Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)

10K 516 85
                                    

CHAPTER 38

"SIR, do you want me to drive you home now or you want to stay a little bit more?"

Napatingin siya kay Jaxon na nasa driver's seat. Ilang minuto na ang lumipas mula nang makapasok si Seiranel sa loob ng condominium building. Kung siya ang masusunod ay sinundan na niya ang kasintahan at sumama sa condo nito. He wants to stay in the same place with her. Ilang minuto pa lamang itong nawala sa paningin niya pero hindi na siya mapakali.

Gusto niyang pagtawanan ang sarili. Paano niya nakaya ang pitong taon na wala ito sa tabi niya? Those seven years was like a hell. Ilang libong beses niyang pinigilan ang sarili na huwag itong hanapin at puntahan─ kahit alam niya kung saang bansa ito. 

Mahina siyang napabuntong-hininga. Kanina pa niya iniisip kung sino ang ipapakilala ng kasintahan sa kaniya. Her bothered and worried face bothers him. Parang hindi ito mapakali kanina habang pabalik sila sa Maynila.

"Let's stay a little bit more," mahinang sabi niya kay Jaxon.

Tumango ito.

"Do you want some water, Sir?" tanong naman nito.

"Don't bother. I'll buy it myself," sabi niya nang makita ang convenience store malapit sa building.

He wants to stay a little bit more. For some reason, except that he wants to stay here for a while because of Seiranel, there's something that's keeping him to stay. Lumabas siya mula sa kotse at naglakad patungo sa convenience store. Habang papasok siya roon ay hinugot niya ang cellphone mula sa bulsa. 

Seiranel sent him a message. It made his heart thump.

From: Love

Take care on your way home. See you tonight. I love you!

He type a reply.

To: Love

I miss you and I love you, love.

After he sent his reply, someone bumped into him. Dahil mas malaki siya ay ito ang tumilapon. Awtomatiko itong napahandusay sa sahig. Mabilis ang mga kilos na binulsa niya ang cellphone at dinaluhan niya ang batang tumilapon.

"Are you okay? I'm sorry," sabi niya at hinawakan sa braso ang bata para alalayan itong makatayo.

"I'm sorry. I bumped into you. It was my fault," nakayukong sabi nito.

"Are you hurt? Can I have your permission to check you?" he asked.

"It's just a scratch on my elbow but I'm okay, Sir. It's my fault," the child answered.

Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang bata. Awtomatikong nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. Napatitig siya sa bata at maging ito ay napatitig din sa kaniya. Sa hindi malamang kadahilanan ay tila may kung ano siyang naramdaman habang nakatitig sa mga mata nito. This little girl. She looked familiar. She felt familiar. At hindi niya alam o hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Tila may kung anong humaplos sa puso niya habang nakatitig siya sa mga mata ng bata. Maging ito ay tila napatulala rin sa kaniya habang nakatitig sa mukha niya.

Sa pagkabigla niya ay tumulo ang mga luha nito. Tila sinaksak naman ang puso niya nang makita ang mga luha ng bata. Gusto niya itong dalhin sa mga bisig niya. Gusto niya itong yakapin. Gusto niya itong aluhin. At naguguluhan siya sa sariling nararamdaman. 

"Does it hurt?" he worriedly asked.

Umiling ito pero patuloy na umiyak.

"Let me bring you to the hospital," aniya at akmang hahawakan ang bata nang mapagtanto na estranghero siya. Baka matakot ito sa kaniya. "Is it okay to bring you to the hospital? Can you come with me? Can I ask you to trust me?" Sunod-sunod na tanong niya.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now