Kabanata 23

651 48 6
                                    

ISANG linggo na ang nakalipas simula noong mangyari 'yon at napansin ko ang sunod-sunod kong pagsusuka ngayon.

"Ano bang nangyayari sa'yo? Nakailang pagsusuka ka na at kanina pang umaga 'yan." Sambit ni Tiya sa'kin habang hinihimas ang likod ko. Kakauwi nya lang kagabi galing manila.

Kaagad akong nagmumumog ng tubig sa gripo nang akalain na tapos na ang pagsusuka ko pero hindi pa pala dahil kaagad na naman bumaliktad ang sikmura ko.

"Gusto mo bang magpa-check-up, Alex?" Tanong sa'kin ni Tiya habang patuloy parin ako sa pagsusuka. Kaagad akong umiling nang matapos at nagmumog bago sya hinarap.

"Hindi na po kailangan, Tiya." Sambit ko sa kanya. "May nakain lang po siguro ako na hindi maganda kaya ako nagkakaganito."

"Sigurado? Baka kasi iba na 'yan." Makahulugang sambit nya.

Hindi na ako nagsalita pa at bumalik na lang mula sa sariling silid. Naramdaman ko pa mga titig ni Tiya sa likuran ko habang naglalakad papasok ng silid. Pagod na humiga ako sa kama kahit wala naman akong ginawang ikapapagod ko kanina.

Inabot ko ang maliit na salamin na nakapatong sa maliit na mesa na nasa tabi ng kama ko para tignan ang sarili.

Napansin ko ang pamumutla ng labi ko sa harap ng salamin dahil siguro sa paulit-ulit na pagsusuka kanina.

Sunod na bumaba ang tingin ko sa leeg ko at kaagad na kumunot ang noo ko nang may makitang hindi mapaliwanag na hugis na marka doon na kulay pula. Medyo malabnaw ang pagkapula no'n kaya hindi mo masyadong mapapansin kapag nasa malayo.

Mukhang naman hindi 'to kiss mark dahil hindi ganito ang itsura no'n. Hindi naman ganito ang itsura ng namuo na dugo.

Nakatulog ako pagkatapos. NOONG magising ay nakita ko na lang si Lucas sa tabi ko.

Sa loob ng nagdaan na araw sa buong linggo na 'yon ay paulit-ulit lang mga ginawa namin ni Lucas. Lalabas para mamasyal tulad ng laging ginagawa ng mga normal na magkasintahan, at sa mga araw na dumaan ay mas lalo lang akong nahuhulog sa kanya. Nahuhulog sa ka-sweet-an nya at sa minsan na lang na pagsusungit nya. Hindi ko nga alam kung kaya ko pang makabangon sa nararamdaman sa kanya lalo't na ay may nangyari narin sa amin.

Nakatayo si Lucas habang nakatitig sa'kin. Mabilis akong bumangon at niyakap sya.

"Bakit ngayon ka lang? Ngayon lang ba natapos ang trabaho mo?" Malambing na tanong ko sa kanya.

Nakita kong madilim na ang labas nang tumingin ako sa bintana rito. Mukhang napahaba ata ang tulog ko.

"Lucas?" Humiwalay ako kay Lucas at tinignan sya. Nakita kong seryoso lang syang nakatingin sa'kin bago bumaba ang tingin nya sa leeg ko.

Napangiti ako nang hapitin nya ulit ako palapit sa kanya. Tumingin ako sa leeg ko nang paglandasin nya ang isang daliri doon. Nakita kong huminto ang daliri nya roon sa may marka.

"Lucas?" Nagtatakang tinignan ko sya nang hanggang ngayon ay hindi man lang sya nagsasalita.

"Saan mo nakuha 'to?" Seryosong tanong nya sa'kin habang ang tingin ay nasa marka na nasa leeg ko.

"Hindi ko alam." Sagot ko. "Bigla na lang 'yan nandiyan pagkagising ko kanina." Nagtatakang tinignan ko sya nang makitang pumungay bigla ang mga mata nya habang nakatingin doon. "Bakit?"

"Ang marka na 'yan." Bulong nya habang nakatingin pa rin doon. "Nagkakaroon ng ganyang marka ang mga babae sa mundo namin kapag na bubuntis..."

"A-ano?" Natulala ako sa biglang naisip dahil sa narinig mula sa kanya. Nagulat ako at kaagad na napaatras. Posible kayang... "Sinasabi mo bang buntis ako, Lucas—"

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now