Kabanata 15

635 55 2
                                    

Nang silipin ko sya sa labas ay nakita kong naglakad sya palapit doon sa isang sasakyan na ginagamit pang delivery service. May mga mineral container pa na nakalagay sa loob no'n.

Sumakay sya sa motor no'n at binuksan ang makina no'n.

Nagulat ako. Marunong pa lang syang magpaandar no'n?!

"Yayayain pa sana kitang kumain dito kaso mukhang marami ka pa ngang ide-deliver na mineral." Sambit ni Tiya sa kanya. "Mag-iingat ka, hijo."

"Salamat..." Sagot ni Lucas kay Tiya bago ako naman ang nilingon.

Naiinis na bumalik ako sa loob nang walang sabing umalis na sya. Hindi man lang sya nagpaliwanag sa nangyayari ngayon!

"Akala ko ay tanging si Eduwardo na lang ang lalaking makikita kong may itsura sa bayan na 'to bago ako mawala." Nakangising sambit ni Tiya nang sumunod sa'kin papasok. "Meron pa pala. Ang binatang 'yon." Tukoy nya kay Lucas.

Napailing na lang ako. Kung alam lang ni Tiya na isang kapre si Lucas ay siguradong hindi nya nanaisin na imbitahan si Lucas na kumain dito.

Dumiretso kaagad ako sa kusina nang kakain na. Kailangan na kailangan ko ngayon ng paliwanag ni Lucas kaya nang matapos akong kumain ay nagpahinga lang ako sandali bago dumiretso sa labas para puntahan ang Mineral station na pinag ta-trabauhan ni Lucas.

Kahit medyo malayo ay nilakad ko ang pag punta doon. Nang makarating ako ay kaaagad akong lumapit kay Mang Selso na may-ari ng Mineral Station.

Kasalukuyan itong nag aasikaso ng mga mukhang ide-deliver na mineral water.

"Oh, hindi ba't ikaw 'yong pamangkin ni Isabel?" Sambit nito sa'kin nang huminto ako sa harap nya. "Alam ko ay na deliver na ang mineral sa inyo."

Tumango ako. "Opo, kanina pa po dumating sa'min ang mineral." Magalang na sambit ko sa kanya. "Itatanong ko lang po sana kung nandito na po 'yong nag deliver sa'min ng mineral kanina."

Hininto nya ang ginagawa para ibigay ang buong atensyon sa'kin. "Si Lucas ba?"

Tumango ako. "Opo,"

"Ay, hindi pa bumabalik. Mukhang nag de-deliver pa 'yon hanggang ngayon."

"Pasensya na pero pwede pa po bang mag tanong?" Nagbabakasakaling sambit ko sa matandang ka harap ko ngayon.

Tumango ito. "Oo naman, hija. Ano ba iyang itatanong mo?"

"Kailan po nag simulang mag trabaho si Lucas sa inyo?" Tanong ko sa kanya.

"Kanina lang, hija." Sagot ng matanda sa'kin. "Napansin ko kasing mukhang nag hahanap sya ng trabaho dahil nakita kong nag tatanong tanong sya sa mga tao dyan at sakto naman na kailangan ko pa ng taga deliver kaya inalok ko na. Hindi nya naman tinanggihan."

Napaisip ko sa sinabi ng matanda. Bakit kaya naghahanap ng trabaho si Lucas? Hindi naman nya na kailangan pa ng pambili ng pagkain dahil hindi naman sya nakakaramdam ng gutom. May iba pa ba syang kailangan na kailangan gamitan ng pera para makuha?

"Oh, nandiyan na pala sya." Sambit ni Mang Selso habang nakatingin sa papalapit na si Lucas na sakay ng isang pan delivery. Ito rin 'yong gamit nya nang umalis sya kanina sa bahay.

Huminto sa tapat namin si Lucas. Nang bumaba sya sa angkas ay kaaagad na tumuon ang tingin nya sa'kin. Napansin kong nakasuot na sya ngayon ng t-shirt pero kahit gano'n ay bakat parin ang maganda nyang tiyan sa suot.

"Mukhang hindi ka man lang napagod, hijo." Sambit ni Mang Selso sa kanya nang mapansin na parang hindi man lang sya pinagpawisan sa kakadeliver. Tumuon ang tingin sa'kin ng matanda. "Saka nga pala, may naghahanap sa'yo. Nobya mo ba 'to?"

Hindi man lang tumanggi si Lucas at tumango pa. "Nobya ko nga ho."

Nagulat ako at kaagad namula. Ano bang pinag sasabi nya? Ni hindi ko pa nga sya sinasagot.

"Iwan ko na muna kayo." Paalam sa'min ng matanda. Tinuro nito ang loob ng mineral station. "Kung nagugutom ka, hijo. Pumasok ka lang sa loob. May pagkain do'n." Sambit nya kay Lucas bago kami iniwan.

"Alam kong naguguluhan ka." Si Lucas ang unang nagsalita. Hinawakan nya ang kamay ko. "Saan mo ba ako unang gustong magpaliwanag?"

"Paanong nakikita ka rin nila, Lucas?" Naguguluhan na tanong ko sa kanya. "Akala ko ba ay tanging ako lang ang nakakakita sa'yo?"

"Ikaw lang ang tanging may kakayahan na makita ako ng hindi ko ginagamitan ng kapangyarihan." Paliwanag nya. "Ang iba sa'ming mga kapre ay may kakayahan na mag pakita at makihalubilo sa mga tao at isa ako doon, at para magawa 'yon ay kailangan namin gumamit ng kapangyarihan."

Napatango ako at naintindihan na ang nangyayari. "Madalas mo ba 'to ginagawa noon? Ang makihalobilo sa mga tao?"

Umiling sya. "Mahigit ilang taon narin noong huling ginawa ko ito."

"Bakit mo nga pala kailangan pa ng trabaho? Ang akala ko ay komportable at wala ka ng kaka-ilanganin pa habang nasa puno 'yon." Pagtukoy ko sa puno ng acacia na tinitirhan nya.

"Wala ka doon kaya paanong wala na akong kakailanganin pa?" Seryosong sambit nya.

Umiwas ako ng tingin at kaagad na namula. "P-pagkatapos mo palang magtrabaho, saan ka na didiretso nyan? Babalik ka na ba ulit sa acacia?"

"Hindi pa." Sagot nya. "Dito na muna ako." Tumingin sya sa nakabukas na gate ng Mineral Station na nasa harapan namin. "May matutulugan naman ako dyan."

Nagkatitigan kami pagkatapos at hindi ko maiwas ang mga mata ko sa kanya. Inihayag ng kanyang mga mata ang kanyang mga iniisip at emosyon.

"Gusto kong ligawan ka sa normal na paraan, Alex, kaya nandito ako ngayon." Seryosong sambit nya. "Ayokong ng ikaw ang pumupunta sa'kin. Gusto ko ay ako ang pupunta sa'yo para ligawan ka."

"Ayos lang naman sa'kin, Lucas, na pumunta sa'yo araw araw, gusto kong ipaalam sa'yo na hindi ako magsasawang gawin 'yon—"

Pinutol nya ang sasabihin ko. "Alam ko, Alexa." Hinigpitan nya ang hawak sa kamay ko. "Pero simula ngayon ay gusto kong ako na ang gagawa no'n dahil ako ang nanliligaw sa'tin dalawa. Kaya asahan mo na araw na araw na pagpunta ko sa bahay mo."

Magandang Umaga, LucasOnde histórias criam vida. Descubra agora