Kabanata 5

597 41 11
                                    

"Nakikita mo ako?" Nakangising tanong ng matabang kapre na kanina lang ay nasa puno at ngayon ay nasa harapan ko na.

Berde ang mga mata nito katulad ng kay Lucas. May maitim itong balat. Maitim rin ang labi nito maging ang mga ngipin. Mabuhok ang buong katawan at may mahabang kulot na buhok.

"S-sino ka? N-nasaan si Lucas?" Nautal na ako sa sobrang kaba nang maglakad sya palapit sa'kin.

"Lucas? Sino si Lucas?" Humithit sya sa hawak na sigarilyo habang patuloy parin sa paghakbang palapit sa'kin.

Mabilis naman akong umatras palayo.

"A-ang nakatira dyan! Nasaan sya!" Sinubukan kong patatagin ang loob.

"Huh, sya ba?" Humalakhak ito at tumigil na sa pag lapit nang makitang takot na takot na ako at balak na sanang tumakbo. Bumuga ito ng malaking usok sa harapan ko. "Umalis na sya. Ako na ang bagong nakatira sa punong ito."

"A-ano?" Nagulat ako. "H-hindi p-pwedeng bigla na lang umalis si L-lucas."

"Lucas? Ibinigay mo ba ang pangalan na 'yan sa kanya?" Tumawa sya bago bigla na lang naging seryoso. "Wala kang karapatan tao na bigyan sya ng pangalan."

Nagulat ako nang bigla nyang abutin ang mahaba kong buhok. Tatabigin ko sana ang kamay nya nang bigla kong hindi maigalaw ang mga kamay ko.

"A-ano nangyayari?" Kinakabahan kong tanong nang subukan ko naman igalaw ang mga paa ko para tumakbo na palayo pero maging 'yon ay hindi ko rin maigalaw.

Hinaplos nya ang mahaba kong buhok gamit ang isang kamay nya. "Nakakaakit ang ganda ng buhok mo maging ikaw." Nagulat ako nang bigla nyang ilapit ang buhok ko sa ilong nya para amuyin. "Gusto mo bang sumama sa'kin? Ibinigay ko lahat ng nanaisin mong makuha kapag sumama ka." Pang-aalok nya bigla.

"Ayoko, b-bitawan mo ako." Kungyaring matapang kong sabi bago pinilit igalaw ang buong katawan ko para makaalis na pero hindi ko talaga maigalaw! Anong bang nangyayari?!

"Ano?" Mukhang nainis ang kapre na 'to sa narinig na sagot ko. Binitawan nya ang buhok ko bago humihithit muli sa hawak na sigarilyo. "Bakit ayaw mo? Magandang lalaki naman ako."

Magandang lalaki? Mukhang hindi nya pa ata nakikita ang sarili nya.

Nakarinig kami bigla ng malakas na tawa kaya pero namin hinanap ang pinaggalingan no'n.

"Punyeta! Sino ba 'yan?!" Galit na sigaw ng matabang kapre na 'to habang nakakunot ang noo.

"Nawala lang ako sandali, sinubukan mo ng agawin ang mga pag mamay-ari ko."

"Lucas..." Naluluhang bulong ko habang nakatingin sa lalaking bigla na lang sumulpot sa gitna ng daan at naglalakad na ngayon palapit sa'min.

Kaagad kumunot ang noo ni Lucas nang makitang umiiyak ako ngayon at tila hindi makagalaw sa kinatatayuan.

"Anong ginawa mo sa kanya?" Galit na tanong ni Lucas na nakatingin na ngayon doon sa matabang kapre.

Hindi pinansin nito ang tanong ni Lucas. "Ikaw?! Anong ginagawa mo dito?! Akala ko ba ay aalis ka na sa lugar na 'to?!" Mas galit ito sa kanya.

Sarkismo na tumawa muli si Lucas. "Kaya ba nandito ka ngayon sa tirahan ko para maghanap ng bagong bibigtimahin? Sinabi kong aalis ako sa lugar na 'to pero hindi pa ngayon kaya umalis ka na."

"Sige, aalis na ako." Nagulat ako sa biglang pag sangayon ng matabang kapre. Akala ko ay makikipag talo pa sya kay Lucas bago umalis dahil hanggang ngayon ay nakikita ko parin ang galit sa mga mata nya.

Humithit ito sa hawak na sigarilyo bago ako bigla na lang nilingon. "Aalis ako pero isasama ko ang babaeng ito."

"Hindi, ayoko!" Matapang kong sambit at tumingin kay Lucas para humingi ng tulong pero nagulat ako nang marinig ang sinabi nya.

"Sige, isama mo na." Walang emosyon nyang sambit.

"L-lucas..." Gulat kong pag tawag sa kanya na may pag mamakaawa.

"Salamat." Ngumiti ng malaki ang matabang kapre dahil sa narinig bago ako hahawakan na sana nang bigla na lang syang napahinto at tila hindi makagalaw tulad ko. Kumunot ang noo nya at kaagad napalingon kay Lucas. "Tangina mo! Anong ginawa mo sa'kin?!"

"Tingin mo ba, hahayaan na lang kitang basta basta mo na lang syang makukuha?" Ngumisi si Lucas sa kanya.

Nagulat ako nang bigla na lang akong bumagsak sa lupa. Nang subukan kong muling igalaw ang buong katawan ko habang nasa lupa ay nagawa ko na. Mabilis akong tumayo pagkatapos at walang pagdadalawang isip na tumakbo palapit kay Lucas at yumakap sa kanya.

"Lucas..." Humihikbing sambit ko habang mahigpit na nakayakap sa kanya.

"Putangina! Itigil mo 'tong ginawa mo sa'kin!" Pagwawala no'ng kapreng mataba nang hanggang ngayon ay hindi nya parin maigalaw ang buong katawan.

Mukhang si Lucas ang may gawa kaya sya hindi makagalaw ngayon. Naalala ko ang nangyari sa'kin kanina. Kung may kapangyarihan si Lucas na gawin ito. Siguradong may kapangyarihan din ang matabang kapre na 'to na gawin ito. Siguradong sya ay may gawa kaya hindi ako makagalaw kanina!

"Sinaktan ka ba nya?" Seryosong tanong ni Lucas nang lumayo ako sa kanya.

Kaagad akong umiling.

"Hindi ba't sinabi ko sa'yong huwag ka nang babalik pa rito?" Naiinis nya akong tinignan. "Bakit ba hindi ka na lang makinig?"

"Sa tingin mo ba ay basta basta ko na lang susundin ang mga sinabi mo?" Tanong ko habang naluluhang nakatingin sa kanya. "Ilang araw ka nawala tapos ganyan ang mga maririnig ko mula sa'yo?"

Umiwas sya ng tingin. "Sa pagpunta mo ngayon ay muntik ka ng mapahamak. Sa susunod ay mas matindi pa ang mangyayari sa'yo kapag nagpatuloy ka pa sa pagpunta rito."

"Wala akong pakialam." Seryosong sambit ko.

"Pakawalan mo na ako sa kapangyarihan mo!" Patuloy na pagwawala ng matabang kapre.

"Umalis ka na." Seryosong sambit ni Lucas sa'kin bago naglakad palapit doon sa matabang kapre.

"Anong gagawin mo sa kanya?" Nagtatakang tanong nang hawakan nya ang leeg nito gamit lang ang isang kamay.

"Tuturuan ko ng leksyon para susunod ay hindi na bumalik pa rito." Galit na sagot ni Lucas bago iangat at sakalin ang hawak nya.

Nakita ko kung paano sinubukan kumawala ng matabang kapre sa pagkakasakal ni Lucas.

"T-t-tangina m-mo! M-m-magbabayad k-ka!" Nahihirapan sambit nito bago unti-unting na wawalan ng hininga.

Nagulat ako nang bigla na lang tumirik ang mga mata nito bago natumba sa lupa.

Natakot ako. "P-patay na ba sya?" Kinakabahang tanong ko kay Lucas nang makitang hindi na ito nagising pa pagkatapos matumba.

"Hindi pa naman." Walang emosyon na sagot ni Lucas.

"A-anong hindi pa naman?"

"Hindi pa naman kasi mamatay pa lang 'yan. Papatayin ko palang." Sambit nya na parang ang papatayin nya lang ay isang langgam!

Mas lalo akong kinabahan nang marinig ang sagot nya. "A-akala ko ba ay tuturuan mo lang sya ng leksyon?"

"Biglang nagbago isip ko."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now