Wakas I

1.2K 99 26
                                    

Unang Bahagi

***

Lucas

Saya, saya ang labis na naramdaman ko ngayon habang naglalakad pabalik ng punong aking tinitirhan pagkatapos namin makapag-usap ni Alex, si Alexa na aking minamahal...

Noong malaman kong buntis sya ay hindi ako sobrang makapaniwala kaagad. Sa totoo lang ay saya at takot ang nararamdaman ko ngayon. Saya dahil pinagbubuntis nya ang anak ko ngayon at takot, takot para sa pwedeng masamang mangyari sa kanya, sa amin dalawa, sa relasyon namin lalo na at ngayon ay nalaman kong may nakakita pala sa ginawa ko sa Albolaryong nagtatangkang paghiwalayin kami.

Wala akong ginagawang kung ano naman ngayon sa taong nakakita sa ginawa ko dahil hanggang ngayon ay naaalala ko parin ang takot sa mga mata ni Alex nang makita ang ginawa ko noong araw na 'yon, kung paano ko saktan ang Albolaryo na 'yon. Ayokong bigyan na naman ng dahilan si Alex para katakutan ako.

Tangina, bakit ba kasi nabuhay pa ako bilang isang Elemento?

Kung tao lang sana ako ay hindi ko na kailangan pang mag-alala at matakot para sa'min dalawa ni Alex.

Mas binilisan ko na ang paglalakad para makarating na kaagad doon sa punong 'yon. Nakakunektado ang buhay ko roon sa punong 'yon dito sa lupa at sa oras na putulin 'yon nang isang tao ay katapusan na nang pananatili ko rito. Ang ibig sabihin nyon ay babalik na ako sa mundo naming mga Elemento at kailangan man ay hindi na makakabalik pa rito, sa mundong ito.

Ang kailangan kong gawin para hindi mangyari 'yon ay ako ang pumutol ng puno. Kaming mga Elemento lang ang dapat na pumutol sa punong tinitirhan namin para walang maging epekto 'yon sa pananatili namin dito sa lupa. Pinuputol namin ang punong tinitirhan kapag gusto na namin umalis doon at manirahan sa bagong puno na napili namin tirhan, tulad na lang ngayon. Kaya ko gustong putulin ang puno dahil aalis na ako kasama ang magiging mag-ina ko sa lugar na 'to.

At may alam na akong lugar na pwedeng maging bagong tahanan namin ni Alex at ng magiging anak namin.

Habang naglalakad ay bigla akong may na alala. Naalala ko ang unang pagkikita namin ni Alex. Ang akala siguro nya ay ang araw na mahuli ko syang pumipitas ng mga bulaklak ko ng walang paalam ay ang araw ng unang pagkikita namin.

Napailing ako dahil mali sya. Ang unang pagkikita namin ay noong bata pa sya kaya siguradong hindi na nya 'yon naaalala pa. Sobrang bata pa nya no'n nang una ko syang makita.

Gabi 'yon at kagagaling ko lang sa paglalako ng mga balot noong makita ko syang nasa itaas ng punong tinitirhan ko, umiiyak.

Ang punong 'yon ay nakatayo katabi ng malaking gusali sa lugar na 'to. Ang punong 'yon ay ang unang naging tahanan ko sa lugar na 'to.

"Anong ginagawa mo dyan? Alam mo bang pagmamay-ari ko ang punong iyan?" Masama ang tingin ko sa batang nakaupo sa itaas ng tinitirhan kong puno.

Sumagot naman ang batang babaeng. Hindi na ako nagulat na nakikita nya ako ngayon dahil nasa katayuan ako ngayon ng isang kapangyarihan. Kapangyarihan na magpakita at makita ng mga tao. May mga tao rin naman na kahit hindi na namin gamitan ng kapangyarihan ay nakikita pa rin kami kaso kaunti lang ang mga taong may kakayahan na gano'n.

"P-Paano p-pong naging sa'yo eh pagmamay-ari ito ng school namin saka nakasulat ba ang pangalan mo rito para sabihin mong sa'yo ito?" Humihikbing sambit nitong batang babae. Nakaharang ang mahabang buhok nito sa mukha at hindi sya matigil sa paghikbi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 21, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now