Kabanata 18

649 57 5
                                    

Horror Booth ang sunod naming pinuntahan.

"Sandali lang, bibili lang ako ng ticket." Paalam ko kay Lucas bago sya iniwan sandali sa isang tabi para pumila doon sa ticket booth ng Horror Booth.

Kaagad ko rin naman syang binalikan nang makakuha na ng dalawang ticket. Isa sa kanya at ang isa naman ay akin.

"Tara na?" Excited na tinignan ko sya at kaagad na syang hinila papasok doon sa loob ng Horror House.

Imbis na matakot nang bigla na lang may sumulpot sa harapan na nananakot na tao ay natawa ako. Naka-costume kasi ito ng pang kapre. Wala naman reaksyon si Lucas habang nakahawak sa isang kamay ko habang naglalakad kami.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay bigla na naman akong napatili nang biglang may sumulpot na White Lady sa harapan namin.

"Lucas?!" Sigaw ko nang mahiwalay kami sa isa't isa nang may masipagtakbuhan na mga magbabarkada sa gitna namin dahil sa takot.

Dumiretso ako ng lakad habang sinusubukan syang kapain sa dilim. Tanging maliit na ilaw lang dito sa loob ang nag bibigay ng liwanag sa paligid.

Sa kalalakad ko ay hindi ko na napansin na malapit na pala ako sa exit nitong horror house.

"Lucas?!" Patuloy na pagtawag ko at huminto sa isang tabi.

Nakarinig ako ng mga tili at sigaw galing sa mga ibang taong nandito rin sa loob. Nagulat ako nang biglang may humawak sa braso ko.

"Lucas," Sambit ko nang maaninag kung sino ang humawak sa'kin.

Nakita ko ang inis sa mga mata nya. "Alam mo bang nag-alala ako habang hinahanap ka?" Mabilis nya akong hinapit palapit sa kanya nang muntik na akong mahagip ng grupong nagtatakbuhan palabas. "Dapat ay hindi na tayo pumasok pa rito. Nakakarindi at nakakairita ang mga tili at sigaw ng mga tao rito sa loob."

"Ikaw lang naman ang naiirita rito." Sambit ko sa kanya at nilingon ang mga taong masayang dumaraan sa harapan namin kahit bakas ang mga takot sa mga mata. "Masaya kaya ako na sinubukan natin 'to."

"Tsk," Narinig kong pag-angal nya at binitawan na ang bewang ko bago ang kamay ko naman ang hinawakan.

Hinintay na muna namin maubos ang mga taong nagkukumpulan sa exist na lumabas bago kami lumabas.

Huminto muna kami sa stall ng mga pagkain nang makaramdam ako ng gutom.

"Tikman mo, Lucas, masarap 'to." Alok ko at inilapit sa bibig nya ang hawak na Brownies na binili ko.

Kunot noo naman syang kumagat doon.

"Ano?" Tanong ko habang pinapanood syang ngumuya.

"Masarap nga." Sagot nya bago inagaw sa'kin ang hawak.

"Hoy, akin 'yan. Pinatakim lang kita. Bumili ka ng sa'yo!" Sinubukan kong agawin sa kanya ang Brownies. Napanguso na lang ako at wala ng nagawa nang bigla nya na lang isubo ang buong Brownies sa bibig nya.

"Takaw," Nakangusong sambit ko bago bumili na lang ulit ng Brownies sa stall.

Marami pa kaming pinuntahan pagkatapos. Hindi na namin napansin ang oras sa sobrang pagkalibang hanggang sa abutin na kami ng umaga.

Nag-uumpisa nang magpakita ang araw sa langit nang makasalubong namin si Beatrice habang naglalakad na kami palabas ng perya ni Lucas.

Napahinto kami at napatingin kay Beatrice na humarang sa daanan.

"Ikaw pala, Alex... At kasama mo si Lucas." Napatitig si Beatrice kay Lucas. "Pumunta rin pala kayo rito sa Perya."

"Ah, oo." Hindi komportable na sagot ko.

Parang kasi si Lucas lang ang kausap nya dahil dito lang sya nakatingin.

"Pasensya na pala sa paninigaw sa'yo ni Mama, kanina." Sambit nya kay Lucas. Wala naman naging reaksyon si Lucas.

Alam kong Interesado sya kay Lucas base sa mga kilos at titig nya rito.

"Beatrice nga pala." Naglahad sya ng isang kamay sa harap ni Lucas. Hindi sya pinansin ni Lucas na kasalukuyang na sa'kin lang ang buong atensyon simula pa kanina.

"Hindi ba't gusto mo ng umuwi para makapagpahinga na?" Seryosong tanong sa'kin ni Lucas. Nagtatakang tumango ako. "Kung ganoon naman pala, tara na."

Nagulat ako nang hawakan nya ang pulupulsuhan ko bago ako hinila para kasama nyang mag lakad na paalis at iwan si Beatrice na hanggang ngayon ay nakataas parin ang isang kamay.

Nang lingunin ko si Beatrice habang hila hila ni Lucas ay nakita kong pinanonood na kami nitong maglakad paalis.

Napatingin sya sa sariling kamay na hanggang ngayon ay nakataas parin bago ibinaba 'yon. Nilingon nya ulit ang direksyon namin pero tanging sa malapad na likod ni Lucas nakatutok ang tingin nya.

"Si Beatrice..." Mahinang bulong ko kay Lucas nang huminto kami sa tapat ng motor na dala nya. "Alam kong may gusto sya sa'yo..."

"Wala akong pakialam sa kanya." Seryosong sambit nya. "Sa'yo lang ako may pakialam, Alexa."

Napangiti ako sa narinig at kaagad na wala ang selos na nararamdaman kanina.

Nakita kong sumakay na sya sa motor at binuksan ang makina kaya mabilis na rin akong sumampa sa motor at kumapit sa likod nya.

"Ang lamig." Sambit ko at mas hinigpitan ang yakap sa likod nya nang paandarin nya na ang motor.

Habang bumabyahe ay pareho lang kaming tahimik. Nang madaanan namin ang puno ng acacia ay nag salita ako.

"Kailan mo pala balak bumalik sa totoong tirahan mo, Lucas?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi ko pa alam." Sagot nya habang ang tingin ay nasa daan.

Napatango ako at muling na nahimik.

Nang makarating kami sa bahay ay nagulat ako nang makitang nagkakagulo ang mga kapitbahay namin ng ganitong oras.

"Anong nangyari, Tiya?" Tanong ko kay Tiya na kasalukuyan gising rin at nakasilip sa pinto ng bahay nang kaagad akong lumapit sa kanya nang makababa sa motor. Mabilis na sumunod sa'kin si Lucas.

"Si Kanor nagwawala na naman sa bahay nila kaya nag pa tawag na naman si Belen ng albularyo." Sagot ni Tiya sa'kin.

Nagulat ako dahil si Mang Kanor ang tinutukoy ni Tiya. Simula kasi nang makita nya si Lucas ay nasiraan na sya ng pag-iisip.

Nilingon ko si Lucas at nakitang nakatingin sya sa bahay nila Mang kanor ngayon. Maraming kapitbahay ang nakasilip sa pinto nila. Nagsipag-atrasan lang sila nang may lumabas doon sa pinto. Isa itong matanda na familiar sa'kin. Sya 'yong matandang dalawang beses kong nakasalubong noon sa kakahuyan. Mukhang sya ang albularyo dahil sa mga bitbit nyang langis at mga dahon na mukhang ginagamit nyang panggamot.

Diretso lang ang lakad nya palabas at hindi pinansin ang mga nagkukumpulan na mga kapitbahay namin.

Biglang nagtama ang tingin namin at bigla syang napahinto. Kumunot ang noo ko nang biglang manlaki ang mga mata nya sa takot habang nakatingin kay Lucas. Nagpatuloy sya sa paglalakad palayo, papunta roon sa kakahuyan hanggang sa nawala na sya sa paningin namin.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now