya nataranta naman ako.

Shit! You're such an idiot, Chester!

I'll be doomed, once my mommy finds out that I made this li'l girl cry.

Lumingon-lingon naman ako dahil baka may nakakita saakin na pinagalitan ko ang bata. Ngunit wala naman akong nakikitang maid na pasaboy-saboy.

Marahas kong sinuklay ang aking buhok. Wala akong nagawa kun'di ang tumayo saka nilapitan ang batang babae na hanggang ngayon walang tigil sa pagpupunas ng luha.

Damn! What should I do to make her stop crying?

Nagdadalawang-isip pa ako kung hahawakan ko ba siya o hindi. Ni hindi ko pa talaga naranasan ang mag baby-sit kaya wala akong alam kung paano siya papatahanin.

I had no choice. Hinawakan ko ang nanginginig nitong balikat saka pilit na pinaharap sa'kin. Hindi ko alam pero para akong nakuryente nang hinawakan ko na siya. Pero hindi ko nalang inalintana 'yon. At nag-isip nalang ng paraan kung paano siya patahanin.

"H-Hey... I'm s-sorry. I didn't mean to scold you."

Hinawakan ko ang mukha nito saka ako mismo ang nagpunas ng kanyang luha. And when her small dark brown eyes bore into mine. Para akong nahipnotismo sa paraan ng pagtitig niya saakin.

At iyon na ang naging simula ng pagiging malapit namin sa isa't-isa. Medyo nasanay na ako sa presensya niya. Masyado rin siyang makulit at talagang mahilig sa tsokolate.

And there's this one time na gumawa ang mommy ko ng Chocolate muffin. Mahilig din kasi sa pagbi-bake si mama. And this li'l girl got addicted to my mom's home made chocolate muffin.

"Kaye!" I called.  "Come here, my mom made a chocolate muffin. Wanna try?"

Her small dark brown eyes twinkled when I mentioned the word 'chocolate' kaya dali-dali itong tumakbo sa gawi ko.

"Chocolate! Chocolate! Chocolate!" She chanted.

Nakangiting napailing nalang ako. Nakita ko ang pawisan nitong mukha kaya kinuha ko ang aking panyo saaking bulsa saka marahan pinunasan ang kanyang tumutulong pawis sa noo. Hindi naman ito umangal dahil nasanay na ito na pinupunasan ko ang kanyang pawis.

Her presence always made me calm. Her laugh always made me smile. I'm so fond of her and so is she. Hindi talaga ako mahilig ngumiti. Ngunit, nang dumating siya nahawa na ako sa mga magaganda nitong mga ngiti.

But suddenly, a bloody incident happened. Hindi ko inakala na iyon na ang gabing huli ko ng makakasama ang aking magulang. Masaya pa kami sa loob ng sasakyan no'n. We're both laughing inside the car. Pero iyon na rin pala ang huling tawa na maririnig ko galing sakanila. I never imagined that my laughed would suddenly turn into whine in just a short period of time.

Kita ko kung paano binaril saaking harapan ang aking magulang. I felt so useless that time. I'm so weak. Ni wala man lang akong ginawa para iligtas sila. The man was about to shoot me but uncle Rogilbert saved me. May tama na rin ng bala ang ama ni Kaye ngunit hindi nito ininda ang sakit na nadarama at patuloy lang na nakipag barilan.

Samantalang ako, ay parang walang buhay na pinagmasdan ang duguan kong ina at ama na binawian na ng buhay.

Pinatayo ako ni Uncle Rogilbert saka bahagyang niyugyog. "Chester makinig ka." Wala sa sarili ko siyang tinignan. Bakas sa mukha nito ang pagod at sakit na naramdaman. At nakikita ko rin ang pag-aalala sakanyang mga mata. "Kailangan mong tumakas ngayon din. May paparating pa para patayin ka nila. Nangako ako sa magulang mo na popo-protektahan kita kaya iyon ang gagawin ko."

Patuloy lang akong nakatitig sakanya. Maya-maya ay bigla niya akong niyakap ng sobrang higpit. "Kung may mangyayaring masama sa'kin ngayon. Pwede bang ikaw nalang ang mabibigay sakanya nitong yakap." Kinalas nito ang yakap pagkatapos ay ginulo nito ang aking buhok. "Watch my princess for me, buddy." Pait itong ngumiti saakin.

"Now go Chester! Run and save yourself."

I did what he'd said. I run to save myself. Ngunit lumingon ako sakanyang kinaroroonan nang marinig ko ang malakas na pagsabog. Nanikip ang aking dibdib sa nasaksihan. As a child It's too much to bear.

Sa madalim na gabi. Wala ni isang ilaw, mag-isa kong tinahak ang kagubatan. Tumakbo ako ng tumakbo na parang walang kapaguran. At doon bumuhos ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Parang ngayon lang nag-sink in saakin ang lahat ng nangyari.

Ang sobrang dilim na gabi ay parang buhay ko. MADILIM. Para akong nalulunod sa madilim na paligid. Ni isang ilaw wala akong makita. Na kahit gustuhin ko mang lumabas sa madilim kong lungga, hindi ko magawa.

That's the reason why I've changed. Kung noon ngumingiti pa ako. Pero simula nang mawala ang magulang ko. Ni isang beses hindi ko na magawang ngumiti. Dahil wala naman akong dahilan para maging masaya. Para saan pa kung patay naman ang mga taong naging dahilan kung bakit ako masaya. They were killed, they left me. I'm all alone. Nang binurol ang aking mga magulang kasabay din ang burol ng ama ni Mikay. But I didn't have time to see her. At mula noon hindi ko na siya muli nakita.

Alam niyo 'yon? Iyong buhay pa ako pero araw-araw pinapatay. Pinapatay ako sa labis na kalungkutan.

Tita Liezel, ang nag-iisang kapatid ni papa. She took care of me. We flew to the states at doon na nanirahan kasama ang pamilya nito. Dapat nga maging thankful ako dahil kahit papa'no nandiyan siya na inalagaan ako. Pero hindi, hindi ko magawang maging mapasalamat dahil sa nangyari sa buhay ko. Tita Leizel together with her husband Tito Thaddeus and her daughter Licca, my cousin. Did everything to make me happy. But I can't. I just can't...

Lumaki ako na dala-dala ang galit na namumuo saaking dibdib. Ang pait na aking pinagdaanan. I took over our business and did everything para lumago iyon na siyang ikinagalit ng may-ari ng DGGC. I knew them, lalo na si Dominador Guanzon. She loves my mom so much but my mom rejected him because she loves my father. Na kahit may asawa at anak na ito'y gagawin pa rin ang lahat makuha lang ang pagmamahal ng aking ina. Ngunit hindi ito nagtagumpay.

I've no evidence to prove that he's behind my parents'death. Ramdam ko, naramdaman ko na siya ang may pakana lahat. Pero wala pa akong ebidensiya sa ngayon. Wala pa akong sapat na ebidensya upang madiin siya. Hindi sapat na sasabihin ko lang na siya ang may sala dahil iyon ang naramdaman ko. That's why I did everything, I gathered some information about him and his family.

Not until...

I saw her again. Her eyes always twinkle whenever she's smiling. Matagal na ang huli naming pagkikita. I didn't know if she still remembered me.

Buong gabi ko siyang pinagmasdan sa business gathering. Nakaupo lamang ito at lumilinga-linga sa paligid. May hawak itong baso na naglalaman ng juice. Simple lang ang kanyang suot. Hindi tulad ng ibang mga babae na mahilig magsuot ng mga sexy na halos kita na ang kaluluwa.

Nilagok ko ang basong may lamang alak. At plano ko na sana siyang pumuntahan ngunit bigla akong napahinto. Kinuyom ko ang aking kamao at matalim na tingin ang ipinukol ko sa banda nila. I gritted my teeth. What the fuck!

I didn't know that Dominique Guanzon has a girlfriend. At talagang hindi ako makapaniwala na girlfriend niya si Kaye.

"Investigate him. Pakisali na rin ang girlfriend nito— lahat! Alamin mo lahat kung gaano na ba sila katagal...What the fuck Felix! Just do it! Name your price. Investigate them. And we're done," I frustratedly said.

Marahas kong sinuklay ang aking buhok saka mariin pumikit. Nang idilat ko na ang aking mga mata. Doon ko na sisimulan ang plano ko.

"I will get you. Embrace yourself baby kasi wala na 'tong atrasan. Kukunin kita sakanya."

Pero sobrang saya ko nang makarinig ako ng good news. Luck was really on my side that time. Kung gaano nasaktan si Michaela sa paghihiwalay nila ay siya namang ikinasaya ko ng sobra. Kung pu-pwede pa lang na magdiwang, baka ginawa ko na.

At nang malaman ko na pumunta sila sa Serenity Island. Hindi ako nagdalawang-isip na puntahan ang beach resort na pagmamay-ari ng kaibigan ko.

Tss...how lucky I am eh?

Iniwan ko ang trabaho ko para lang kay Michaela. My work can wait, ang makita at makasama siya ang hindi ko mahintay. Kung pwede pa lang na kidnapin ko siya ginawa ko na. I failed uncle Rogilbert promise. Kaya ngayon ko nalang gawin. I'll protect and love her with all of my heart.

"Quit staring Miss," I said in a cold baritone voice.

Napatigil naman ito sa pagtitig sa'kin. "I'm not staring at you."

Ibinalik naman nito ang buong atensyon sa libro. Kaya hindi ko mapigilang mapatawa saaking isip. Damn baby! You always amuse me.

"I wonder if you understand, what you've been reading right now," saad ko habang nakatingin sa libro niyang baliktad.

Kita ko kung paano nagiging kulay kamatis ang kanyang pisngi nang mapagtanto niya na baliktad ang kanyang libro. I chuckled when I saw her reaction.

Such a cutie!

"Wala ka bang trabaho Chester? Para ang sarap ata ng bakasyon mo ngayon." Punong pagtataka ni Levi. Ang may-ari ng isla na 'to.

I just shrugged my shoulder and didn't answer him.

I hate it whenever I see her sad. I hate it whenever I see tears forming in her eyes. As much as possible, I'll do everything just to take her sadness away.

"Puntahan mo si Hera. Baka nandiyan lang siya sa paligid. Kapag tumuntong ng alas singko at hindi pa kayo nakabalik. Ipapadala ko na ang search team," seryosong saad ko saka ko binalingan ng tingin si Michaela ."At ikaw, sumama ka saakin. Uuwi tayo. Doon na natin hintayin ang pinsan mo."

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon