Kabanata 20

720 68 13
                                    

Ilang sigundo lang ang lumipas nang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok si Tiya.

"Ano bang nangyari kanina?" Tanong nya sa'min ni Lucas.

Kaagad akong humiwalay kay Lucas at nag-isip ng maidadahilan. "H-hindi ko po alam, Tiya, n-nakita na lang namin sya ni Lucas na g-gano'n na." Pag-sisinungaling ko. Alam kong mali itong ginagawa ko ngayon pero ito lang ang naiisip kong paraan para protektahan si Lucas. Kahit na kailan ay hindi nila dapat malaman ang malaking sekreto ni Lucas.

"Ganoon ba..." Sambit ni Tiya at mukhang nag-aalala sa kalagayan ng matanda.

"A-ano n-na po ang nangyari sa kanya?" Kinakabahang tanong ko.

"Dinala na sya sa hospital." Sagot ni Tiya. "Hindi ko lang alam kung ano na ngayon ang kalagayan nya doon."

Kinabahan na mahigpit na napahawak ako sa kamay ni Lucas. Nang lingunin ko naman sya ay wala syang naging reaksyon. Mukhang wala naman lang syang pakialam kung may mangyari mang masama sa Albolaryo o wala.

Sana lang ay maging maayos ang Albolaryo.

"Nakaconfined daw ngayon sa hospital 'yong matandang Albolaryo kagahapon."

Kaagad akong napatigil sa paglalakad sa kalsada, kinabukasan, nang marinig ang usapan ng mga kapitbahay namin.

"Ano bang nangyari sa albolaryo na 'yon?"

"Hindi ko nga rin alam eh. Ang sabi naman ni Malu ay baka raw nasagasaan at pagkatapos ay tinakbuhan ng nakasagasa."

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad at hindi na pinansin ang pinang-uusapan nila.

Bumalik ang kaba ko kagabi. Kung ganoon na nga ang kalagayan ng Albolaryo na 'yon ay siguradong naging malakas ang impact sa kanya ng pagkakatama sa lupa.

Naluha ako habang naglalakad papunta sa Mineral Station. Bakit kailangan pa kasing mangyari 'to? Ganito ba ang nangyayari kapag nakipagrelasyon ka sa isang Elemento?

Pinunasan ko ang nahulog na luha sa mata bago nagpatuloy sa paglalakad.

Nang makarating sa Mineral Station ay kaagad kong nakita doon si Lucas na nagbubuhat ng mga Mineral para dalhin doon sa sasakyang ginagamit nilang pandeliver. Nang makita nya ako ay kaaagad syang napahinto at nilapitan ako.

"Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't sinabi kong pupuntahan namin kita mamamaya?" Tanong nya sa'kin at hinalikan ang noo ko. Napapikit ako sandali dahil sa ginawa nya.

"Ang lambing lambing mo na." Nakangiting sambit ko at kaagad nawala ang pag aalala kanina dahil kasama ko na sya ngayon.

Napadaing ako nang pitikin nya bigla ang noo ko. Masamang tinignan ko sya pagkatapos at napahawak sa noo.

"Bumalik ka na muna sa inyo. Mag hahatid pa ako." Tukoy nya doon sa mga mineral na kailangan nya pang ideliver sa mga may ari.

"Ayoko." Kaagad kong tanggi. "Pwede ba akong sumama sa'yo mag-deliver?"

Umiling sya at naglakad palapit sa pwesto nya kanina para ipagpatuloy ang ginawa kaya mabilis akong sumunod sa kanya. "Hindi pwede." Pag-papatuloy nya.

"Please, Lucas, kung babalik pa kasi ako ngayon sa bahay ay wala naman akong kasama roon." Pamimilit ko sa kanya. "Wala roon si Tiya dahil lumuwas sya ngayon ng Manila dahil may kailangan asikasuhin doon. Isang linggo syang mawawala."

Bumuntong hininga sya at sumampa na doon sa motor na pinandi-deliver nang matapos nya sya sa pagkakarga ng mga mineral. Lumingon sya sa'kin at kinunotan ako ng noo. "Ano pa bang hinihintay mo? Tara na."

Nakangiting sumakay ako sa motor at kaagad na yumakap sa likuran nya. Sabi na nga ba ay hindi nya ako matitiis.

Umalis na rin kaagad kami pagkatapos. Isang oras ang lumipas sa pagde-deliver nya, kasama ako.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now