Chapter 20 (Surrender)

19.8K 605 103
                                    

CHAPTER 20

ILANG SEGUNDO siyang nakatingala sa kisame habang nakaupo siya sa sofa, malalim na nag-iisip.

Naramdaman niyang may lumapit sa kaniya pero hindi siya kumilos.

"Sir, I've prepared the water in your bathtub. You can take a shower now." He heard Jaxon said.

Tumingin siya kay Jaxon.

"How about her?" he asked.

Umiling ito.

"Ayaw niyang lumabas sa kuwarto," tugon nito.

Mahina siyang napabuntong-hininga. Ilang oras na ang nakalipas mula nang dumating siya sa sariling bahay kasama si Seiranel. At hindi siya nito kinakausap.

Napahawak siya sa sentido at bahagya iyong hinilot. He actually doesn't know how to handle this kind of thing. He can't handle Seiranel's mood and temper. This is his first time dealing with this kind of situation.

"Kailangan ko ba siyang suyuin?" Kumunot ang noo niya, hindi alam ang gagawin.

Nang walang makuhang sagot mula kay Jaxon ay seryoso niya itong tiningnan. Napalunok naman ito.

"Alam kong hindi ka sanay manuyo. It's not your cup of tea. Wala ka pang sinuyo na kahit na sino dahil lahat ay nakukuha mo sa isang pitik lang. But you have to do that, Sir. I mean...you're dealing with a woman. Ang sabi nila ay ang mga babae ang pinaka-mahirap suyuin sa lahat," anito, napakamot sa ulo.

Mataman naman siyang napatingin kay Jaxon.

"Hindi ka pa nagka-girlfriend?" Kunot-noo at seryosong tanong niya.

Bigla itong umayos ng tayo.

"Sir, I only dedicate my life to you. Simula nang pinulot mo ako sa lansangan, binihisan, pinakain, binigyan ng matitirhan, at pinag-aral, sinumpa ko sa sarili ko na sa'yo ko lang i-aalay ang buhay ko. Hawak mo na ang buhay at kaluluwa ko simula noon. Wala akong oras sa mga babae," seryoso namang tugon nito.

Seryoso siyang tumingin kay Jaxon at kapagkuwan ay pinag-krus niya ang mga paa.

"Wala kang gusto sa akin?" Diretsong tanong niya.

Bigla naman itong napaubo dahil sa tanong niyang iyon.

"I have been working with you for over 15 years, Sir Hunter. But I am still attracted to women," tugon nito.

Mahina siyang natawa at kapagkuwan ay tumayo mula sa kinauupuan at tinapik ito sa balikat.

"I am just kidding," naiiling ngunit nakangiting sabi niya.

Mataman naman itong napatingin sa kaniya.

"What?" Tinaasan niya ito ng kilay.

"Masaya akong nakikitang ngumingiti ka. Simula nang makilala mo si Ms. Seiranel, natuto ka nang ngumiti. Susuportahan ko kayong dalawa hanggang sa huli. Kaya suyuin mo na, Sir," seryosong sabi nito.

Muli ay mataman siyang tumingin kay Jaxon.

"You're just like me. Hindi ka rin pala-ngiti," aniya at muling napailing. "Do you want to take some vacation? I will stay here for a few months so you go ahead and take a vacation."

"No one will protect you if I—"

"I can handle myself. Magbakasyon ka at magpahinga," aniya at humakbang.

Nakailang hakbang na siya nang may maisip. Nilingon niya si Jaxon. Humakbang papalapit dito. Tumikhim siya bago magsalita.

"Turuan mo akong magluto," aniya sa mahinang boses.

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now