Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)

10K 501 48
                                    

CHAPTER 43

"LOVE, ang dami nito," natatawang sabi niya habang tinitingnan ang iba-ibang prutas at pagkain sa harapan niya.

Strawberries, mango, avocado, chocolate cake, cheese cake, and there's even a different kind of nuts. 

"I brought you a lot of foods last week and you said the same thing but you finished all of it," sabi ng fiance habang napapakamot sa ulo.

Mahina siyang natawa. Tama nga naman ito. He's spoiling her with her cravings for almost three months now. Palagi itong may dalang pagkain. Alagang-alaga siya ni Hunter. Kung maingat ito sa kaniya noon, mas sobrang ingat na ingat ito sa kaniya ngayon mula nang malaman na buntis siya. Panay ang tanong nito sa kaniya kung kumusta ba ang pakiramdam niya, kung komportable ba siya, kung may nararamdamam ba siyang kakaiba. Halos lahat ay inaalam ni Hunter. Araw-araw ay maaga itong nagigising para ipaghanda siya ng pagkain, lalo na ang mga cravings niya. Lahat ay hinahanda nito.

Bukod sa abala ang fiance sa pag-aalaga sa kaniya ay sinisigurado rin nito na hindi nito pinababayaan si Anastacia. He's taking good care of their daughter and plays with her everyday. Hunter is doing his best to become a better father and a good partner to her. Naniniwala siya na isang maging mabuting ama si Hunter. Nakikita niya ang mga efforts nito. He's always trying his best. And she's very proud of him. Being a father suits him well. 

Minsan ay naaawa siya kay Hunter dahil napupuyat dahil sa kaniya. Mula nang mabuntis siya ay ginigising niya ito palagi. Kung agresibo si Hunter ay mas lalo rin siyang naging agresibo. Her pregnancy makes her more aggressive. Kahit madaling araw, sa kailaliman ng tulog ni Hunter, ay ginigising niya ito para makipagtalik. Late na rin ito minsan nakakatulog dahil mas inuuna siya nitong asikasuhin. Hindi kasi siya makatulog ng maayos mula nang mabuntis siya, hindi siya komportable at hindi mapakali. Ang ginagawa ng fiance ay hinahaplos siya nito sa likod. It's very effective. It can put her to sleep. Kaya gabi-gabi na rin iyon ginagawa ni Hunter sa kaniya para lamang maayos siyang makatulog.

"Do you want some more food?" Hunter softtly asked as he gently kissed her forehead.

"Nope. Enough na muna ito. Thank you, love," mahinang sabi niya sabay haplos sa pisngi nito.

"Anything for you, love," he responded and kissed the top of her head. 

Napangiti siya nang paluhod itong umupo sa harapan niya. Alam na niya kung anong gagawin nito. Hunter pulled up her dress and gently kiss her baby bump. Awtomatiko siyang humawak sa ulo ng fiance habang may ngiti sa mga labi. 

Nag-angat ng tingin si Hunter sa kaniya habang ang isang palad ay nakalapat sa tiyan niya. His eyes were twinkling. It's filled with happiness. Nanatili silang nakatingin sa isa't-isa habang may ngiti sa mga labi.

Hanggang sa pareho nilang narinig ang tunog. It's a shutter sound of a camera. Sabay silang napatingin ni Hunter sa anak nilang si Anastacia.

"I captured that and I love it!" Masayang sabi ng anak nila.

Mahina siyang natawa. Nakangiting tumayo naman si Hunter habang nakatingin sa anak nila.

"What did you captured, baby?" Hunter gently asked.

"The way how you looked at each other, daddy. You looked so in love with each other and I really love it. I captured that moment when you kissed mommy's tummy as well, daddy. Look, daddy. It's beautiful!" Excited na lumapit si Anastacia sa gawi nila.

Nakangiting binuhat naman ito ni Hunter. Anastacia showed him the photos that she captured.

"It's...beautiful," anas ng fiance habang nakatitig sa litrato.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now