Chapter 15 (Don't Look Back)

16.2K 582 101
                                    

CHAPTER 15

NAGISING siyang wala sa tabi niya si Hunter. Kaagad siyang bumangon at tiningnan ang orasan na nakasabit sa dingding. Alas dos pa lang ng madaling araw.

Bumaba siya mula sa malapad na kama at lumabas ng kuwarto. Hinanap niya si Hunter pero wala ito kahit sa kusina.

Dinala siya ng sariling mga paa sa likod ng malaking bahay ni Hunter. Madilim sa gawing iyon.

Napapitlag siya nang makitang unti-unting bumukas ang bakal na pinto na nakita niya kahapon.

Iniluwa niyon si Hunter. Akmang tatawagin niya ito nang matigilan siya. Mula sa liwanag na nagmumula sa poste ay nakita niya ang duguang damit ng binata. May talsik ng dugo sa mukha nito.

Nang tumingin si Hunter sa gawi niya ay mabilis siyang nagtago sa likuran ng malaking puno. Hawak niya ang sariling dibdib. Napakalakas ng tibok ng puso niya, hindi malaman kung natatakot ba siya o sadyang nabigla lang sa nakita. Nakita niya kung paanong kumislap ang mga mata ni Hunter sa kabila ng duguang suot nito.

Naririnig niya ang yabag patungo sa kinaroroonan niya. Nang lumingon siya ay may malakas na mga kamay na humila sa kaniya at biglang tinakpan ang bibig niya.

Nang tingnan niya ang taong nasa harapan niya ay nanlaki ang mga mata niya.

"J-Jaxon..." mahinang anas niya.

Tiningnan lang siya nito at tahimik na hinila pabalik sa loob ng bahay. Dumiretso sila sa kusina.

Napansin niyang nanginginig at nanlalamig ang mga kamay niya. Mataman siyang tiningnan ni Jaxon at kapagkuwan ay inabutan siya ng isang basong tubig.

"Drink this," anito sa mahinang boses.

Sa nanginginig na mga kamay ay inabot niya iyon at diretsong uminom ng tubig.

"Okay ka lang ba?" tanong nito.

Umiling siya. Mahina itong napabuntong-hininga.

"Alam ko kung ano ang iniisip mo ngayon. But I just wanted to let you know that Hunter isn't a bad man," anito sa seryosong boses.

Mataman niya itong tiningnan sa mga mata. Dahan-dahan siyang tumango.

"A-Alam ko," mahinang sabi niya.

"Don't let him know that you saw him like that," anito at nag-iwas ng tingin. "You are his ultimate weakness right now," patuloy nito.

Natahimik siya at kapagkuwan ay kinagat ang ibabang labi.

"Bumalik ka na sa kuwarto mo, Miss Seiranel. Nandoon na si Sir Hunter. Please, make sure that he'll fall asleep tonight," anito at magalang na nagpaalam.

Naiwan siya sa kusina na malalim ang iniisip. Ilang minuto siyang nagtagal doon. Napabuntong-hininga siya at humakbang pabalik sa kuwarto.

Pagbukas niya pa lang sa pinto ay kaagad niyang nakita ang binata na nakaupo sa malapad na kama habang magkasiklop ang mga kamay nito.

Kaagad itong tumingin sa kaniya. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito. Walang emosyon ang mga mata ni Hunter habang nakatingin sa kaniya.

Nang tumayo ito at naglakad papalapit sa kaniya ay awtomatiko siyang napaatras.

Nang mapansin ang ginawa niya ay kaagad itong tumigil sa paglalakad.

"I won't hurt you," mahinang sabi nito habang nakatingin sa mga mata niya.

Nakagat niya ang ibabang labi, hindi makaimik. Nagtitigan silang dalawa ng binata.

"Nakita mo ako, tama ba? Ikaw ang nasa likod ng puno kanina," sabi nito na ikinabigla niya.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now