Chapter 33 (Stay By Your Side)

8.9K 449 49
                                    

CHAPTER 33

"HUNTER. Wait for me."

Hinabol niya ang binata nang tuluyang siyang makabawi. Natigil ito sa paglalakad nang hinarang  niya ang sarili sa harapan nito.

"What?" Salubong ang kilay nito.

Napaka-suplado talaga.

"Kotse ko ang ginamit mo papunta rito sa ospital. Paano ka makakauwi?" tanong niya.

"Maraming taxi," supladong sabi nito.

"Gamitin mo na ang kotse ko pabalik kina Zeke. Here's my car key." Nilahad niya ang susi ng kotse sa binata.

Imbes na kunin iyon ay tiningnan lamang iyon ng binata. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay nito.

"How can you go home without your car? Your boyfriend will drive you there?" anito, may disgusto sa boses.

Pigil niya ang sariling huwag mapangiti.

"Hindi marunong magmaneho 'yon," tugon niya.

"Then, use your fucking car," mariing sabi nito.

"Ang sungit mo naman. Kanina lang sinabi mong mahal mo ako, ah?" Matamis niya itong nginitian.

"Shut up." Awtomatiko itong napahilot sa sentido.

"O baka gutom ka lang. Come on, let's eat. It's my treat this time, okay?" aniya at hindi na ito hinintay na makapag-hindi pa.

Kaagad niya itong hinila pabalik sa kotse niya. Siya na mismo ang nagmaneho ng kotse niya. Dahil medyo traffic ay na-stuck sila. Tahimik lamang ito. Sinulyapan niya ang binata.

"Saan mo gustong kumain?"

"I'm full," supladong tugon nito.

"So, bakit sumama ka sa'kin?"

"You didn't give me a chance to say no."

"Gusto mo lang akong makasama." Ngumiti siya.

Salubong ang kilay na tiningnan siya nito.

"Alam ba ng boyfriend mo na ganito ang ginagawa mo?" May iritasyon sa boses nito.

"Anong ginagawa ko?"

"You're flirting with me, Sei," mariing sabi ng binata.

"And so?" Tumaas ang kilay niya.

"You're cheating on him," he hissed.

Nakagat niya ang ibabang labi, pigil na pigil na huwag matawa.

"Pakasalan mo na kasi ako. Pakipot ka pa, e." Muli siyang ngumiti.

"Why don't you marry your fucking boyfriend?" Masungit na tugon nito.

"Ikaw ang gusto kong pakasalan. You even proposed to me before, remember? You wanted me to marry you. At ngayong ako ang nag-aalok ng kasal, ayaw mo?"

"Will you please just shut up?" Napahilot itong muli sa sentido.

"Nagseselos ka ba?" tanong niya.

"I'm not jealous."

"Nagseselos ka."

"I said, I'm not fucking jealous."

"Nagseselos ka nga." Hindi siya nagpatalo.

"Shut up, Seiranel," mariing utos nito.

"Just admit that you're jealous. You can't accept the fact that I have a boy─" Natigil siya sa pagsasalita nang mabilis pa sa kidlat na inalis nito ang seatbelt at basta na lamang siyang siniil ng halik sa mga labi.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now