Kabanata 29

975 90 28
                                    

6 YEARS LATER...

Kaagad kong kinuha sa bulsa ang cellphone nang bigla na lang 'yon nag ring habang naghihintay ako ngayon ng taxi sa tapat ng kopanyang pinagtatarabauhan ko parin hanggang ngayon. Gabi na at kakatapos lang ng trabaho ko. Balak ko ng umuwi ngayon sa bahay na inuupahan lang namin noon ni Beatrice na ngayon ay sariling pagmamay-ari na namin. Dalawang taon na simula ng mabili namin 'yon. Hanggang ngayon ay magkasama parin kami ni Beatrice.

"Good bye! Alexa!" Napalingon ako sa isang katrabaho kong kumaway sa'kin habang papasok sa sariling sasakyan, malayo sa pwesto ko.

Kumaway ako pabalik at ngumiti dito. "Ingat sa pag-uwi!"

"Ikaw din!" Sigaw nito bago tuluyan nang pumasok sa loob at pinaandar paalis ang sariling sasakyan.

"Hello?" Tanong ko sa kabilang linya, pagkatapos kong sagutin ang tawag at nakitang si Beatrice ang caller. Kaagad kumunot ang noo ko nang imbis na ang boses ni Beatrice ang marinig ko sa kabilang linya ay ang boses ng masungit kong anak.

"Mama! Si Tita Bea oh!" Naiinis na sigaw nito sa kabilang linya.

"Bakit mo hawak ang phone ng Ninang mo, ha?" Tanong ko sa kanya at kaagad na sumakay sa taxing huminto sa harapan ko at sinabi ang address ng bahay sa driver.

"Kinuha ko, tss."

"Anong 'tss', Lucian, ha?!" Inis na tanong ko. "Ikaw na bata ka. Wala ka ng galang sa Mama mo. Paluin kaya kita pagkauwi ko?"

"I'm sorry, okay? Naiinis lang talaga ako ngayon kay Tita." Narinig kong malambing na sagot nya sa'kin dahilan nang pagngiti ko.

Anim na taon na ang nakalipas at six years old na ngayon si Lucian. Si Beatrice naman ay may boyfriend na ngayon na kano at habang ako naman? Single parin at puro pagtatrabaho lang ang ginagawa at pag-aalaga sa anak. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko parin kayang kalimutan si Lucas sa puso ko. Hanggang ngayon ay naghihintay parin ako sa pagbabalik nya kahit ilang taon na ang lumipas... At kahit na dumaan pa ulit ang maraming taon.

"Ano bang nangyari at hawak mo ang phone ng Ninang mo?" Tanong ko kay Lucian sa kabilang linya.

Narinig ko ang pagbuntong hininga nito. "Ayaw nya kasi ako, Mama, na payagan umakyat ng puno kaya inagaw ko ang phone nya sa inis."

"Mali 'yang ginawa mo. You should apologise to your Ninang." Napailing ako sa ugali ng batang 'to na namana nya sa kanya Ama. "Saka ako ng nagsabi sa Ninang mo na huwag ka ng paakyatin pa ng puno kaya huwag ka sa kanya magalit."

"At bakit mo naman sinabi sa kanya 'yan!"

"Lucian Nathaniel..." Nagbabanta na tawag ko sa pangalan nya.

Natahimik sya dahil alam nyang nag uumpisa na akong makaramdam ng galit ngayon. Hindi ko alam kung bakit gustong gusto nyang umakyat sa puno ng acacia na nakatanim sa bakuran namin. Bakit pa nga ba ako magtataka sa ginagawa ng batang 'yon kung ang kanyang Ama ay isang kapre.

"Pauwi na ako. Mag-uusap tayo pagkarating ko..." Seryosong sambit ko. "Lucian?" Pagtawag ko sa kanya nang nanatili syang tahimik sa kabilang linya.

"Okay, Mama..." Mahinang sagot nya sa kabilang linya bago pinatay ang tawag. Na i-imagine ko tuloy ang itsura ng batang 'yon ngayon. Siguradong nakakunot na naman ang noo nya habang ang mga makakapal na kilay ay nakasalubong. Habang lumalaki ay mas nagiging kamukha nya ang kanyang Ama. Maging ang mga kilos ni Lucas ay kaparehas na rin ng kilos nya. At hindi lang 'yon. Maging kasi ang ibang kapangyarihan ni Lucas ay namana nya. Katulad na lang ng kakayahan na magpagalaw at mapahinto ng mga bagay. Nag-umpisa 'yon ng mag four years old sya.

Akala ko noong una ay normal lang sya katulad ko dahil wala naman akong nakikitang kakaiba sa kanya pero noong nagtungtong sya sa edad na apat ay nagsimulang magbago ang lahat. Nagulat na lang ako nang kaya nya palang magpagalaw ng mga bagay maging ang magpahinto. Walang kahirap hirap nya rin na aakyat ang mataas na puno kahit na maliit pa lang sya.

Magandang Umaga, LucasUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum