Kabanata 16

637 51 0
                                    

Pagkatapos ng araw na 'yon ay naging madalas ang pagkikita namin ni Lucas dito sa harap ng Mineral Station. Hinihintay ko syang matapos na magtrabaho at pagkatapos ay aalis kami para pumuntang bayan.

Sinamahan ko syang libutin ang buong bayan hanggang sa mapagod kami kalalakad. Naranasan namin kumain sa bayan at masasabi kong sobrang saya ko ng araw na 'yon dahil first time namin 'yon na gumala ng magkasama.

Nagulat si Tiya nang isang araw ay kumatok sa pinto ng bahay si Lucas na may dalang bulaklak.

"Kamusta pala, hijo." Sambit ni Tiya nang pagbuksan sya ng pinto. Napatingin si Tiya sa mga dala nyang bulaklak. "Para kanino 'yan?"

"Para kay Alexa." Seryosong sagot ni Lucas.

Gulat na napatitig sa'kin si Tiya na kasalukuyan na nasa tabi nya. Hindi ko pa kasi nasabi sa kanyang nanliligaw sa'kin si Lucas.

"Niligawan mo ba itong pamangkin ko, Lucas?" Tanong ni Tiya sa kanya.

"Ganoon na nga." Tumingin sa'kin si Lucas at nilahad ang isang banquet ng bulaklak sa harap ko.

Nahihiyang kinuha ko 'yon at napansin kong nakikiisyoso ang mga kapitbahay namin. Mukhang si Lucas ang tinitignan nila.

"Ang laking tao naman nya."

"Foreigner ata 'yan, anak, tignan mo 'yong mga mata. Iba ang kulay." Narinig kong bulungan ng mga kapitbahay namin na medyo malayo sa pwesto namin ngayon.

"Sandali lang, Lucas. Kakausapin ko lang itong pamangkin ko." Sambit ni Tiya kay Lucas bago ako hinila papasok ng bahay at iwan namin si Lucas sa labas.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa'kin na nililigawan ka pala nya?" Tanong sa'kin ni Tiya.

"Pasensya na po." Sagot ko.

"Paano na si Eduwardo nyan?"

Kaagad akong napatigil sa tanong ni Tiya.

"Alam kong may nararamdaman ka kay Lucas." Masuyong sambit ni Tiya. "Halata naman kasi sa mga titig mo sa kanya... Pero papaano si Eduwardo? Kailangan mo nang sabihin sa kanya kaagad ang tungkol dito. Umaasa parin sa'yo 'yong tao hanggang ngayon."

Napayuko ako. "Alam ko po."

Balak ko naman talagang sabihin kay Eduwardo ang tungkol dito pero humahanap lang ako ng tiyempo.

Naglakad palapit si Tiya sa lamesa kung saan nakapatong ang cellphone ko nang tumunog 'yon.

"Tamang tama si Eduwardo, Alex." Binigay ni Tiya ang cellphone sa'kin at nakita kong si Eduwardo nga ang caller nang abutin 'yon.

Pinatong ko sa pinakamalamit na mesa ang hawak na banquet bago sinagot ang tawag.

Tumikhim ako. "Hello, Eduwardo?"

"Kamusta, Alex?" Masayang sambit ni Eduwardo sa kabilang linya.

"Ayos naman." Sagot ko at hindi maiwasan maguilty.

"Yayayain sana kita mamayang gabi sa peryahan kaso hanggang ngayon ay hindi parin ako makaalis ng hospital." Malungkot na sambit nya. "Pasensya na, hinihintay ko pa kasi 'yong parating kong kapatid dito para sya naman 'yong pumalit sa'kin sa pag babantay kay Lola."

"Ayos lang, Eduwardo, walang problema sa'kin." Kaagad kong sagot. "Saka nga pala may gusto akong sabihin sa'yo."

"Ano ba 'yon, Alex?" Kaagad na tanong nya.

"Sa personal ko sana gustong sabihin..."

"Ganoon ba?" Sambit nya. "Hayaan mo at kapag dumating 'yong nakababata kong kapatid dito ay didretso kaagad ako dyan."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now