Chapter 16 (Break Up)

11.7K 417 41
                                    

CHAPTER 16

BIGLAAN ang naging desisyon ni Hunter. Ilang araw pa dapat bago sila babalik sa isla pero kinabukasan ay nagdesisyon itong bumalik na sa Isla Fontana.

Habang nasa biyahe sila pabalik sa isla ay napansin na niya ang pananahimik ng binata. Tila malalim ang iniisip nito.

Gusto niyang tanungin kung maayos lang ba ito pero mas pinili na lang niyang manahimik muna.

Hanggang sa makarating na sila sa isla ay ramdam niyang nag-iba na ang pakikitungo ng binata sa kaniya. Lumamig ang pakikitungo nito sa kaniya at mas lalo itong naging tahimik.

"Apo, ayos ka lang ba?"

Napatingin siya sa lola niya.

"P-Po?" Nabibiglang tanong niya.

Mahinang natawa ang lola niya.

"Kanina ko pa napapansing parang wala ka sa sarili. Panay din ang buntong-hininga mo. Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" tanong ng lola niya.

"Ahm, wala po, lola. Ayos lang po ako," tugon niya at pilit na ngumiti.

"Sigurado ka?" Muling tanong nito.

"Opo," aniya.

Tumango ang lola niya.

"O siya sige. Mabuti pa ay pumasyal-pasyal ka muna roon sa labas. Ako nang bahala rito sa puwesto natin. Magsasara na rin naman tayo mamayang konti. Sige na," anito at ipinagtulakan pa siya.

Natatawang hinugasan na lamang niya ang mga kamay at nagpaalam sa lola niya.

Naglakad-lakad siya sa dalampasigan. Pinanood niya ang papalubog na araw. Nang makarating siya sa naghihilerang mga bangka ay awtomatiko siyang tumigil sa paglalakad.

Nakita niya si Hunter na nakaupo roon habang nakatanaw sa dagat. Ilang sandali siyang nakatayo lamang sa kinaroroonan niya habang patuloy na pinagmamasdan ang binata.

Akmang hahakbang siya para lapitan ang binata nang marinig niya itong nagsalita.

"Just stay where you are," anito habang nakatalikod pa rin sa kaniya.

Natigilan naman siya. Kung ganoon ay kanina pa alam ng binata na nandito siya. Hindi siya humakbang at nanatili lamang siya sa kinatatayuan katulad ng gusto nito.

Humarap ang binata sa kaniya. Nanatili lamang ito sa kinaroroonan habang nakatingin sa kaniya.

"Let's stop this, Seiranel," seryosong sabi nito.

Napatitig siya sa mga mata ng binata.

"Alin ang gusto mong itigil?" tanong niya.

"Everything. Let's just stop everything between us," mariing sabi nito.

Mataman lamang niya itong tiningnan sa mga mata.

"Gusto kong malaman kung alin ang dapat nating itigil, Hunter," seryosong sabi niya.

Marahas itong napabuntong-hininga.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now