Chapter 41 (Destiny)

9K 411 44
                                    

CHAPTER 41

"DADDY, why don't you know this game? It's called 'Bato Bato Pick', okay? Didn't you play this game when you were a child, daddy? Why don't you know this?"

Iyon ang narinig niyang tanong ng anak na si Anastacia nang maabutan niya ang dalawa sa garden. May himig reklamo ang anak niya kaya gusto niyang matawa. Tahimik lamang niyang pinagmasdan ang mga ito. Napatingin siya kay Hunter na tila nangangapa, hindi alam kung paanong pagbigyan ang anak nila. O sa madaling salita ay hindi nito alam kung paanong laruin.

Ang Daddy Simon niya ay bumalik na sa Europe dalawang linggo na ang nakakalipas. Pero babalik din ito sa araw ng kasal nila ni Hunter.

"Baby, it's my first time playing this," sabi ni Hunter na tila inosenteng bata na tinitigan ang sariling mga kamay.

Nakagat niya ang ibabang labi sa pagpipigil ng tawa. The innocent look on his face is really cute. Ngayon niya lamang nakita ang fiance sa ganitong ekspresyon. She realized that Hunter didn't play any game when he was a child. Namulat ito sa malupit na mundo kaya hindi nito naranasan noon kung paano ang maging normal na bata.

"This is how you do it, daddy. This is the rock..." Anastacia gesture her hand in front of Hunter. "...and this is the paper," she continued.

Nakita niya kung paanong seryosong pinanood ni Hunter ang anak nila na tila ba desidido itong matutunan ang tinuturo ng anak. Napaka-inosente ng mukha nito habang nakatingin sa maliliit na mga kamay ni Anastacia.

"And this is the scissor, daddy. Try it now, daddy," Anastacia ended her tutorial to her father.

Pinigil lamang niyang hindi matawa dahil ginawa naman ni Hunter ang gusto ng anak. 

"Did I do it right?" inosenteng tanong nito sa anak nila.

Damn. This man is too adorable. She have never seen this side of him. He's too cute.

"Mommy, daddy don't know how to do 'Bato Bato Pick'." Nilingon siya ng anak, nagsusumbong.

Mariin na ang pagkagat niya sa ibabang labi para hindi matawa. Lumapit siya sa mag-ama habang nakaupo ang mga ito sa wooden chair sa harapan ng pabilog na wooden table. Umupo siya sa tabi ni Hunter.

"Okay, let me teach daddy, hmm?" nakangiting sabi niya kay Anastacia Khate at lumingon sa fiance niya.

Nilapit niya ang bibig sa tainga ni Hunter.

"Ang galing-galing mo sa kama pero 'Bato Bato Pick' ay hindi mo kayang gawin?" Pabirong bulong niya.

Napakurap naman ito.

"Love..." reklamo nito na ikinatawa niya.

Mas lalo siyang natawa nang makitang namumula ito. Ugh! He's so cute!

"I'm just kidding," natatawang sabi niya. "Come here, turuan kita. Para makalaro mo si Anastacia," nakangiting sabi niya.

"She already taught me," sabi naman nito.

"She did but you're not doing it right," tugon niya.

Mahina naman itong napabuntong-hininga. Tinuruan nga niya ito at mabilis namang nakuha pagkatapos niyang magpaliwanag. Tumango-tango pa ito habang may kislap sa mga mata. Para itong bata na may bagong natutunan. Excited itong nakipaglaro ng 'Bato Bato Pick' sa anak nila.

Parang hinaplos naman ang puso niya habang tinitingnan ang fiance. She felt bad for him. He is so innocent. Napakaraming inagaw at ipinagkait kay Hunter kahit ang mga simpleng bagay lamang. Hindi naman niya mapigilan ang sariling emosyon. Basta na lamang siyang naiyak. Ibinaon niya ang mukha sa balikat ni Hunter, itinago ang luha. Ayaw niyang makita ng anak na umiiyak siya.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now