Chapter 23 (Basement)

8.6K 281 9
                                    

CHAPTER 23

WARNING: DISTURBING SCENES AHEAD. READ AT YOUR OWN RISK.

NAKATITIG lamang siya kay Hunter habang mahimbing itong natutulog. Hindi niya mapigilang haplusin ang pisngi ng kasintahan. Napangiti siya habang pinagmamasdan ito.

I will be always beside you. I will never leave you. Hindi ko hahayaan na mangyari ang kinakatakutan mo. I will fight this with you, Sei. We will get through this together. Hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako.

Hindi mawala sa isip niya ang mga katagang iyon ng binata. Kahapon ay inatake na naman siya ng sakit niya. At nandoon palagi si Hunter para sa kaniya. Noon, mag-isa niyang tinitiis ang sakit. Mag-isa siyang nagdurusa. Pero mula nang makilala niya si Hunter, mula nang dumating ito sa buhay niya, napagtanto niya na ito palagi ang nasa tabi niya, dinadamayan siya, pinapakalma, at ginagawa ang lahat para mawala itong sakit niya.

Pero bakit sa halip na maging masaya siya ay tila bumibigat lamang ang dibdib niya? Malungkot siyang napatitig sa binata habang patuloy na hinahaplos ang pisngi nito. Hangga't hindi pa siya gumagaling sa sakit niya, hindi mawawala ang bigat sa dibdib niya. Dahil alam niya sa sarili na nahulog na siya ng tuluyan kay Hunter. At iisa lang ang kinakatakutan niya─ iyon ay ang masaktan niya ito. Paano kung balang-araw ay masaktan niya ang binata? Paano kung...hanapin niya sa iba ang kaligayahan na binibigay nito sa kaniya?

Nakagat niya ang ibabang labi at pilit na iwinawaksi ang nasa isip. Umusog siya at dahan-dahang kinuha ang braso ng binata. Gusto niyang humilig sa braso nito. Awtomatikong gumalaw ang binata at dinala siya mismo sa mga bisig nito. Hinalikan siya nito sa noo habang nakapikit pa rin. 

Napangiti siya sa ginawa ng binata. Napapansin niya na palagi nito iyong ginagawa. Tila nakasanayan na iyon ni Hunter. Kahit tulog ito, kapag nasa tabi siya nito ay hindi puwedeng hindi siya halikan ng binata sa noo.

Nanatili siyang nakatitig lamang kay Hunter.

"Mahal kita, Hunter," bulong niya sa kasintahan.

Dahan-dahan siyang pumikit at tuluyang nakatulog sa mga bisig ng binata. Kinabukasan ay tanghali na siya nagising. Kaagad naman siyang bumangon nang makita ang oras. Wala na si Hunter sa tabi niya.

Bumaba siya mula sa kama at dumiretso sa bathroom. Naghilamos muna siya at nag-toothbrush bago lumabas ng kuwarto. Hinanap niya ang binata pero hindi niya ito makita. Napangiti siya nang makitang may nakahanda nang almusal sa mesa para sa kaniya.

Akmang pupunta siya sa likuran ng bahay nang makita si Hunter na kakapasok lamang. Galing ito sa likod-bahay. Mukhang hindi siya nito napansin dahil dire-diretso itong naglakad patungo sa kuwarto nila.

Bumaba ang tingin niya sa kamay ng binata. Napakunot siya ng noo nang makita ang dugo sa kamay nito. Kaagad siyang nag-alala. Inaatake ba ito? Sinugatan na naman ba nito ang sarili? Sumunod siya sa kasintahan. Gusto niyang makasigurado kung maayos lang ba ito.

Nang mahabol ang kasintahan ay awtomatiko niyang hinawakan ang kamay nito. At ganoon na lamang ang gulat niya nang basta na lamang siya nitong sinakal sa leeg kasabay ng malakas na pagbagsak ng likod niya sa pader. Mahina siyang napadaing.

Nagulat naman ang binata nang makilala siya nito. Kaagad siya nitong binitawan. Sunod-sunod siyang napaubo.

"Fuck. I'm sorry. I'm sorry." Hindi nito alam ang gagawin kung hahawakan ba siya o lalayo mula sa kaniya.

Sa huli ay mas pinili nitong lumayo sa kaniya habang tinatago ang duguan nitong mga kamay.

"A-Ayos ka lang ba? Sinugatan mo na naman ba ang sarili mo?" Nag-aalalang tanong niya nang makabawi.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now