Kabanata 24

677 56 14
                                    

"Alam ko, Isabel, na alam ng pamangkin mo na isang Elemento ang kasintahan nya." Sambit ng Albolaryo.

"Si Lucas ba ang tinutukoy mo?" Tanong sa kanya ni Tiya at biglang napahinto. "May patunay ka ba?"

Nang itanong 'yon ni Tiya ay kasabay no'n ang paglapit ng isang lalaki mukhang takot na takot.

"N-nakita k-ko po ang ginawa ng lalaking 'yon sa Albolaryo nakaraan." Utal-utal na sambit nito. "S-sya ang may gawa kaya nasa hospital pa rin ngayon ang Albolaryo na 'yon. Nakita ko kung paano kumislap ang mga mata ng lalaking 'yon nang gumamit sya ng kapangyarihan para patalsikan ang nakaaawang Albolaryo." Biglang itong napaiyak. "N-nang malaman ng lalaking 'yon na nakita ko ang nangyari noong araw na 'yon ay kaaagad syang pumunta sa tirahan ko at pinatay ang Ama ko!"

"Naniniwala ka na ba ngayon? Isabel?" Tanong ng albolaryo kay Tiya nang matapos.

Kaagad akong umiling at naiyak. Nagawa ba talaga 'yon ni Lucas?

Natulala sandali si Tiya dahil sa narinig bago humarap sa'kin. Mukha syang hindi makapaniwala sa narinig. "Totoo ba, Alex? Totoong bang isang element ang kasintahan mo?!"

"Tiya..." Naluluha akong nakatingin sa kanya.

Nakita ko ang galit sa mga mata nya. "Totoo ba, Alex?! Sagutin mo 'ko!"

Napaluhod ako nang mabitawan ako ng lalaking may hawak sa'kin kanina. Wala akong ibang nagawa kung hindi umamin na. "T-totoo p-po, Tiya..."

"PAANO MO NAGAGAWANG MAKIPAG RELASYON SA ISANG ELEMENTO?!" Sumabog na si Tiya.

"Huminahon ka, Isabel. Tulad nga ng sabi ko ay ginayuma sya ng masamang Elemento na 'yon." Sambit ng Albolaryo at kaagad lumapit kay Tiya.

Umiling ako sa narinig. "H-hindi totoo 'yan! Walang kahit na anong ginawa si Lucas sa'kin na pang gagayuma. Mahal ko talaga sya!"

"Hindi mo alam ang iyong sinabi, hija." Seryosong sambit sa'kin ng Albolaryo.

Nanghihinang tumayo ako. Kailangan kong puntahan ngayon din si Lucas.

"Hawakan mo sya!" Sigaw ng Albolaryo nang tangkain kong tumakbo palayo.

Sumigaw ako at pilit nagpumiglas nang mabilis akong nahuli nang dalawang lalaki.

"Hindi, bitawan nyo ako!" Naiiyak na sambit ko nang mabilis akong ipasok sa loob ng bahay at itali sa upuan nila Tiya para hindi makaalis.

"Hindi, Alex. Hindi mo pwedeng puntahan ang masamang Elemento na 'yon." Sambit ni Tiya sa'kin at hinaplos ang pisngi ko habang nakaupo ako sa upuan at nakatali. "Para sa'yo itong ginagawa ko, Alex. Gusto kong mailigtas ka mula sa Elemento na 'yon!"

"T-tiya, totoong mahal ko po si Lucas. Mali ang mga nasa isip nyo! Mabuti po sya!"

"Mabuti? Paano sya magiging mabuti kung isa syang elemento? Nagawa nya ngang patayin ang Ama ng lalaki kanina, Alex." Sambit ni Tiya na parang pilit na pinapaunawa sa'kin na masama si Lucas.

"Hayaan nyo na lang po na magmahalan kami... Nag mamakaawa ako. Aalis na lang po kami sa lugar na 'to..." Nagmamakaawang sambit ko habang patuloy parin sa pagluha.

"Siya lang ang kailangan umalis, Alex, hindi ka kasama." Sagot ni Tiya bago naglakad palapit doon sa Albolaryo. "Ano pong kailangan natin gawin para mawala ang Elemento na 'yon?"

"Kailangan na natin kaagad putulin ang puno na tinitirhan ng kapre na 'yon, Isabel." Seryosong utos ng Matandang Albolaryo sa Tiya ko. "Bago pa mahuli ang lahat... Bago nya pa makuha ang pamangkin mo. Nakakunektado ang buhay ng kapre na 'yon sa punong tinitirhan nya at sa oras na putulin 'yon ay mamamatay sya."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now