Chapter 32 (Give Up)

9.5K 489 91
                                    

CHAPTER 32

"LOLA!"

Patakbo niyang nilapitan ang Lola Helen niya at mahigpit itong niyakap. Hinalik-halikan niya ito sa buong mukha.

"Miss na miss na po kita. Sobra-sobra, lola! Mahal na mahal kita." Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa lola niya.

Natatawang hinagod-hagod ng Lola Helen niya ang likod niya. Nang harapin niya ito ay maluha-luha na ito. Maluha-luhang sinapo niya ang mukha ng pinakamamahal niyang lola.

"I miss you so much po," marahang sabi niya.

"Ako rin, apo. Miss na miss na kita," anito habang titig na titig sa kaniya. "Napakalaki ng pinagbago mo, apo. Ang ganda-ganda mo noon pero mas lalo kang gumanda ngayon." Kitang-kita niya ang paghanga sa mga mata ng lola niya.

"Siyempre, lola. Kanino po ba ako magmamana?" Natatawa ngunit may luha sa mga matang sabi niya.

Natawa ang lola niya at muli silang nagyakapan.

"Snack is ready."

Sabay silang napalingon sa lalaking kakalabas lamang mula sa kusina. She smiled when she saw Zeke Velasquez, Alyssa's husband. Kasalukuyan siyang nasa bahay ng mga ito. Si Lola Helen ay nakatira na sa bahay nina Alyssa at minsan naman ay na kay Ate Kathy ito.

Nakangiting tumayo siya at nilapitan si Zeke.

"Hi. It's nice to meet you again after a long years. Ang ganda mo pero mas maganda pa rin ang asawa ko." Natawa siya sa sinabi ni Zeke.

"Thank you sa sapilitang compliment, ha?" aniya habang natatawa. 

"Just kidding. You are all beautiful. Mas lamang lang talaga ang asawa ko." Awtomatiko itong ngumiti nang makitang pumasok si Alyssa sa bahay dahil may inasikaso ito sa labas.

"Aly, inaaway ako ng asawa mo," pabirong sumbong niya.

"Hey. Seseryosohin niyan. Baka matulog ako sa labas ng bahay." Kaagad na reklamo ni Zeke at basta na lamang nilapitan si Alyssa at nilambing.

Nakangiting napailing na lamang siya. Ilang sandali lamang ay dumating na ang Ate Kathy niya kasama ang dalawa nitong anak na sina Katie at Wayne. Kaagad niya itong nilapitan at mahigpit itong niyakap. Masuyo siyang hinalikan ng Ate Kathy niya sa tuktok ng ulo.

"It's good to finally meet you, Sei," mahinang sabi nito, mas mahigpit siyang niyakap.

Nang maghiwalay sila mula sa pagkakayakap ay masuyo siya nitong sinuyod ng tingin.

"You look good," nakangiting sabi nito.

"You too," she said with a big smile on her face. "Napakaganda mo, Nurse Kathy." Sabay silang natawang dalawa. 

"Nakakahiya naman sa'yo. You're an heir and a CEO now. I am so proud of you." Masuyo nitong hinaplos ang buhok niya.

"I am very proud of you and Aly as well, ate." Muli niya itong niyakap.

"Okay. That's enough na mga ate. Ayaw kong magkaiyakan tayong lahat dito." Sabay silang napalingon ni Ate Kathy sa bunso nilang kapatid na si Aly nang magsalita ito.

Nakangiting sabay nila itong niyakap at hinalik-halikan sa buong mukha at sabay-sabay silang nagtawanan. Hinarap niya ang mga pamangkin niya at ang binigay ang pasalubong ng mga ito.

"Where's my cousin po?" Napatingin siya kay Katie nang magsalita ito.

Kaagad naman siyang napatingin sa paligid, nag-aalala na baka marinig sila ni Zeke. Hindi alam ni Zeke na may anak siya kay Hunter. Ayaw pa niyang malaman ng mga kaibigan nito dahil mas gusto niya na ito ang unang makakaalam. It would be rude if his friends will know it first. Ayaw rin niyang maipit ang mga kaibigan nito.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now