CHAPTER 6

4.4K 63 0
                                    

HINAYAAN ko lang si Chester na buhatin ako hanggang sa makarating sa aming cabin. Bakas sa mukha nito ang pagkapagod matapos akong ilapag sa couch. Alam ko namang mabigat ako. Lalo na't medyo may kalayuan din ang nilakad niya. Samahan pa na may dalawang backpack sa likuran. Sino naman ang hindi mapapagod 'di ba?

Kitang-kita ko ang pawis sakanyang noo. Mabilis din ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib. Sinundan ko siya ng tingin papunta sa kusina at nang mawala na siya saaking paningin ay tinignan ko ang aking bukong-bukong saka hinimas-himas. Minsan napapangiwi ako, pero hindi tulad kanina na masyadong masakit. Naramdaman ko ang paparating na presensya ni Chester saaking likuran. Ngunit hindi na ko na siya inabalang tignan.

Kumuha ito ng upuan na gawa sa kahoy saka inilagay saaking harapan at doon tahimik na umupo kaya nakataas kilay ko siyang tinignan. May dala itong  medicine kit. Masyado itong seryoso, minsan napapakunot ang noo  habang tinignan ang mga laman ng medicine kit. Nang mahawakan nito ang liniment oil. Tinignan niya ako. Kaya marahan akong napalunok nang tumama ang kanyang asul na mata saakin.

"May I?" he asked while pointing my left foot.

I cleared my throat and nodded at him.

Dahan-dahan niyang kinuha ang aking kanang paa saka inilapag sakanyang binti. I bent my knee a bit para hindi mangangalalay ang aking binti. Pinatakan niya ng liniment oil ang kanyang palad. I slightly moved my foot when he touched it kaya napaangat siya ng tingin saakin bago ibalik ulit ang tingin sa aking paa. He slowly massaged my ankle and I must say that it feels good.

Ang sarap niyang magmasahe grabe!

Napapapikit ako sa paraan ng pagmamasahe niya saaking paa. Marahan niya ring hinihimas-himas ang aking bukong-bukong. Oh crap! I can't believe that his really good at this!

Napasandal at napapakapit ako saaking kinauupuan  dahil sa sobrang pagkaka-relax.

Baka makatulog ako nito ng 'di oras!

Nang inimulat ko ang aking mata. Nagtagpo ang aming tingin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. I don't understand why my heart is pounding so fast!  Napakunot-noo ito saka umiwas ng tingin. At binalik ang atensyon sa ginagawa.

Nang matapos na siya sa pagmasahe saaking paa. Tumayo na ito saka bitbit ang medicine kit na pumunta sa kusina. Malakas akong napabuntong hininga.

An'yare sa heart mo self? Parang abnormal ata ang tibok!

Tahimik pa rin ang buong cabin. Ang ingay lang na galing sa dagat ang naririnig ko galing sa labas ng bintana. Namataan ko ang papalapit na si Chester na may dalang tubig at seryoso nitong inilapag sa mini table na nasa saaking harapan.

Umuga ang inuupuan kong couch nang siya'y umupo. Wala pa rin kaming imikan dalawa. Parang naririnig ko na nga ang paghinga namin dahil sa labis na katahimikan.

Napatingin ako sa nakasandal na si Chester. Tahimik itong tumitig sa kisame kaya napatitig din ako doon kung may makikita ba akong interesante.

Pero wala naman.

Anong meron sa kisame at parang seryoso ata itong nakatitig doon?

Napanguso nalang ako. "Uhm..." simula ko saka bumaling ng tingin sakanya. "S-Salamat pala sa ano...pagbuhat saakin at sa pag ano...pagmasahe ng aking paa. Pero hindi ibig sabihin no'n na porket nagpasalamat na ako e' bati na tayo. Walang gano'n!" napalunok ako ng binalingan ako nito ng tingin. He shifted his seat I saw amusement on his face while staring at me. Nailang ako bigla sa paraan ng pagtitig niya. "K-Kasi naiinis pa rin ako s-sayo hanggang ngayon!"

Damn! Bakit ba ako nauutal?

He just shrugged his shoulder. "Okay," he simply said.

Nanlaki ang aking mga mata at napaawang ang aking labi sa maikling sagot nito.

SIS #01: REACHING THE STARS [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon