Epilogue

12K 459 72
                                    

Play the song "Because You Loved Me" while reading the last chapter of Hunter and Sei's story. Personally, this song is one of my favorite songs. Bumagay ang kantang ito sa lahat ng pinagdaanan ng dalawang character. This is the ending and the last chapter of their story. This story will forever be special in my heart. Isa ito sa mga story na nahirapan akong isulat at natagalan akong tapusin. It's because the story is too dark that even my mind and heart can't handle.  There are times na 'natatakot' ako sa ibang scenes, natatakot sa character. I cannot explain. 

Katulad ng story ni Clint and Adrian na nasa Nobelista na sobrang nahirapan din ako but it still ended as heartbreaking and heartwarming story. Sobrang special nito sa akin. Writing a story with "dark romance" was never easy. Kung nababasa lang ninyo ang stories ko sa Nobelista, magkakaroon kayo ng sakit sa puso. Salute sa mga nakayanang basahin ang stories ko sa Nobelista.

Thank you for the unwavering support on my stories. We may not know each other personally but I am glad that I've reached you guys thru my stories. We connected because of my stories. Salamat sa suporta. Another story has ended and there will always be a new story that will open.

Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayo magiging readers. O kung hanggang kailan ako magsusulat. Pero thankful ako na napasaya ko kayo, nabigyan ng lessons thru my stories, at nabigyan ko kayo ng inspiration. 

Hanggang sa muli, loves!

EPILOGUE

BUMABA siya mula sa bridal car habang inaalalayan naman siya ng dalawa niyang kapatid dahil sa haba ng wedding gown niya. Nakangiting nagpasalamat siya sa dalawang kapatid. 

"Ang ganda-ganda mo, Ate Sei," nakangiting sabi ni Aly.

"Blooming nga. Buntis ka ba ulit?" birong tanong ng Ate Kathy niya.

Mahina naman siyang natawa.

"Ate, four months na akong walang dilig," sabi niya habang natatawa.

"Oh?"

"Really?"

Sabay na reaksyon ng dalawa. Muli siyang natawa.

"Hunter is reserving it for our honeymoon." Nag-iinit ang mukha niya habang sinasabi iyon.

"Hala, good luck! Mukhang may malulumpo!" Natatawang sabi ng Ate Kathy niya.

Natawa na rin silang pareho ni Aly. Sinalubong siya ng daddy niya. Kaagad niya itong hinalikan sa pisngi pagkatapos itong batiin ng dalawa niyang kapatid.

"You're gorgeous. Wow." Titig na titig ang ama niya sa kaniya.

"Thank you, dad," nakangiting sabi niya.

"I doubt it if Hunter could finish the wedding ceremony. He might kidnap you and keep you inside the room," natatawang biro ng ama niya.

Mahina siyang natawa sa sinabi ng ama. Hindi na sila nagtagal pa dahil naghihintay na si Hunter sa loob ng simbahan at ang mga bisita nila sa kasal. Medyo late na nga siya dahil nagkaroon ng kaunting delay sa bridal car niya.

Silang dalawa na lamang ng daddy niya ang naiwan sa labas dahil nauna na ang dalawa niyang kapatid sa loob ng simbahan. Medyo kabado siya habang hinihintay ang pagbukas ng malaki at malapad na pinto ng simbahan.

"Dad, thank you." Nilingon niya ang ama.

"Thank you for what, honey?"

"For everything, dad. Thank you and I love you," emosyonal na sabi niya.

Masuyo naman siyang hinalikan ng ama sa tuktok ng ulo.

"I love you too, honey," he said and held her hand.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now