Kabanata 6

599 47 1
                                    

Malakas ang kabog ng dib dib ko dahil sa kaba habang papauwi ng bahay. Pagkatapos kasi nang palitan namin ng salita ni Lucas ay bigla na lang silang dalawa naglaho ng matabang kapre.

"Umuwi ka na." Naalala kong sambit ni Lucas sa'kin kanina bago bigla na lang nawala sa harapan ko kasabay ng wala parin malay na matabang kapre na nasa lupa lang kanina.

Dumiretso kaagad ako sa sariling silid nang makarating. Problemadong naupo ako sa kama habang iniisip parin ang mga nangyari kanina.

Papatayin ba talaga ni Lucas ang isa sa mga kauri nya? At may iba pa lang kapangyarihan ang mga kapre. Masyado ko minaliit ang mga katulad ni Lucas.

Akala ko ay ang tanging kapangyarihan lang nila ay ang mangbihag ng babaeng gusto nilang pakasalan at dalhin sa mundo nila.

May iba pa pala silang kapangyarihan tulad nang mag teleport at kaya rin nilang hindi magpaggalaw ng nilalang.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tiya sa'kin nang makitang tulala ako habang kumakain kami ngayon ng hapunan.

"Ayos lang po." Magalang na sagot ko nang matauhan.

"Sigurado ka, Alex? Kanina pa kasi kita nakikitang tulala." Sambit ni Tiya at pinanood akong kumain. "Saka nga pala, kamusta kayo ni Eduwardo? Gusto mo ba sya?"

Napahinto ako sa tanong ni Tiya.

"Gusto ko talaga ang batang 'yon para sa'yo, Alex." Nakangiting pag papatuloy ni Tiya. "Napakabait nyang lalaki. Siguradong alagaan ka nya kapag nasa edad na kayo na matanda na at kasal na."

"Kaibigan lang po para sa'kin si Eduwardo." Seryosong sambit ko.

Hindi pinansin ni Tiya ang sinabi ko. "Nako, ganyan din kami noon ng Tiyo mo." Pag ke-kwento nya. "Kaibigan lang din ang tingin ko sa kanya noon pero kita mo naman ngayon. Namatay na sya lahat lahat pero mahal ko parin."

Napuno ng kwento ni Tiya ang buong hapunan. Nalilibang naman ako kahit papaano sa mga kwento nya kahit puro panunukso ang ginawa nya tungkol sa'min dalawa ni Eduwardo.

"Tiya..." Suway ko sa kanya nang manukso na naman sya.

"Alam mo ba noong mga bata pa kayo ni Eduwardo?" Nakangising kwento ni Tiya. "Nag paalam 'yan sa Mama mo na kapag nasa tamang edad na kayo ay papakasalan ka nya."

"Bata pa po si Eduwardo kaya nya na sabi 'yon." Natatawang sambit ko.

Umiling si Tiya. "Kahit naman bata pa sya noon ay alam kong paninindigan nya ang sinabi nya. Kita mo nga ngayon, nililigawan ka na at baka sa susunod ay yayain ka na ng kasal nyan."

Ako na ang nag asikaso sa lamesa at pinagkainan namin ni Tiya nang matapos kaming kumain.

At nang matapos naman ako sa paghuhugas ay dumiretso kaagad ako sa sariling silid para matulog. Na hirapan pa nga ako sa pag tulog dahil sa dami ng iniisip. Madaling araw na tuloy nang makatulog ako.

"Saan ka pupunta? Ang aga aga pa, Alex, ah." Sabi ni Tiya nang makita nya akong palabas ng pintuan, kinabukasan, maaga pa lang.

"Sa tindahan lang po, Tiya." Sagot ko kahit na sa kakahuyan talaga ang diretso ko.

"Ganoon ba? Bumalik ka sana kaagad. Aalis ako. Pupunta akong bayan para mamili."

"Sige po, Tiya." Sambit ko at nag paalam pa bago umalis.

Kaagad akong lumapit kay Lucas nang makarating.

Ganoon parin ang pwesto nya lagi. Nakaupo sa malaking sanga ng acacia at may hinihithit na tabako nang lingunin nya ako.

Kaagad syang nainis. "Ano na namang ginagawa mo dito? Hindi ba't—"

Pinutol ko ang sasabihin nya. "Pinatay mo na ba sya?!" Kinakabahang tanong ko. Huwag naman sana.

Ilang sigundo syang natahimik at napatitig sa'kin habang nakakunot ang noo bago sumagot.

"Ano naman sa'yo kung pinatay ko nga sya?" Walang emosyong tanong nya. Mukhang alam nya kung sino ang tinutukoy ko.

"Sagutin mo na lang ako, Lucas!"

"Ano bang pakialam mo? Bakit? Nag-aalala ka ba sa matabang elemento na 'yon?" Naiinis nyang tanong.

Nakita ko kung paano nya binato ang hawak na tabako sa inis bago binigay ang buong atensyon sa'kin.

"Sagutin mo na lang ako sabi!" Mas nainis ako sa kanya.

"Bakit mo ba gustong malaman? May gusto ka ba sa kanya?! Natatakot ka ba na malaman na patay na sya?" Nagulat ako nang marinig ang sunod sunod nyang tanong at nang bigla na lang syang nagalit. Nag tatanong lang naman ako!

Pero teka! Sinabi nyang patay na ang matabang kapre na 'yon?

"P-pinatay mo na sya?!" Nagulat parin ako kahit alam kong 'yon naman talaga ang gagawin nya.

Bigla tuloy akong napaisip. Kung nagawa nyang patayin ang kauri nya, paano pa kaya ako na hindi nya naman kaano ano!

Kaagad kong tinanggal ang masamang iniisip. Hindi. Hindi ako kayang saktan ni Lucas.

"Mali ka ng iniisip." Seryosong sambit ni Lucas habang diretsong nakatingin sa'kin. "Hindi ako ang pumatay sa kanya. Umalis ako sandali at iniwan syang buhay sa isang kulungan doon sa mundo namin. Nang balikan ko sya pagkatapos ay patay na."

Kaagad akong naniwala sa kanya. "Sino naman ang pumatay sa kanya?"

"Hindi ko alam."

Ilang sigundo kaming na tahimik. Nag katitigan kami sandali nang bigla syang umiwas ng tingin na parang hindi nya ako kayang tignan sa mga mata.

"I miss you, Lucas." Biglang sabi ko sa kanya. Alam ko naman na hindi nya maintindihan 'yon dahil English.

Napalingon sya sa'kin at kaagad kumunot ang noo nang hindi nga naintindihan ang sinabi ko.

Nag tanong sya pero hindi tungkol sa sinabi ko. "Kaya ka ba pumunta rito ay para lang malaman 'yon?" Tukoy nya sa mga na unang tinanong ko. "Walang kwenta."

"Aalis na ako." Sabi ko bago tumalikod na para umalis dahil alam kong may mga susunod pa syang sasabihin na siguradong masasakit na salita. Saka naghihintay pa sa'kin si Tiya.

"Huwag ka na sanang bumalik pa." Narinig kong sambit ni Lucas kaya lumingon muli ako.

Napatingin ako sa mga walang emosyon nyang mata na nakatingin sa'kin.

Umirap ako. "Babalik parin ako bukas."

Nakita ko kung paano sya muling nainis nang marinig ang sinabi ko.

"Bakit ba—"

Kaagad ko syang pinutol. "Kahit anong pang sabihin mo sa'kin... Babalik at babalik parin ako sa'yo, Lucas." Seryosong sambit ko.

Napahinto sya at biglang naging seryoso. Tumalikod na muli ako at naglakad paalis habang kinakaway ang isang kamay sa kanya.

Magandang Umaga, LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon