Chapter 28 (Tame the Beast)

9.8K 409 67
                                    

CHAPTER 28

HINDI niya alam kung ilang segundong nagkasalubong ang mga mata nila ni Hunter. Hindi niya alam kung siya lamang ba ang nagulat at apektado ngayon sa muli nilang pagkikita. Before she fly back in the Philippines, she was ready to meet him again. She already has plans. 

But meeting him unexpectedly today almost took her breath away. Halos hindi siya makahinga at kailangan pa muna niyang pakalmahin ang sarili. Diretso lamang itong nakatingin sa kaniya, walang emosyon sa mga mata.

Nag-iwas ito ng tingin sa kaniya at akmang imamaneho na ang kotse nang mabilis niya itong pinigilan. Tuluyan siyang nakabawi sa pagkabigla. Now that he's here in front of her, she won't let this opportunity go to waste.

"I'm sorry but I need your help. You see, I'm a little bit injured so I can't change my tire." Kaagad na sabi niya.

Awtomatiko naman itong tumingin sa kamay niya. Ilang segundo itong napatitig doon. Nakita niya kung paano itong napalunok. Kaagad niyang itinago sa likuran ang nasugatan niyang kamay. She almost forgot that this man loves to see blood. He still didn't change.

Napaatras siya nang binuksan nito ang pinto ng kotse. Nakahinga naman siya ng maluwag. At least, she succeeded? 

"Do you have umbrella? Mababasa ka," sabi niya nang makalabas na ito ng kotse.

Tiningnan lamang siya nito at walang imik na humakbang patungo sa kotse niya. Hindi ito nagsalita at nilagay na ang gulong sa harapan. Walang kahirap-hirap nito iyong ginawa. Basang-basa na ito ng ulan. Nakagat naman niya ang ibabang labi habang pinagmamasdan ito sa paglalagay ng gulong.

Ni hindi man lamang ito nahirapan sa pagpalit ng gulong ng kotse niya. Dahil basang-basa na rin ito ng ulan, kitang-kita ang muscles ni Hunter. Litaw na litaw ang mga ugat sa braso nito. Hunter is more masculine now. 

Wala sa sariling napahakbang siya patungo sa binata. Sakto namang tumayo ito at humarap sa kaniya. Sa pagkabigla niya ay napaatras siya at muntik nang matumba kung hindi lamang siya nito nahawakan sa beywang. 

Hindi sinasadyang naitungkod niya ang mga palad sa matigas at malapad na dibdib ng binata. Kahit pareho silang basang-basa sa ulan, ramdam pa rin niya ang malakas na daloy ng kuryente sa buong katawan niya.

Mabilis siya nitong binitiwan. Kaagad naman niyang binalanse ang sarili. Walang imik na kinuha nito ang nasira niyang gulong at pinagulong patungo sa likod. Ito na mismo ang naglagay niyon sa likod ng kotse niya. Pati ang mga gamit ay ipinasok nito sa loob ng kotse niya. Wala pa rin itong imik. Basta lamang nitong ginawa ang dapat na gawin na para bang gusto na nitong matapos na ang pagtatagpo nilang dalawa.

After he's done, he walked towards his car. Hinabol niya ito at basta na lamang hinarang ang sarili sa harapan nito. Diretso lamang itong tumingin sa mga mata niya. Ilang segundo itong nakipagtitigan sa kanilang dalawa. Unti-unti nang tumitila ang ulan pero parehong tumutulo ang tubig sa mga mukha nila.

"Aren't you going to talk to me? Don't you recognize me?" she asked.

Hindi siya nito sinagot. Sa halip ay nilampasan siya nito at walang imik na binuksan ang pinto ng kotse nito. Hinawakan niya ang handle ng kotse ng binata at isinara iyon. Salubong naman ang kilay na tumingin ito sa kaniya pero nanatili pa ring hindi nagsalita.

Muli nitong binuksan ang pinto at muli rin niya iyong sinara. He was about to open the door of his car again when she pushed him and leaned him towards his car. Halatang hindi nito inaasahan at mas lalong hindi nito napaghandaan ang ginawa niya.

She reached for his nape and immediately claimed his lips that made him stilled. She moved her lips, urging him to open his mouth. She aggressively kissed him even he's not responding. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat at bahagya siyang inilayo.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now