Kabanata 1

825 54 3
                                    

"Oh, bakit ginabi ka na, Alex?" Tanong sa akin ni Tiya Isabel nang makarating ako at nagmano.

"Traffic po kasi kaninang byahe." Magalang na sagot ko.

"Buti at wala ka namang nakasalubong dyan na masasamang mga elemento." Nag-aalalang sambit nya pa kaya bigla kong naisip si Lucas.

"Wala naman po." Pag-sisinungaling ko.

"Sige na at kumain ka na sa mesa. Alam kong na gutom ka sa byahe."

"Salamat po, Tiya."

"Ay, teka, sandali," Napahinto ako nang tawagin ulit ako ni Tiya. Nakita kong nakatingin sya doon sa mga rosas na ipinatong ko sa upuan na kahoy kanina. "Binili mo ba ang mga iyan, Alex?"

"Opo, Tiya." Sagot ko at kinuha iyon. "Binili ko po sa bayan kanina." Pag-sisinungaling ko ulit at baka malaman pa nya ang tungkol kay Lucas kung sabihin kong pinitas ko lang ito doon sa kakahuyan.

"Buti naman at baka makabihag ka pa ng kapre kung pinitas mo lang ito." Sambit ni Tiya. Ito pala ang ibig sabihin ng sinabi ng matanda kanina. Pero hindi ko naman na bihag si Lucas. Wala ngang naging epekto ang ganda ko sa kapre na 'yon.

"Sige po, kakain na po ako." Paalam ko bago tumungo doon sa mesa at mailagay ang mga dalang gamit sa kwarto.

Nang matapos kumain ay dumiretso na kaagad ako doon sa kwarto para makapag pahinga na. Kinuha ko muna iyong mga bulaklak at nilagay sa base na may tubig para hindi malanta kaagad.

Napangiti ako ng maalala ang nangyari kanina sa kakahuyan. Weird man tignan pero feeling ko ay may crush ata ako sa kapre na 'yon.

Kinabukasan, nang matapos akong kumain ng umagahan ay agad akong nagpaalam kay Tiya na ako na ang mamalengke.

"Sigurado ka ba, Alex?" Tanong nya sa akin. "Hindi kaya ay mag pahinga ka muna dahil napagod ka kagabi sa byahe."

"Ayos lang, Tiya." Sagot ko para madaanan rin si Lucas at madiligan ang tanim nyang rosas para narin makahingi pa ako sa susunod.

"Sige, Alex, kung mapilit ka talaga." Inabot ni Tiya sa akin ang mga listahan ng bibilhin para sa lulutuing tanghalian mamaya.

"Mag-iingat ka." Bilin nya sa akin nang nasa labas na ako at nagsimulang maglakad paalis habang may dalang jag na nilagyan ko ng tubig. Buti na lang ay hindi na nag tanong pa si Tiya kung bakit may dala ako nito.

"Magandang umaga, Lucas!" Bati ko sa kapreng nakaupo sa sanga ng puno at may hinihithit na tabako noong
makarating.

"Huwag mo nga akong tawagin sa pangalan 'yan." Naiinis nyang sambit.

Hindi ko pinansin ang sinabi nya at nagtanong habang dinidiligan ang mga bulaklak. "Nag almusal ka na ba? Ano nga pa lang kinakain nyong mga kapre?"

"Hindi kami nakakaramdam ng gutom." Sagot nya sa akin.

"Wow, ang galing naman." Na mamangha na sabi ko. "So hindi rin pala kayo tumatae noh?"

"Tss, nakakainis ka. Ang daldal mo." Naiinis na sambit nya at bigla na lang akong binugahan ng usok sa mukha mula sa itaas.

Sunod sunod tuloy akong napaubo at masama syang tinignan pagkatapos.

"Aalis na ako." Naiinis na sambit ko habang hawak sa isang kamay ang wala ng laman na tubig ng jag.

"Wala akong pakialam." Sambit ni Lucas at inirapan pa ako bago sinubo ulit iyong hawak na sigarilyo.

"Magkaroon ka sana ng lung cancer sa kaka-sigarilyo mo." Sambit ko kahit na impossibleng mangyari 'yon dahil isa syang elemento bago ako nag lakad paalis.

Magandang Umaga, LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon