Chapter 35 (You're Not The Devil)

9.4K 490 66
                                    

CHAPTER 35

"HINDI ka ba nilalamig?" tanong ni Hunter habang nakaupo silang dalawa sa dalampasigan.

Nakangiting umiling siya habang titig na titig sa napakagandang mata ng binata.

"Are you sure?" Muling tanong nito.

"Sanay ako rito sa isla, remember? And I lived in Europe for seven years. Balewala sa akin ang lamig na ito," nakangiting sabi niya habang nakatitig pa rin kay Hunter.

Hindi pa siya nakuntento at humarap siya rito.

"What?" Napakamot ito sa ulo.

"Nothing," nakangiting sabi niya.

"You have anything to say?" he asked.

"I love you," diretsong sabi niya.

Matamang napatitig ang binata sa mga mata niya. And for the first time after seven years, she saw a smile form into his lips. Tila bigla namang natunaw ang puso niya sa ngiting iyon ni Hunter. It feels like a big accomplishment. Ang mapangiti ang isang Hunter Wright ay napakalaking bagay na. Kung nakuhanan lamang niya sana ng litrato ang ngiting iyon. 

Hindi niya napigilang abutin ang pisngi ng binata at masuyo iyong hinaplos. She promise that she will always make him smile like that. Hinila naman siya ng binata at pinaupo sa kandungan nito. Hawak-hawak siya nito sa beywang, masuyo iyong hinahaplos. That simple gesture made her smile.

"I love you," he whispered behind her ear.

She can't help but to smile. Nakagat niya ang ibabang labi dahil sa nararamdamang kilig. Tumingala siya sa binata at awtomatikong nagtagpo ang mga mata nila. Tanging mga mata at puso lamang nila ang nag-uusap na tila na sapat na iyon para damhin ang pagmamahal nila para sa isa't-isa.

"Hunter."

"Hmm?"

"Can you...tell me now what really happened to you when you were a child? I want to hear it from you. What traumatized you and who was behind of your dark past," she said while looking in his eyes. "It's okay if you don't want to tell me yet and─"

Hindi niya natapos ang sasabihin nang pinigilan siya ni Hunter, tinakpan ang bibig niya gamit ang hintuturo nito.

"I'll tell you," mahinang sabi nito sabay kabig sa kaniya at dinala siya sa mga bisig nito. 

Awtomatikong pumulupot ang mga kamay niya sa katawan ni Hunter. She's all ready to listen. Narinig niya itong napabuntong-hininga na tila ba hinahanda ang sarili bago muling nagsalita.

"My parents abandoned me when I was young. Ni hindi ko na maalala ang mga mukha nila. Iniwan nila ako sa lansangan. Wala akong matuluyan. Wala akong makain. Hanggang sa kinupkop ako ng leader ng isang sindikato. He raised me and treated me like a wild dog. Tinuruan niya ako kung paanong magnakaw. Marami silang pinapatay, mga taong may atraso sa kanila. Ako ang nagbubungkal ng lupa, ako ang naglilibing, buhay man o patay na ang mga taong iyon. Kung sino-sino ang ninanakawan namin. Palagi akong gutom at palaging bugbog sarado. I don't even know why I'm still alive after all the torture. Binibitin ako ng patiwarik. Kinukulong ako sa loob ng aparador. Pinapasok ako sa loob ng ref o kaya naman ay sa freezer."

Mas lalong napahigpit ang pagkakayakap niya kay Hunter habang pinapakinggan ito. Parang dinudurog ang puso niya.

"They were enjoying hurting me like I am a toy. Ang lahat ng peklat na nakikita mo noon sa katawan ko ay kagagawan nila. Whenever the leader of that syndicate is bored, he will bury a knife in my body. Ilang beses na niya akong sinaksak, habang tumatawa. Ilang beses niyang pinalandas ang kutsilyo sa iba't-ibang parte ng katawan ko. And..." Natigil ito sa pagsasalita.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now