Chapter 21 (One and Only Dream)

11.7K 424 37
                                    

CHAPTER 21

TAKOT AKO SA'YO.

Paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga katagang binitawan ni Hunter kagabi. Hindi iyon mawala sa isip niya. Lalong-lalo na ang mukha ng binata habang sinasabi ang mga katagang iyon.

Ang mukha ng binata na dati ay malamig at matigas. Ang mukha na tila nakakatakot dahil hindi man lamang ito makitaan ng ngiti sa mga labi. Pero nakita niya ang pagmamakaawa sa mga mata ng binata. Naging malambot at naging maamo ito sa harapan niya. At hindi niya inaasahan na magmamakaawa sa harapan niya ang isang Hunter Wright. Tila pinapakita nito sa kaniya ng walang pag-aalinlangan na siya lamang ang natatanging kahinaan nito.

Bagong gising lamang siya at halos nakatulala lamang sa loob ng kuwarto, nakatitig sa kisame. Ang binata ay wala na sa tabi niya. Mukhang maaga itong nagising. Bumangon siya at bumaba mula sa kama.

Naghilamos at nag toothbrush muna siya bago lumabas ng kuwarto. Hinanap niya si Hunter sa kabuuan ng bahay hanggang sa nakita niya ito sa pool. Tahimik niya itong pinagmasdan habang pabalik-balik itong lumalangoy. 

Nakita niyang umahon ito mula sa pool. Nakatalikod ito sa kaniya kaya hindi siya nito nakikita. Pinagkasya niya ang sarili na pagmasdan ito. Kitang-kita ng mga mata niya ang mga peklat sa matipunong katawan nito. Sa hitsura pa lamang ng mga peklat ay alam na niya ay galing iyon sa mapait na karanasan ng binata.

Hindi man nito binubuksan ang sarili ng tuluyan sa kaniya, alam na alam at ramdam niya ang mapait na nakaraan ng binata. Kitang-kita niya iyon sa mga mata nito sa tuwing magkasama silang dalawa. Sana balang-araw ay magawang buksan ang binata ang sarili sa kaniya. Gusto niyang makapasok sa mundo nito, kahit gaano pa iyon kabigat. Katulad ng unti-unting pagbubukas niya ng sarili sa binata.

Habang nag-iisip ay tila gusto niyang matawa sa sarili. Pakiramdam niya ay halos sira na ang buo niyang pagkatao dahil sa mga karahasang naranasan niya sa mga lalaking nambaboy sa katawan niya. At ramdam niya na alam na iyon ng binata. Alam niya na sa isang pitik lamang ay kayang alamin ni Hunter ang lahat-lahat sa kaniya.

Napapitlag siya nang may humawak sa kamay niya. Halos manlaki pa ang mga mata niya nang makita si Hunter sa harapan niya. Masyado bang malalim ang iniiisip niya kaya hindi niya ito napansin o naramdaman man lamang na lumapit ito sa kaniya?

"M-Magandang umaga." Hindi niya napigilang mautal.

Tumitig lamang ang binata sa kaniya. Ito na naman ang matigas na ekspresyon sa guwapong mukha nito.

"Kanina ka pa gising?" tanong nito.

Tumango siya. Patuloy siya nitong tinitigan at kapagkuwan ay dumukwang. Mabilis siya nitong dinampian ng halik sa mga labi. Kaagad na nag-init ang buo niyang mukha pagkatapos siya nitong halikan.

"Breakfast is ready. I will take a shower first. I'll make it fast, okay? Wait for me," anito sa masuyong boses.

Tumango lamang siya sa binata at sinundan ito ng tingin habang naglalakad papasok ng bahay nito. Kaagad naman siyang nagpakawala ng hininga. Ngayon niya napagtanto na halos pigilan niya ang sariling huminga dahil sa lalaking iyon.

Wala sa sariling napahawak siya sa sariling bibig. Sanay na siyang hinahalikan siya ng binata sa mga labi. Pero ito ang kauna-unahang pagkakataon na hinalikan siya ni Hunter sa napakasuyong paraan na tila ba ingat na ingat ito sa kinikilos. Na tila takot itong magkamali.

Napailing siya sa sarili at tinungo na ang kusina. Habang hinihintay ang binata ay nagtimpla siya ng kape. Pinagtimpla niya ng kape si Hunter. Totoong mabilis ang naging kilos ng binata. Natapos din ito kaagad sa pagligo at ito na mismo ang naghanda ng pagkain nila sa mesa.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now