Kabanata 13

582 49 1
                                    

Noong mga sumunod na araw ay hindi masyadong nakapupunta si Eduwardo sa bahay.

"Pasensya ka na, Alex, at minsan na lang kung makapunta ako rito." Sambit ni Eduwardo nang huling pag-uusap namin. "Na ospital kasi si Lola at kailangan kong bantayan sa ospital."

Kaagad akong nag-aalala dahil close ako sa Lola nya. "Anong kalagayan ngayon ni Lola? Ayos lang ba sya?"

"Madalas na ang pananakit ng puso nya kaya naisipan namin nila Nanay na dahil na ng hospital." Paliwanag nya.

"Pupunta ka ba ng hospital ngayon pagkatapos mo rito?" Tanong ko sa kanya.

Tumango sya kaya nagsalita pa ako.

"Gusto kong dalawin si Lola." Sambit ko. "Isama mo 'ko sa pagpunta."

"Ikaw ang bahala, Alex." Pag payag nya.

Sumama nga ako ng araw na 'yon sa kanya sa pagpunta ng hospital kaso lang ay bigla na lang inataki ang Lola nya ng araw na 'yon dahilan para mas lalong hindi na makapunta pa sa bahay si Eduwardo noong mga sumunod na naman na mga araw dahil kailangan na naman nyang bantayan ang Lola nyang nasa critical na ang kondisyon ngayon.

Sana lang ay maging maayos na ang kondisyon ng Lola nya.

"Ano 'yan?" Tanong ni Lucas sa'kin nang maglatag ako ng sapin sa tabi ng acacia kung saan walang nakatanim na rosas.

Kung hindi na nakakapunta pa si Eduwardo sa bahay, madalas naman ang pagkikita namin ni Lucas noong mga nagdaan na araw. Pakiramdam ko nga ay ako ang nanliligaw sa'min dalawa dahil ako ang laging pumupunta sa kanya.

Umupo ako sa sapin pagkatapos kong mailatag. Tinapik ko ang gilid ko at tumingin kay Lucas.

"Upo ka." Sambit ko sa kanya.

Napatitig sya sa pwesto sa tabi ko bago umiwas.  "Ayoko." Masungit na sambit nya at humihithit ng hawak na tabako.

Tinaasan ko sya ng kilay. "Alam mo bang hindi ka dapat masungit sa nililigawan mo?"

"Tss..." Napilitan syang umupo sa tabi ko nang marinig ang sinabi ko.

Napangiti ako bago mas dumikit sa kanya ng upo hanggang sa magkadikit ang mga balikat namin. Napatingin sya sa magkadikit namin balat.

Hinala ko ang dala kong basket palapit sa'min at nilabas ang mga laman no'n.

Inabutan ko sya ng saging na nakuha ko sa loob. Kunot noo na inabot nya naman 'yon pagkatapos maubos ang subo na tabako.

"Kinakain 'yan, kainin mo." Sambit ko sa kanya bago kumuha ng isa pang saging at sinubo.

Tumawa ako nang gayahin nya ako pero hindi nya naman binalatan 'yong saging nang isubo!

"Ano ka ba, Lucas!" Natatawang suway ko sa kanya. "Dapat ay tinanggal mo muna 'yong balat!"

Wala na akong nagawa pa nang maubos na kaagad nya 'yon nang hindi tinatanggal ang balat.

"Meron pa ba?" Tanong nya at hindi pinansin ang sinabi ko kanina.

Binigyan ko ulit sya pero bago ko inabot sa kanya 'yong saging ay binalatan ko muna dahil baka ay kaninin na naman nya ng may balat pa.

"Masarap ba?" Tanong ko sa kanya nang makita ang sunod sunod na pagsubo nya.

"Pwede na." Sagot nya kahit halatang sarap na sarap sa kanin na saging.

Binalatan ko pa ulit sya ng panibagong saging nang maubos nya kaagad 'yon dahil halatang gusto pa nya.

"Gusto mo ba dalhan ulit kita bukas?" Tanong ko sa kanya nang maubos nya na lahat nang dinala kong saging.

Tumango sya at pagkatapos ay tumayo na.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko nang maglakad sya paalis sa tabi ko.

"Mag papahinga na muna." Sagot nya at umakyat sa itaas ng puno.

Ngumuso ako. "Mag usap na muna tayo. Ganito ka ba manligaw?"

Nilingon nya ako nang makaupo na sya sa itaas ng sanga.

"Hindi ka ba nag sasawa? Araw araw na tayong magkausap."

180. Nakaramdam ako ng pagtatampo. “Sinasabi mo bang nag sasawa ka na sa araw araw nating pag uusap?”

Naging seryoso sya. “Hindi sa gano'n.”

“Huwag mo na palang pansinin ang sinabi ko.” Sambit ko na lang dahil baka simulan na naman ito nang pag-aaway namin.

Lumapit ako doon sa sapin na nakalatag sa lupa para iligpit na. “Saka nga pala, nalala kong may gagawin pa pala ako sa bahay. Aalis na ako. Mag pahinga ka na.” Sambit ko nang maipasok ko na sa loob ng basket ang sapin.

“Sige, Lucas, alis na 'ko.” Paalam ko sa kanya.

Nakita kong na natili lang syang nakatingin sa'kin ng seryoso. Wala man lang syang sinabi nang tumalikod na ako at naglakad paalis.

Minsan ay hindi ko sya maintindihan. May mga oras na bigla na lang syang umiiwas sa'kin.

“May problema ka ba, Lucas?” Tanong ko sa kanya nang mapansin na kanina pa sya tahimik nang makabalik ako, kinabukasan.

Magkatabi kami ngayon dito sa itaas ng puno, nakaupo. Ngayon ko lang nakita ang magandang tanawin na matatanaw mula rito sa itaas. Kita ko kasi ang mga mataas na kabundukan na nasa malayo mula rito.

“Lucas...” Nagulat ako nang biglang hawakan ni Lucas ang kamay ko.

“Nagsisi ka na bang nagpaligaw ka pa sa'kin?” Seryosong tanong nya.

Kaagad akong umiling. “Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Lucas."

“Kung nagsisisi ka. Puwes ako hindi.” Sambit nya pa. “Hindi ako nagsisising nililigawan kita ngayon, Alex.”

Nainis ako. “Hindi ako nagsisisi, Lucas—”

Bigla akong napahinto nang dalhin nya ang isang kamay ko sa sariling bibig para halikan.

"Patawad sa mga masasakit na nasabi ko sa'yo, noon, Alexa." Seryosong sambit nya bago muling pinatakan ng halik ang kamay ko.

Hindi ako nakapag salita. Nagulat ako sa ginagawa nya ngayon sa kamay ko.

Isang beses nya pang muling hinalikan 'yon habang nakatitig sa'kin. Nang bitawan nya ang kamay ko ay nagsalita pa ulit sya.

“Akala ko ay kaya kitang makitang nasasaktan. Hindi pala. Akala ko lang pala...” Malambing na sambit nya.

“Ikaw ba talaga 'yan?" Gulat kong tanong at hinawakan ang mukha nya. Hindi man lang sya umiwas sa ginawa ko. “Bakit parang nag iba ka ata ngayon? Ang lambing lambing mo.”

Mas lalo akong nagulat nang makitang ngumiti sya.

Ngayon ko lang syang nakitang ngumiti at ang pogi pogi nya pala sobra habang nakangiti!

Muli syang naging seryoso. “Hindi ko magawang sabihin 'to sa'yo dati dahil natatakot ako sa magiging resulta pagkatapos pero bahala na...” Bulong nya. “Mahal na mahal kita, Alexa.”

Hanggang ngayon ay hindi ko alam ang ire-react. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nyang mahal nya ako! Mahal ako ng lalaking mahal ko!

Sa totoo lang ay gusto ko na talaga syang sagutin kahit sandali palang ang panahon ng panliligaw nya sa'kin kaso may mga pumipigil parin sa'kin. Tulad na lang ng papaano si Eduwardo? Siguradong masasaktan ko sya.

“Bakit hindi ka nagsasalita?” Tanong ni Lucas sa'kin.

“M-masaya lang ako, Lucas...” Tumulo ang luha sa mga mata ko. “Na mahal mo ako...”

“Huwag kang umiyak.” Pinunasan nya ang luha sa mga mata ko.  “Walang espesiyal sa pag mamahal ko para iyakan mo, Alex.”

Umiling ako.  “Kung para sa'yo ay hindi espesiyal. Puwes espesiyal at sobrang halaga para sa'kin ang pagmamahal na galing sa'yo, Lucas.” Hinaplos ko ang pisngi nya. “Mahal din kita...”

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now