Kabanata 21

639 51 3
                                    

Pumasok kami sa loob ng bahay. pagkatapos. Tulalang umupo ako sa kama na narito sa sariling silid.

Hindi ko alam kung saan pumunta si Lucas pagkatapos nya akong iwan dito sa loob.

Nasasasaktan ako na nagawa kong saktan si Eduwardo. Alam kong mahal nya ako. Mahal ko rin naman sya pero bilang kaibigan lang... Saka sinubukan ko naman talaga syang mahalin ng hingit pa do'n pero hindi ko nagawa dahil hindi ko na naalis pa ang nararamdaman ko para kay Lucas.

Napalingon ako sa pintuan nang pumasok doon si Lucas na may dalang isang basong tubig. Nang iabot nya sa'kin 'yon ay kaaagad ko 'yong ininom. Nang maubos ay kinuha nya ulit 'yon para ipatong doon sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama ko.

Umupo sya sa tabi ko pagkatapos at nagsimula ulit akong mag salita at umiyak.

"H-hindi ko naman na itensyon na saktan sya."

"Alam ko." Seryosong sambit nya habang pinanonood ako.

"Ayokong mawala sya sa'kin, Lucas..." Naiiyak na sambit ko nang bigla rin akong napatigil nang makita ang ginawa nya.

Naghubad sya ng pang-itaas na damit at pagkatapos ay tumingin ulit sya sa'kin.

Bumaba tuloy ang tingin ko sa maganda nyang tiyan.

"Ano nga ulit 'yon?" Tanong nya sa'kin dahilan para tumaas muli ang tingin ko.

Nakita kong madilim na ang titig nya sa'kin habang nakahawak ang kamay sa labi at tila pinaglalaruan 'yon.

Tumikhim ako at kaagad na ilang nang makita kung paano nya kagatin at dilaan ang sariling labi.

"A-anong ginagawa mo?" Gulat kong tanong sa kanya at napatigil sa pag-iyak.

Tinaasan nya ako ng kilay. "Ano bang ginagawa ko?" Balik na tanong nya.

"Inaakit mo ba 'ko, Lucas?"

"Bakit? Naaakit ka ba?" Mas lalong dumilim ang titig nya sa'kin.

"Lucas!" Nairita ako. Hindi nya ba alam na sa ginagawa nya ngayon ay ang lakas ng epekto nyan sa'kin?

"Gusto mo bang makalimot pansamantala sa problema mo?" Seryosong tanong nya sa'kin.

Nagtatakang tumango ako. "Pa'no?"

Binasa nya ang sariling labi bago nilapit ang sarili sa'kin. "Sa pamamagitan nito." Nagulat ako nang bigla na lang nya akong sunggaban ng halik sa labi.

Utomatik na kaagad akong napapikit at hinayaan sya sa gusto nyang gawin. Mas lalo kong idinikit ang sarili sa kanya nang mas lumalim ang halikan namin.

Mahigpit akong napahawak sa suot nyang damit nang bumaba ang halik nya sa leeg ko pagkatapos ng ilang minuto na halikan namin.

"Lucas..." Dumaing ako nang maramdaman ang dila nya sa leeg ko, tila pinaglalaruan ang balat ko roon gamit ang mapaglaru nyang dila. "S-sa t-tingin ko ay kailangan na natin h-huminto..." Hinihingal na bulong ko sa gitna ng halikan namin. Baka kung saan pa umabot ito.

"Hmm..." Lumayo sya pero ang tingin ay nasa labi ko. Napatingin din ako sa labi nya at nakitang pulang pula 'yon at basa ng magkahalong laway namin. "Siguro ka ba?" Tumuon ang tingin nya sa mga mata ko at seryoso akong tinignan.

"S-sa tingin ko ay masyado pang maaga para roon, Lucas..." Namumulang sambit ko at huminga ng malalalim, sa pamamagitan nyon ay sinubukan kong alisin ang namumuong init sa katawan.

Mukhang naman naiintindihan nya ang pinahihiwatag ko na 'roon'.

"Akala ko ba ay gusto mong makalimutan pansamantala ang problema mo?" Seryosong tanong nya. "Tinutulungan na kita, Alexa..."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now