Chapter 24 (The World is Too Cruel)

7.9K 309 33
                                    

CHAPTER 24

HINDI niya alam kung ilang minuto niyang pilit pinapakalma ang sarili. Hindi mawala sa utak niya ang mga nasaksihan. Pakiramdam niya ay tila binabaliktad ang sikmura niya sa tuwing naiisip niya iyon.

Nang medyo naging kalmado na siya ay ni-lock niya ang bakal na pinto. Nanginginig ang mga kamay niya habang ginagawa iyon. Umiiyak pa rin siya. Kaagad niyang pinunasan ang mga luha at humakbang.

Pero napatigil din siya sa paglalakad. Tila hindi niya kayang humakbang pabalik sa loob ng bahay. Parang binabaliktad na naman ang sikmura niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat maramdaman. 

Napahawak siya sa malaking puno nang makaramdam muli ng panghihina. Ilang sandali lamang ay may pares ng sapatos sa harapan niya. Nang tumingala siya ay nakita niya si Jaxon.

"J-Jaxon," anas niya, bahagyang nagulat. 

Ang buong akala niya ay nasa bakasyon ito? Nilahad nito ang palad sa kaniya.

"Let's go, Ms. Seiranel," sabi nito.

Tumingin siya sa kamay ni Jaxon. Dahan-dahan niya iyong inabot. Kaagad naman itong natigilan nang maramdaman ang nanlalamig niyang kamay. Mataman itong napatingin sa kaniya.

Nagpaubaya siya nang alalayan siya ni Jaxon patungo sa garahe. Napatingin siya rito nang binuksan nito ang pinto ng kotse.

"S-Saan tayo pupunta?" mahinang tanong niya.

"Sa Isla Fontana, Ms. Seiranel. Ihahatid kita," tugon nito.

"Pero gabi na," naguguluhang sabi niya.

Tumingin ito sa bahay at kapagkuwan ay napabuntong-hininga.

"You'll be safe in Isla Fontana," sabi nito nang muling tumingin sa kaniya.

Mataman siyang napatingin kay Jaxon. Inutusan ba ito ni Hunter na ihatid siya sa isla ngayong gabi?

"P-Paano si..." Hindi niya magawang ituloy ang sasabihin.

Napalunok siya at kapagkuwan ay nakagat niya ang ibabang labi.

"Pasok ka na. Ihahatid na kita. Nakahanda na ang chopper," untag ni Jaxon.

Sandali siyang tumingin sa bahay. Tumingala siya sa bintana. May nakita siya anino roon pero sandali lamang dahil kaagad din iyong nawala. Tahimik na pumasok siya sa loob ng kotse.

Habang nasa biyahe sila ay napakarami niyang iniisip. Halos magkanda-sugat sugat na ang mga daliri niya dahil sa kakapisil niyon. 

"Okay ka lang ba, Ms. Seiranel?" tanong ni Jaxon habang nagmamaneho.

Hindi niya ito tiningnan. Nakatingin lamang siya sa labas ng bintana.

"Tinawagan ka ba ni Hunter?" tanong niya, hindi pinansin ang tanong nito.

"He told me to send you home," tugon nito.

Natahimik siya at nag-isip. Nakarating sila sa lugar kung saan naghihintay na ang chopper na maghahatid sa kaniya sa isla. Hanggang sa loob ng chopper ay sinamahan siya ni Jaxon. Nakakasiguro siya na utos lahat ito ni Hunter dahil hindi umalis si Jaxon sa tabi niya. Si Jaxon ang pinaka-loyal na tauhan ni Hunter kaya alam niya na lahat ng mga sinasabi ni Hunter ay sinusunod nito. Kahit siguro kapag sinabi ng binata na tumalon ito ngayon sa chopper ay gagawin ni Jaxon.

Nakarating siya sa Isla Fontana. Bago nagpaalam si Jaxon ay hinarap siya nito.

"Maputla ka, Ms. Seiranel. Magpahinga kang mabuti. At...huwag kang masyadong mag-isip," sabi nito, may simpatiya sa mga mata.

"Salamat," mahinang sabi niya.

Tuluyan na itong tumalikod.

"Jaxon." Tawag niya rito.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now