CHAPTER 17

3.4K 51 2
                                    

IT'S been a week nang mangyari iyong kasal ng kaibigan namin. At hanggang ngayon, hindi siya mawala sa utak ko. At lagi kong binabalik-balikan ang gabing iyon. Kung saan hinayaan ko ang aking sarili na makasayaw siya.

Wala namang masama kung hahayaan ko ang sarili ko na makasayaw siya. Gusto ko lang maranasan ang paghawak niya saaking baywang habang sumasayaw kami. Gusto ko lang maranasan ang init ng kanyang yakap habang sumasayaw kami.

Nakakatanga man sabihin ngunit may parte sa puso ko na hindi ko nagustuan ang desisyon ko na iwasan siya. Tapos kung hindi ko siya makikita. Tamang palinga-linga lang sa paligid baka sakaling makita ko siya. At kapag hindi ko siya nakikita, nalulungkot ako. Kapag nand'yan naman siya todo iwas ako.

E' kahit anong iwas ko naman, alam ko sa sarili ko na gusto ko siya. Hindi ko lang maamin sakanya kasi takot akong masaktan.

Paano kung hindi niya ako gusto?

Paano kung kaibigan lang ang turing niya saakin?

Sinong talo? E' malamang ako. Nakakatakot isipin iyon. Kaya mas mabuting itago ko nalang itong nararamdaman ko.

Palinga-linga ako sa paligid habang tinatahak ang daan patungo sa restaurant. Nakakaloka kasi iyong pinsan ko. Sa restaurant na nga galing tapos nakalimutan niya pa ang juice, tapos ako pa talaga ang pinapabalik niya kesyo tinatamad na raw siya.

Pagkarating ko doon ay agaran na akong nag-order ng juice. Habang inaasikaso pa ang in-order ko. Palinga-linga ako sa paligid. Pinagmasdan ko ang mga taong masayang kumakain nagku-kwentuhan.

Nang may mahagip ang mga mata ko na isang bulto ng lalaki. At hindi ako pwedeng magkamali. Alam ko siya iyon. Paano kung makita niya ako? Ano nalang ang mukhang ihaharap ko?

Damn! Pwede pakibilisan ang in-order ko?

Ayaw kong maabutan niya ako rito. Kung pwede ko lang sanang ihinto ang oras.

"Here's your order ma'am. One orange juice and pineapple juice."

Tipid kong nginitian ang babae. "Thanks!"

Dali-dali kong kinuha ang dalawang juice at um-exit na. Habang papunta ako sa cabin namin. Hindi ko maiwasang hindi luminga sa paligid. Baka kasi makatagpo ko siya.

At nang mahagip ko ulit ko ulit siya. Dali-dali akong nagtago sa sementadong pader. Malakas ang tibok ng puso ko. Parang galing ako sa pakikipagkarerahan. My knees are trembling because of nervousness.

Tinignan ko ang pwesto kung saan ko siya nakita. Pero bigla nalang itong nawala.

Where is he? Nandoon lang iyon ah.

"Hey—"

Bigla nalang akong napaigtad nang may humawak saaking balikat. Buti nalang hindi ko nabitawan ang dalawang juice. Dahan-dahan akong lumingon sa lalaking gusto kong iwasan.

"H-Hi," usal ko saka pilit siyang nginitian.

My heart was pounding so fast. Parang gusto ko nalang mawala bigla sa harapan nito.

"Are you okay?" He asked.

'Paano ako magiging okay e' nandiyan ka!'. Gusto kong sabihin 'yan sakanya pero pinigilan ko ang sarili ko.

"Uhm...Y-Yes I'm okay," sagot ko saka siya nginitian.

"Para kang nakakita ng multo," anito.

"Ha?" Wala sa sarili kong saad.

"Para kang may pinagtataguan," makahulugan nitong saad.

"P-Pinagtataguan ba kamo? Naku wala!" sagot ko saka napilitang tumawa. "Saka sino naman ang pagtataguan ko di ba?," I continued.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Where stories live. Discover now