Chapter 27 (Heavy Rain)

8K 382 42
                                    

CHAPTER 27

"DO YOU want me to do the grocery?" Samantha, her assistant, asked.

Kaagad naman siyang umiling. First time nito sa Pilipinas at hindi nito kabisado ang lugar. Kasalukuyan na silang nasa condo unit na binili niya last month. Kahapon pa sila dumating. Nagpahinga lang muna sila ng isang araw dahil pagod lahat. Maayos at malinis na. Grocery na lang talaga ang kulang.

"I can handle it. I will do the grocery. Just stay here with Anastacia," aniya habang inaayos ang suot na damit.

Ang anak niya ay nasa loob ng kuwarto nito, busy sa kakalaro sa cellphone. Bago siya umalis ay nagpaalam siya sa anak.

"I'll be back, baby," malambing na sabi niya sa anak.

"Can I come with you, mommy?" tanong nito.

Napangiti naman siya sabay pisil sa tungki ng ilong nito.

"We'll go out soon. Just take a rest for now," sabi niya at hinalikan ito sa pisngi.

"Okay, mommy. Take care. I love you!" Malutong siya nitong hinalikan sa pisngi.

Hinatid siya ni Samantha sa pinto ng condo. Ito pa mismo ang nagbukas niyon. Kaagad siyang sumakay sa elevator patungo sa parking. Habang nagmamaneho patungo sa supermarket ay tinawagan siya ng isa sa mga kapatid niya. Napangiti siya at kaagad na pinindot ang earpiece na nasa kaliwang tainga niya para sagutin ang tawag.

"Ate Kathy. Hi." Bati niya sa nakakatandang kapatid.

"Welcome home, Sei! I miss you so much! Let's meet soon." Kaagad naman siyang napangiti sa sinabi ng ate niya.

Pitong taon din niyang hindi nakita ang kapatid. Nakikita niya lamang ito kapag tinatawagan nila ang isa't-isa. Her Ate Kathy is a nurse now. Masaya siya sa naging buhay ng ate niya ngayon. Alam niyang unti-unti ay naghihilom na ito kahit alam niya na hindi rin basta-basta ang mga pinagdaanan nito. 

Katulad niya ay natagpuan din ng ate niya ang lolo nito. Matagal na itong hinahanap ng lolo nito na ama ng tatay ni Ate Kathy. Kahit papaano ay maganda na ngayon ang buhay ng Ate Kathy niya kasama si Katie at ang isa pa nitong anak na si Wayne. Hindi rin lingid sa kaalaman niya na si William ang ama ng mga anak nito. Sinabi iyon ng Ate Kathy niya noon pero sa ngayon ay hindi pa nagkikita ulit ang dalawa dahil naghiwalay ang mga ito ilang taon na ang nakakaraan. Ayaw niyang panghimasukan ang buhay ng kapatid niya. Alam niya na balang-araw ay magkikita rin ulit ang dalawa.

Ang bunso naman nilang kapatid na si Alyssa ay may pamilya na rin. Ang lalaking kinaiinisan nito noon ang napangasawa nito. Alyssa is living a good life as well with her husband. Si Zeke na ginawa ang lahat para lamang maging karapat-dapat ito para kay Alyssa. Alam niya na hindi rin naging madali ang lahat sa dalawa.

Masaya siya para sa dalawa niyang kapatid. Ngayon niya napagtanto na iba na talaga ang buhay nilang tatlo kumpara sa noon. Pero isa lang ang masasabi niya, pareho pa rin silang tatlong nakaapak sa lupa. At pareho pa rin nilang mahal na mahal ang isa't-isa.

"I miss you too, ate. And lola as well. I miss her so much," sabi niya, hindi mapigilang maging emosyonal.

"Miss na miss ka na rin ni lola, Sei. Sa wakas magkikita na rin tayong lahat ulit. I can't wait to see you again," sabi ng kapatid niya mula sa kabilang linya.

Marami silang napag-usapan ng kapatid hanggang sa makarating na siya sa supermarket kaya kailangan niyang tapusin muna ang tawag. She parked her car outside. Nang makalabas siya mula sa kotse niya ay napatingala siya sa kalangitan. Mukhang uulan dahil makulimlim.

She locked her car and walk towards the supermarket. Marami siyang pinamili sa loob na umabot iyon ng sampung box at ilang malalaking plastic. Mabuti na lamang at malaki ang dala niyang kotse. 

Isla Fontana Series #4: Ruthless Slave (COMPLETED)Where stories live. Discover now