Kabanata 10

592 48 0
                                    

Nakatulog ako sa buong byahe. Nang magising ay nasa probinsya na kaagad ako.

Dala dala ang mga gamit ay bumaba ako ng bus. Hindi ko na sinabi pa kay Eduwardo na ngayon ang dating ko dahil gusto ko sana syang supresahin sa pagdating ko kaso lang ay ginabi na ako ng uwi kaya hindi na ako makadadaan sa bahay nya. Sa kabilang baryo pa kasi 'yon. Bukas ko na lang siguro sya pupuntahan.

Kaunti na lang ang mga nakikita kong taong naglalakad dito sa bayan dahil disoras na ng gabi. Dala ang mga gamit ko ay tinungo ko ang madilim na daan papuntang kakahuyan.

Bigla kong naalala si Lucas habang naglalakad. Kamusta na kaya sya?

No'ng huling kita namin ay nag away pa kami. Inaalala nya kaya ako habang wala ako? Pero bakit nya naman ako hahalahanin? Ni wala nga syang pakialam sa'kin.

Hawak ang flashlight ay mas binilisan ko ang paglalakad nang makarinig ako ng mga kaluskos. Pakiramdam ko ay kanina pa may sumunod sa'kin.

Kaagad akong nagulat ng may humawak sa braso ko.

"Mang kanor?!" Gulat kong sigaw nang makita ang asawa ng kapitbahay namin na nakahawak sa braso ko.

"Kamusta, Alex?" Nakangiting tanong nito sa'kin habang hindi parin binibitawan ang braso ko.

"A-ayos lang po." Kinakabahang sagot ko at pilit iniwas ang braso ko sa kanya. Umatras ako nang mabitawan nya ang braso ko.

"Bakit parang takot na takot ka?" Hinawakan nya muli ang braso ko pero mas mahigpit na ito ngayon kaya kahit anong gawin kong pag-iwas ay hindi matanggal ang kamay nya.

"Lasing po kayo." Natatakot na sambit ko.

"Oo, nakainom ako pero hindi ako lasing." Ngumisi sya.

Patuloy parin ako sa pag-iwas. "Bitawan nyo po ako!"

"Bakit ka ba natatakot?" Nagulat ako nang hawakan nya ang bewang ko gamit ang isang kamay nya. "Alam mo bang ang sexy sexy mo?"

Mabilis kong inabot ang bag kong nakasabit sa likod ko at hinampas sa kanya.

Tumama 'yon sa mukha nya at mukhang nasaktan sya dahil kaagad nya akong nabitawan.

Tinulak ko sya at kaagad na tumakbo palayo.

"Bumalik ka dito, Tangina ka!" Narinig kong galit na sigaw nito at kaagad akong hinabol.

"Tangina ka!" Bumagsak ako sa lupa nang kaagad nyang sinipa ang likod ko nang maabutan ako.

Napaluha ako sa sakit dahil sa naging pagbagsak at pananakit nya.

Nakita kong nagsigulungan ang mga gamit na nabitawan ko sa putikan.

Sinubukan kong bumangon para kunin ang mga 'yon nang maramdaman kong may pumatong sa'kin mula sa likod.

"Alam mo bang dati pa kita pinag nanasahan? Ang ganda at sexy mo naman kasi, Alex." Bulong ni Mang kanor sa tenga ko bago ko nararamdaman ang kamay nyang hinimas ang bewang ko.

"Manlalaban ka pa!" Biglang sigaw nya nang tangkain kong ihampas sa ulo nya ang naabot kong bato na mabilis naman nyang napigilan.

Dumaing ako nang iuntog nya ang ulo ko sa lupa. Tumawa sya pagkatapos bago sinubsob ang mukha sa leeg ko.

Napahikbi ako dahil alam kong wala na akong laban ngayon. "T-tangina ka!"

Naramdaman ko ang pagngisi nya sa leeg ko nang marinig ang pag mumura ko.

"Tangina mo rin, lalaspagi-"

Nagulat ako nang bigla na lang syang tumalsik. Kaagad akong tumayo at nakitang halos mamilipit sya sa sakit nang tumama sya sa isang puno.

Magandang Umaga, LucasOù les histoires vivent. Découvrez maintenant