Kabanata 3

624 46 7
                                    

"Nasaan si Eduwardo?" Tanong sa akin ni Tiya nang makapasok ako sa loob at nakitang wala sa tabi ko si Eduwardo.

"Ah, hinatid nya lang po ako. May gagawin pa daw po sya sa shop kaya hindi na sya makakatagal pa." Pagsisinungaling ko.

"Ganoon ba? Ang sabi pa naman nya sa text ay pupunta sya dito at dito na kakain." Dismiyadong sambit ni Tiya dahil nasanay na syang dito na nananghalian si Eduwardo kapag dumadalaw.

Dumiretso na ako sa kwarto at naghanap ng gamot para sa paso. Buti na lang ay hindi ito napansin ni Tiya kanina.

Nang makahanap ng gamot ay mabilis kong nilagyan ang paso sa leeg at pumuntang kusina para kumain.

"Itali mo kaya 'yang buhok mo, Alex. Ang init init oh." Sambit ni Tiya habang kumain kami ng mapansin nya ang buhok kong mahaba na nakalugay.

"Mamaya na lang po, Tiya, pagkatapos kong kumain." Sambit ko. Hindi nya alam ay sinadya ko talaga iyong ilugay para matakpan ang paso na nasa leeg ko.

Nang matapos naman kami kumain ay na pag-desisyon kong ako na ang maghugas ng piggan.

Nasa lababo ako habang naghuhugas habang nasa likuran naman ng bahay si Tiya, nag lalaba.

Napapikit ako ng makaamoy bigla ng familiar na amoy ng rosas. Napadulat na lang ako ulit ng makaramdam ng isang kamay na dumapo sa leeg ko para alisin ang buhok kong nakaharang.

"Masakit ba?"

Nagulat ako ng marinig ang boses ni Lucas mula sa likuran ko.

Mabilis akong nag banlaw ng mga kamay at humarap sa kanya. "Anong ginagawa mo rito?"

Hindi sya sumagot at pinag masdan ang paso sa leeg ko.

"Paano mo ako nahanap?" Muling tanong ko sa kanya.

"Mahahanap at mahahanap kita kahit saan ka pa magpunta." Seryosong sagot nya sa akin.

Hindi ko na iwasan bumaba ang tingin sa hubad baro nyang katawan. Agad akong umiwas ng tingin at namula.

"Nakakainis ka," Nagulat ako sa galit nyang boses. "Bakit ka ba humarang kanina? May gusto ka ba sa lalaking 'yon?"

"K-kaibigan ko lang si Eduwardo." Mabilis kong sagot at medyo na utal pa dahil sa kaba. Ang lapit kasi sobra ng katawan nya sa akin.

"Alam mo bang sobrang galit ako sa ginawa mo?" Madilim ang titig nya sa leeg ko. "Dapat sya ang may sugat ngayon at hindi ikaw."

"Mali ang ginawa mo dapat ay hindi mo 'yon ginawa. Hindi mo dapat tinangka batuhin si Eduwardo."

"Wala akong pakialam."

Mukhang mas lalo ata syang nagalit sa narinig dahil nanlaki ang mga mata ko nang bigla na lang nya ako sinandal sa lababo at ibinaba ang sariling balikat para mag kapantay ang mga ulo namin.

Seryoso nya akong tinignan. "Ano bang aasahan mo sa katulad kong Elemento. Lahat ng ginagawa namin ay laging mali."

Pagkatapos nyang sabihin 'yon ay nagulat ako ng marinig ang salita ni Tiya papasok ng bahay. Hindi na ako nakagalaw pa ng mas lalong ilapit ni Lucas ang sarili nya sa akin na parang ikinukulong ako gamit ang katawan nya.

"Oh, bakit ka nakasandal dyan?" Nagtatakang tanong ni Tita habang may dala dalang planggana. Buti naman ay hindi nya nakikita si Lucas!

"A-ah ano po," kaagad akong nag isip ng maisasagot. "Ah, sumakit po kasi 'yong likod ko kaya sumandal muna ako, Tiya."

"Gusto mo bang ako na mag patuloy nyang pag huhugas?" Nag aalalang tanong nya sa akin at lalapit na sana ng agad ko syang pigilan.

"Dyan lang po kayo!" Medyo dumiretso ako ng tayo dahilan para mapunta ang ulo ni Lucas sa leeg ko. "Ako na po dito, alam ko pong pagod na kayo sa pag lalaba."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now