Chapter 31 (Don't Go Home)

9.1K 471 76
                                    

CHAPTER 31

NAPATIKHIM siya at awtomatikong inayos ang sarili sabay alis mula sa kandungan ni Hunter. Umupo siya sa bakanteng silya paharap sa binata. 

"Can we order now? Did I come late?" tanong niya nang makaupo na tila walang nangyari.

Hunter just looked at her.

"We're actually early," tugon nito habang abala na sa pagbuklat ng menu.

Hindi naman niya mapigilang mapangiti. He arrived earlier than her. Habang abala ito sa menu ay pinagmasdan niya itong mabuti. Napakasungit pa rin ng lalaking ito.

"So, how are you?" he asked, without looking at her.

"Ang guwapo mo." Sa halip na sagutin ang tanong ng binata ay iyon ang lumabas mula sa bibig niya.

Awtomatiko itong nag-angat ng tingin sa kaniya. Ngumiti lamang siya.

"What do you want to eat?" he asked again, ignoring what she just said.

"Can I eat you?" she playfully asked.

Lihim siyang napangiti nang makitang nagsalubong ang mga kilay ng binata habang nakatingin sa kaniya. Muli ay nginitian niya lamang ito.

"Let's order," he said, ignoring what she just said once again.

Tinawag nito ang waiter at nag-order ng pagkain.

"What's your order?" Muling tanong nito.

"Kung puwede kang orderin, mas okay," tugon niya habang nakangiti pa rin.

"Seiranel," mariin nitong binanggit ang pangalan niya, lumalabas na ang pagiging iritado.

Mahina siyang natawa. Hinarap niya ang waiter at sinabi ang order niya. Habang naghihintay silang dalawa ng binata ay harap-harapan niya itong pinagmasdan. The waiter served the wine first so Hunter opened it and poured the wine on their wine glass.

"I miss you," sabi niya dahilan para matigil ito sa pagbuhos ng wine sa wine glass niya.

Hindi ito nagsalita at nilapag ang bote ng wine. Tahimik nitong ininom ang sariling wine.

"Its's been seven years. Let's forget what happened in the past," sabi nito pagkatapos inumin ang wine.

"Are you in love with someone else?" she directly asked.

Kumunot ang noo nito.

"Love is just an empty word. It doesn't suit me." He laughed without humor.

"Mahal pa rin kita, Hunter," diretsong sabi niya habang nakatingin sa mga mata nito.

Ayaw niyang magpaligoy-ligoy pa. She chose to be vocal with her feelings. Mataman lamang itong nakatingin sa kaniya, hindi nagsalita.

"I have nothing to do with your feelings, Seiranel. Matagal na tayong tapos. This is why I am here right now, having dinner with you. I want to clear things out. Kung anuman ang meron sa atin noon, matagal na iyong tapos." 

He's clearly drawing a line. Which she already expected. Inaasahan na niya na hindi niya ito basta-basta mapapasok. He's still pushing her away. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya nito ipagtutulakan palayo. But she's willing to invade his world again and he cannot stop her.

"We can always start over," she said, unaffected.

"Do you think it's that easy thing to do, huh?" Mahina itong natawa.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"You think I can't do that? Try me." She challenged him.

Hindi na lamang ito umimik pa. Muli itong uminom ng wine. Dumating ang order nila. Tahimik silang kumain ng dinner. 

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now