Kabanata 7

572 50 12
                                    

Dumaan ang dalawang linggo at nagpatuloy ang pagpunta ko kay Lucas para suyuin sya.

Wala akong pakialam kung mali ba itong ginawa ko. Ang tanging mahalaga sa'kin ay ang bumalik kami sa dati.

Noong mga naunang araw ay sunod sunod ang mga natatanggap kong masasakit na salita mula kay Lucas pero nang tumagal ay feeling ko ay nagsawa na sya sa pagsasalita dahil kapag pumupunta ako ay lagi na lang syang tahimik at nakikinig sa mga sinabi ko.

"Alam mo ba? Birthday ni Eduwardo kagahapon." Pagke-kwento ko sa kanya habang nakaupo ako sa ugat ng acacia tree at nakaupo naman sya sa palagi nyang pwesto.

"Wala akong pakialam." Supladong sambit nya habang may subong tabako.

Hindi ko sya pinansin at nag patuloy sa pagke-kwento. "Ang saya kaya. Nag pa handa ng mga pagkain si Eduwardo sa bahay at nag palaro rin sya para sa mga bata—"

Napangiti ako nang bigla nya na lang putulin ang sasabihin ko.

"Wala ka na ba ibang pwedeng mai-kwento?" Naiiritang tanong nya sa'kin. "Tss, bwisit na Eduwardo."

Mas lalo akong napangiti dahil pakiramdam ko ay unti-unti narin kaming bumabalik sa dati dahil kinakausap na nya ako ngayon tulad nang kung paano nya ako kausapin noon.

"Huh? Bakit ka naman biglang na bwisit kay Eduwardo?" Tanong ko at nilingon sya sa itaas. "Nag ke-kwento lang naman ako ng tungkol sa kanya."

Nakita kong nagsalubong ang makakapal nyang mga kilay at mukhang naiinis.

"Wala kang pakialam." Madilim ang tingin nya sa'kin. "Iba na lang ang i-kwento mo kung ayaw mong ituloy ko ang pagdala sa lalaking 'yon sa mundo namin." Bigla na lang syang nag banta.

"Sige,"

Mas lalong nag salubong ang dalawang kilay nya. "Anong sige? Ang ibig mo ba na sabihin ay pumapayag kang dalhin ko ang lalakin—"

Kaagad ko syang pinutol. "Sige at iibahin ko na ang ike-kwento ko." Hilaw na ngumiti ako sa kanya pagkatapos.

Tinapon nya ang upos ng sigarilyo sa lupa habang seryoso nang nakatingin sa'kin. "Sa susunod na mai-kwento mo pa sya ulit sa'kin ay itutuloy ko na talaga ang banta ko sa kanya at nang hindi na sya makapanligaw pa sa'yo."

Hindi ko alam kung bakit laging mainit ang ulo nya pagdating kay Eduwardo. Kung hindi lang ako ang tanging nag mamahal sa'min dalawa ay iisipin ko talaga na nag seselos sya kay Eduwardo.

Iniba ko nga ang kwento tulad ng sabi nya. Tungkol sa pagkabata ko na lang ang ike-kwento ko. Tahimik na naman syang nakikinig.

Dalawang oras rin ang itinagal ko sa pakikipag-usap sa kanya bago naisipan nang umuwi.

"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Lucas sa'kin, kinabukasan, nang makabalik ako.

Nakita nya kasi akong nagtatanim ng mga buto ng rosas dito sa tabi ng acacia kung saan rin dating nakatanim ang mga namatay nyang halaman.

Kung alam nya lang ang mga ginawa ko para mahingi itong mga buto ng rosas sa kapitbahay namin na sobrang hirap talagang hingian.

"Nagtatanim," Sagot ko sa kanya at hindi na nag abala pa na lingunin sya.

"Hindi mo na kailangan pang gawin 'yan." Sabi nya sa'kin. "Ayokong may inaalagaan pang halaman."

Nilingon ko sya at tinaasan ng kilay. "Tinanim ko ang halaman na 'to para sa'kin at hindi sa'yo. Saka hindi naman ikaw ang nag-aalaga sa mga halaman mo noon. Ako naman. Ako kaya ang araw araw na pumupunta rito noon para mag dilig."

"Tss..." Nagulat ako nang bigla syang umirap.

Wow huh.

"Kung para sa'yo naman pala ang halaman na 'yan. Bakit mo pa rito tinanim?" Masungit na tanong nya.

Tumayo ako at pinakatitigan sya. Pinaikot ikot nya ang hawak na sigarilyo gamit ang isang kamay habang nakatingin sa'kin ng seryoso.

"Bakit? May masama ba kung dito ko gustong mag tanim?" Balik na tanong ko sa kanya. "Ang pag mamay-ari mo lang naman dito ay ang puno ng acacia kaya pwede naman sigurong dito ko ito itanim, hindi ba?" Tinuro ko ang katabing lupa ng tirahan nya kung saan ako nagtanim.

"Mali ka," Seryosong sambit nya at bumaba ng puno. Naglakad sya palapit sa'kin kaya bigla akong napaatras sa gulat.

"A-anong mali?" Kinakabahang tanong ko nang bigla nya lang ipirmi ang bewang ko para hindi ako makalayo! Ano bang ginagawa nya?

"Hindi lang ang punong 'yan ang pag mamay-ari ko rito." Tinuro nya ako. "Ikaw din. Pag mamay-ari rin kita."

"A-ano bang sinasabi mo?" Gulat kong tanong at kaagad namula nang maramdaman ang isang kamay nyang humimas sa bewang ko.

Bakit nya ba 'to ginagawa? Alam nya ba na sa simpleng ginagawa nya ngayon ay umaasa ako.

"Pag-aari kita dahil ikaw lang ang tanging taong nakakakita sa'kin." Seryosong sambit nya. "Sa amin mga Elemento. Ginagawa naming pag-aari ang taong nakakakita at nag paparamdam sa'min ng—"

Nagtaka ako nang bigla na lang syang natahimik. Nakakunot ang noo nya nang tititigan ako bago umiwas ng tingin.

Mukha syang may nasabing mali kaya biglang napatigil.

"Ng ano?" Tanong ko sa na putol nyang salita nang bigla na lang syang lumayo mula sa'kin.

"Wala, tss." Bigla na lang syang nainis at bumalik doon sa itaas ng puno.

Natawa pa 'ko dahil mukha syang unggoy nang umakyat pabalik.

"Wala ka na bang sasabihin?" Nakangiting tanong ko sa kanya. "Baka kasi hinahanap na ako ni Tiya. Aalis na ako kung wala na."

Hindi nya ako pinansin at sumubo ng tabako.

"Hoy, Lucas, Ano na?!" Malakas na pagtawag ko sa kanya.

Inis na nilingon nya ako. "Kung gusto mo nang umalis, umalis ka na, tss."

"Sige," Nakangiting kong sambit bago tumalikod. "Bukas na lang. I love you."

Mabilis na akong tumakbo pabalik ng bahay pagkatapos. Nakangiti pa ako dahil sa nararamdamang kilig.

Shit! Bakit ba kasi nakaka-inlove ang pagsusungit nya sa'kin?

Magandang Umaga, LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon