Kabanata 12

586 45 0
                                    

"Hindi mo dapat ginawa 'yon." Sambit ko at sinubukan kumawala sa pagkakahawak nya pero hindi nya ako hinayaan. "Alam mo bang takot na takot sya? Kailangan tuloy syang maipagamot!"

"Iginanti lang naman kita." Seryosong sambit nya. "May masama sa ginawa ko?"

"Sinabi ko naman sa'yong ayos lang ako..." Bulong ko at kaagad namula nang maramdaman ko ang hininga nya sa bandang leeg ko nang magbuga sya ng usok galing sa bibig sa tabi ko.

"Ayos sa'yo pero hindi ayos sa'kin 'yon." Bulong nya bago ako binitawan.

Kaagad akong umatras at tumikhim. "Sa susunod ay huwag mo nang gagawin pa 'yon, Lucas."

Umirap sya at mukha pang naiinis noong marinig ang sinabi ko bago ako tumalikod.

"Aalis na ako." Sambit ko sa kanya at naglakad na paalis nang bigla syang nagsalita.

"Dyan ba ang daan pauwi?" Tanong nya sa'kin nang makitang dumiretso ako ng lakad papuntang bayan.

Huminto ako at nilingon sya. "Pupuntahan ko pa si Eduwardo."

Nakita ko ang pagdaan ng inis sa mga mata nya nang marinig 'yon.

"Hindi ba't sya ang nanliligaw? Bakit ikaw ang pupunta sa kanya?" Inis na tanong nya.

"Hindi nya pa kasi alam na umuwi na ako." Paliwanag ko bago tumalikod na muli. "Sige na, Lucas, aalis na ako."

Mag lalakad na sana muli ako nang muli na naman akong mapahinto nang magsalita pa sya.

"Hindi pa ako tapos mag salita." Seryosong sambit nya at tinapon ang upos ng sigarilyo sa lupa bago naglakad palapit sa'kin. "May gusto akong malaman."

"Ano ba 'yon?" Nagtatakang tanong ko.

"Hindi ba't nag paalam sa'yo si Eduwardo noong manliligaw sya?" Tanong nya at huminto sa harapan ko. "Paano nya ginawa 'yon?"

Sumagot parin ako kahit na guguluhan ako sa tanong nya. Akala ko ba ay ayaw nyang pinag-uusapan namin si Eduwardo?

"May dala syang bulaklak nang kumatok sya sa bahay." Sambit ko habang inaala ang nangyari ng araw na 'yon. Nakita kong seryoso lang sa harapan ko si Lucas habang nakikinig. "Tapos hindi naman sya nagpaalam no'n. Nag paalam na lang sya no'ng matapos na ang ilang araw."

"Ganoon ba?" Bulong nya bago parang may inabot mula sa likod nya.

Nagulat ako nang maglahad sya ng mga rosas sa harapan ko pagkatapos.

"P-para saan ang mga 'yan?" Gulat na tanong ko.

"Para sa'yo." Seryosong sambit nya at kinuha ang dalawang kamay ko para ipahawak do'n. "Tulad ng ginagawa ni Eduwardo. Gusto ko rin manligaw, Alex."

"Hindi mo 'ko pwedeng ligawan, Lucas." Seryosong na ibinalik ko ang mga bulaklak sa kanya.

Kumunot ang noo nya. "Bakit? Kung si Eduwardo ay pinayagan mong manliligaw sa'yo, bakit ako hindi?"

"Alam mo ba talaga ang ibig sabihin ng panliligaw?" Tanong ko sa kanya. "Niligawan ako ni Eduwardo dahil may nararamdaman sya sa'kin. Eh, ikaw? May nararamdaman ka ba para sa'kin?"

Napahinto sya at mukhang hindi alam ang isasagot sa'kin. Nakatitig lang sya sa'kin.

"A-ayos lang, Lucas." Nasasaktang bulong ko bago umiwas ng tingin. "Kahit naman hindi mo sabihin ay alam kong wala kang nararamdaman para sa'kin..."

"Sinabi ko bang wala akong nararamdaman para sa'yo?" Seryosong tanong nya.

Naguluhan ako. "Anong ibig mong sabihin? Sinasabi mo bang may nararamdaman ka para sa'kin?" Umaasang tanong ko.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now