Kabanata 8

566 48 0
                                    

"Saan ka ng galing, Alex?" Tanong ni Eduwardo sa'kin nang makabalik ako sa bahay.

Hindi na ako nagulat na nandito sya dahil sunod sunod na naman ang araw ng pagpunta nya rito.

"Ah, dyan lang sa tindahan." Sagot ko at umupo sa kaharap nyang upuan.

Malaki ang ngiti ko hanggang ngayon kaya napansin na 'yon.

"Ang saya natin, ha." Sabi nya habang nakangiti rin sa'kin.

Umiwas ako ng tingin at namula nang maalala ang nangyari kanina.

"Wala lang 'to." Sagot ko muli at tumingin na ulit sa kanya. "Ano nga palang sasabihin mo? Nasabi kasi ni Tiya na pupunta ka nga ngayon dahil may sasabihin ka."

Napakamot sya sa sariling batok. "Ah, na text kasi ni Aling Isabel na sa isang araw na ang balik mo ng manila."

Nakalimutan ko palang ipaalam sa kanila ni Lucas ang tungkol doon.

"Isang linggo lang naman ako sa manila. May emergency kasi sa kompanyang pinag ta-trabauhan ko. Kailangan ako ng boss ko." Sambit ko.

"Gusto mo bang ihatid kita sa terminal ng mga bus papuntang manila?" Tanong nya.

"Nako, kahit hindi na, Eduwardo." Ngumiti ako. "Ayos lang sa'kin na huwag mo na akong ihatid at baka may trabaho ka pa."

Kaagad syang umiling. "Hindi, ihahatid kita, Alex. Mahina ang kita sa shop ngayong buwan kaya kahit hindi na muna ako pumasok ng umaga no'n. Kaya na naman na nila Junjun 'yon."

"Ikaw ang bahala." Sambit ko.

Ilang segundo kaming natahimik pagkatapos kaya nagpaalam ako muna ako sa kanya na pupunta muna akong kusina para kumuha ng maiinom namin.

Nang bumalik ako ay nag lapag ako ng isang basong juice sa harap nya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ko sa kanya nang mapansing parang kanina pa sya hindi mapakali kakatingin sa'kin simula nang makabalik ako sa pwesto ko.

"Gusto ko sanang itanong kung nakapag isip isip ka na, Alex, tungkol doon sa gagawin kong panliligaw." Nahihiyang sambit nya. "Hindi naman sa nag mamadali ako. Ayos lang kahit wala ka pang sagot."

"Nakapag isip-isip na nga ako, Eduwardo, tungkol dyan at may desisyon na ako." Seryosong sambit ko kaya kaagad syang napa diretso ng upo nang marinig 'yon.

Pinangunahan nya na kaagad ako. "A-ayos lang sa'kin, Alex, kung ayaw mong mag paligaw sa'kin. Matatanggap ko naman." Pinanatili nya ang ngiti sa labi kahit na bakas sa mga mata nya ang sakit na nararamdaman.

Napangiti ako. "Hindi naman 'yan ang sagot ko, Eduwardo."

Nagulat sya. "H-huh?"

Matagal ko narin itong napagisipan at desidido naman ako sa magiging desisyon ko. Wala naman masama kung bibigyan ko sya ng pagkakataon.

"Pumapayag na ako sa panliligaw mo, Eduwardo." Sagot ko.

Sandali syang natahimik dahil sa narinig bago bigla na lang napatayo mula sa pagkakaupo.

"T-talaga, Alex?!" Tuwang tuwang tanong nya.

Tumango ako.

"Maraming salamat!" Sambit ni Eduwardo sa'kin habang malaki ang ngiti sa labi.

"Tiya!" Suway ko kay Tiya nang bigla na lang itong tumili nang malakas at kanina pa pala nanonood at nakikinig sa'min.

"Nako naman, Alex at buti naman ay pumayag ka na." Natutuwang sabi ni Tiya at lumabas sa pinagtataguan.

Nailing ako. "Ikaw talaga, Tiya."

"Salamat, Alex." Sambit ni Eduwardo nang ihatid ko sya sa labas ng bahay nang balak na nyang umuwi. "Pangako, hindi ka magsisi."

Ngumiti lang ako at pinanood syang maglakad na paalis.

"Gusto mo na ba si Eduwardo?" Mapanuksong tanong ni Tiya nang makabalik ako sa loob.

"Tiya, pumayag po ako sa panliligaw nya pero hindi ibig sabihin no'n na gusto ko na sya." Paliwanag ko.

"Basta," Umiling sya. "Hindi mo man gusto si Eduwardo ngayon. Naniniwala pa rin akong magugustuhan mo rin sya balang araw." Sambit nya bago naglakad papuntang kusina.

Napailing na lang ako habang papasok ng sariling silid.

Si Tiya talaga kahit kailan ay hindi na nasawa kakatukso sa'min ni Eduwardo.

"Magandang Umaga, Lucas." Masayang bati ko kay Lucas, kinabukasan.

Umirap sya habang nakatayo at nakasandal ang likod sa puno ng acacia at humihithit ng tabako.

Mukhang bago ata ang posisyon nya na nadatnan ko ngayon ha.

"Sungit naman natin, araw araw." Pansin ko sa kanya bago naglakad palapit doon sa lupang tinaniman ko. Dinilig ko ang laman ng dala kong bottle doon.

"Ang saya ata ng lalaki mo kagahapon." Biglang sabi ni Lucas habang humihithit. Alam kong si Eduwardo na kaagad ang tinutukoy nya. "Sa sobrang saya nya, nakalimutan nyang sa kabilang daanan dapat sya dumaan pauwi."

Kumunot ang noo ko nang lumingon sya sa'kin ay may matagumpay na ngisi sa labi.

"May ginawa ka ba kay Eduwardo, Lucas?" Tanong ko at tinignan sya ng masama.

"Wala akong ginawa sa kanya." Umirap sya pero halata parin ang ngisi sa labi.

Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Kapag nalaman ko lang na may ginawa ka sa kanya. Hindi na ako babalik pa rito kahit na kailan." Banta ko na isang kasinungalingan lang. Hindi ko kaya kayang hindi sya makita kahit na isang araw lang. Gano'n ako ka baliw sa kanya.

"Bakit? Kaya mo ba?" Biglang pang hahamon nya habang madilim na ang tingin sa'kin.

"Oo naman saka 'yon na talaga ang gusto mo 'di ba? Ang huwag na akong bumalik pa rito?" Panghahamon ko pabalik.

Biglang nawalan ng emosyon ang mga mata nya. "Oo, dahil ayoko na kitang makita pa pero ikaw itong balik pa rin nang balik dito na parang hayop."

Nagulat ako at nasaktan sa sinabi nya pero kahit ganoon ay hindi ko 'yon pinahalata. "Sige, hindi na ako mag papakita pa sa'yo kahit na kailan."

Ngumisi sya. "Sige lang, tignan na lang natin kung sino na naman ang babalik dito pagkatapos lang ng mga ilang araw."

"Sige lang talaga!" Naiinis na binato ko ang hawak na bote sa kanya nang hindi na makapagtimpi pa. Tumama 'yon sa hubad nyang dib dib at napahinto sya.

"Bwisit ka!" May tumulong luha sa mga mata ko bago ako tumalikod at tumakbo palayo.

Sasabihin ko sana sa kanya ang tungkol sa pagkawala ko ng isang linggo pero dahil sa nangyari ngayon ay hindi ko na inisip pang bumalik doon kinahapunan.

Saka mukha naman wala syang pakialam kung umalis man ako dahil ito naman talaga ang gusto nya.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now