Chapter 44 (Passed Out)

9K 411 64
                                    

CHAPTER 44

"WHAT? ARE YOU SURE, DOC?" Hindi makapaniwalang tanong ng fiancee niyang si Seiranel pagkatapos marinig ang sinabi ng doctor nito.

Nakangiting tumango si Dra. Sanchez.

"Yes, Ms. Seiranel. Triplets ang anak ninyo," nakangiting tugon ni Dra.

Siya naman ay halos natulala habang tinitingnan ang ultra-sound. Halos hindi siya makapaniwala na siya ang ama ng tatlong buhay na nasa sinapupunan ni Seiranel. As soon as he heard their heartbeats, it felt like his heart is going to explode in so much happiness and amazement.

"Hunter." Napatingin siya kay Seiranel nang tinawag nito ang pangalan niya.

"Ahm...yes, love?" Parang wala pa rin sa sariling tanong niya.

"Triplets ang anak natin," sabi nito.

"Yeah. I heard it," tugon niya.

"Bakit?" tanong nito.

"Anong...bakit?" Naguguluhang tanong niya.

"Bakit triplets? Wala kaming lahing kambal. I mean...bakit tatlo? Bakit naka-tatlo ka kaagad? Oh my god. I'm sorry. Nabigla lang ako pero masaya ako. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. I'm sorry." Mangiyak-ngiyak ito.

Mahina naman siyang natawa. Nagpaalam muna siya at nagpasalamat sa doctor bago hinila si Seiranel papalabas ng clinic. Mangiyak-ngiyak pa rin ito. Kung nabigla siya ay mas lalong nabigla ito. Hindi nila parehong inaasahan na magiging triplets ang anak nila. Kaya pala kakaiba ang paglaki ng tiyan ni Seiranel.

Hinayaan niyang umiyak ang fiancee habang nasa loob na sila ng kotse. Pero nakahawak ang kamay niya rito, hindi niya iyon binitawan.

"I can't believe it. Siguradong magugulat din si Anastacia," sabi nito pagkatapos kalmahin ang sarili.

"Mas matutuwa siya kapag nalaman na tatlo na kaagad ang magiging kapatid niya," segunda niya.

Napangiti ito at humilig sa dibdib niya. Awtomatiko niya itong niyakap.

"Kakayanin ko ba ito? Tatlo kaagad ang iluluwal ko," natatawang sabi nito.

Sinapo naman niya ang mukha ng babaeng pinakamamahal.

"You'll make it. Hindi ka pababayaan ng doctor mo. She's one of the best OB and I trust her. At hindi rin ako aalis sa tabi mo. I'll be beside when you give birth with the triplets, okay? I'll be there for you, I promise." Masuyo niyang hinaplos ang mahabang buhok nito.

Nakangiting tumango si Seiranel.

"Salamat, love. Alagang-alaga mo ako at halos kulang ka sa tulog. Thank you for taking good care of me." Nginitian siya nito.

"All for you, love. I am enjoying what I am doing," sabi niya sabay halik sa labi ng fiancee.

Kaagad naman nito iyong tinugon. Umuwi sila sa bahay at sinabi sa panganay nila ang magandang balita. Nagtatalon-talon ito sa sobrang tuwa nang malaman na triplets ang mga kapatid nito. Which he already expected. Alam niyang matutuwa ng husto si Anastacia.

Nakangiting pinagmasdan niya ang mag-iina niya. Parehong nakangiti ang mga ito. Si Anastacia ay panay ang haplos at halik sa malaking tiyan ng mommy nito. Sumilay ang magandang ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang dalawang babaeng pinaka-importante sa buhay niya.

Ilang buwan na ang nakakalipas pero hanggang ngayon ay tila hindi pa rin siya makapaniwala na mayroon na siyang sariling pamilya. Ni kahit minsan ay hindi ito sumagi sa isip niya noon. Ang tanging nasa puso niya ay ang sakit, ang sugat, ang poot, at ang paghihiganti sa lahat ng taong ginawang miserable ang buhay niya at halos sinira na ang buong kaluluwa niya.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now