Kabanata 11

594 49 1
                                    

"Anong nangyari dyan?"

"Nakakita raw ng kapre kaya nagkaganyan."

Nakarinig na kaagad ako ng mga usapan sa tapat ng bahay namin, pag bukas ko ng pinto ngayong umaga.

Nagulat ako nang makita si Mang kanor na akay-akay ng dalawang tao sa magkabilaang braso habang naglalakad.

"Engkanto! Engkanto! Kapre!" Paulit-ulit na sigaw ni Mang kanor na parang nababaliw na. Kung saan pumaikot-ikot ang tingin nya at nang mapunta 'yon sa'kin ay bigla na lang sya nagwala.

"KAPRE! M-MAY KAPRE!" Takot na takot na sigaw nya habang nagwawala.

"K-kanor!" Naiiyak na sambit ng asawa nya habang pinanonood kung paano pagtulungan buhatin ng dalawang tao ang asawa nya.

"Saan daw dadalhin si Mang kanor?" Narinig kong tanong ng isang kapitbahay naman na mukhang nakikiisyoso.

"Sa isang albularyo." Sagot ng kinakausap nya. "Ipapagagamot nila roon."

Natatakot na isinara ko ulit ang pinto. Napasandal ako sa pinto pagkatapos habang inaalala ang nangyari kagabi. Hindi kaya may ginawa si Lucas para mabaliw ng ganoon si Mang kanor?

"Oh, bakit nakasandal ka dyan?" Tanong ni Tiya nang makita nya ako.

Kaagad akong napalingon sa kanya at umiling. "Wala po."

Lumapit sya at hinawakan ako. "Tara na at kumain na tayo. Pinagluto kita ng favourite mong ulam, Alex."

Nagpatinod ako nang hilahin ako ni Tiya papunta doon sa mesa sa kusina para kumain na.

Nang matapos kami kumain ay kaaagad akong nag paalam sa kanya na aalis na muna ako.

"Aalis na muna po ako, Tiya. Pupuntahan ko si Eduwardo." Paalam ko.

Ngumiti sya ng pagkatamis-tamis. "Sige at umalis ka na ngayon din dahil alam kong na-miss mo si Eduwardo at na-namiss ka rin nya."

Napailing na lang ako sa panunukso ni Tiya bago lumabas na ng bahay.

Pupunta ko naman talaga si Eduwardo pero dadaanan ko muna si Lucas dahil gusto kong makausap sya tungkol sa nangyari kay Mang kanor.

Hindi pa naman kami nakakapag-usap pero alam kong may kinalaman na sya roon sa nangyari.

At gusto ko rin naman talaga syang makita ngayon dahil namiss ko sya. Maraming araw kaya kami hindi nagkita.

Noong makarating ako at madatnan sya ay nakatayo sya sa tabi ng puno ng acacia habang seryoso na humihithit ng tabako. Napahinto sya nang makita nya ako.

"Bakit ngayon ka lang? Tanghali na." Kunot noo na sambit nya at mukhang kanina pa naghihintay sa'kin.

Pansamantala kong nakalimutan ang pinunta nang maisipan syang asarin. "Bakit? Hinintay mo na naman ba ako?" Mapang-asar na tanong ko.

Umirap lang sya at umiwas ng tingin. Tila hindi alam ang isasagot sa'kin.

"Hala, tumubo na!" Gulat na sambit ko at itunuro ang lupang pinagtaniman ko ng mga buto ng rosas. May malilit na kasing tangkay ang tumubo doon.

"Alam mo bang ako ang nag dilig sa mga 'yan habang wala ka." Mayabang na sambit nya.

Napangiti ako. "Akala ko ba ay ayaw mo nang mag-alaga ng halaman?"

"Napilitan lang akong diligan ang mga 'yan dahil..." Biglang syang napahinto at mukhang naghahanap ng mairarason.

Ngumisi ako. "Dahil?"

Bigla na naman syang nainis. "Huwag mo ng intindahan pa ang rason. Mag pasalamat ka na lang sa'kin."

"Bakit naman kita papasalamatan?" Tanong ko na tunog mapang-asar. Hindi pa kasi ako tapos sa pang-aasar sa kanya. Namiss ko syang makitang magalit. "Hindi ko naman sinabi sa'yo na diligan ang mga 'yan."

Kumunot ang noo nya at mukhang na-offend sa sinabi ko. "Kung ayaw mo talagang magpasalamat, wala na akong pakialam pa."

Tumawa ako. "Biro lang, Lucas, Salamat ng sobra."

Nagulat sya nang lumapit ako at may inilagay sa pulupulsuhan nya.

"Ano 'to?" Nagtatakang tanong nya habang nakatingin sa bagay na isinuot ko sa kanya.

"Porselas." Nakangiting sagot ko at inangat ang braso ko para ipakita sa kanya ang suot ko. "Pa salubong ko sa'yo. Tignan mo oh, parehas tayo."

Kahit naman nag-away kami bago ako umalis ay hindi ko kinalimutan bilhan sya ng pa salubong.

"Ano 'yan?" Tanong nya habang nakatingin sa box na nasa bulsa ng suot kong jacket.

"Ito ba?" Nilabas ko 'yon para maipakita rin sa kanya. "Pasalubong rin para kay Eduwardo. Binilhan ko rin sya."

Mabilis nagbago ang mood nya at mukhang nainis. "Binilhan mo 'ko tapos binilhan mo rin ang lalaking 'yon?"

"Pasalubong nga 'di ba? Dapat ay meron rin sya." Sambit ko.

Umirap sya at humithit ng sigarilyo. Mukha parin naiinis. "Tsk,"

"Bakit ka ba naiinis?" Tanong ko sa kanya pero umirap na naman sya. "Naiinis ka ba dahil binilhan ko rin sya?"

Hindi nya sinagot ang tanong ko pero nag salita sya. "Parehas ba ng laman nyan ang suot natin?" Tukoy nya sa suot naming Porselas.

"Hindi." Mabilis kong sagot. "Pabango ang laman nito."

"Binili mo itong Porselas na kaparehas ng sa'yo." Seryosong sambit nya. Bigla akong namula dahil sinadya ko talagang bilihin itong Porselas na 'to na may kapares para tigisa kami. "Iyang ibibigay mo sa kanya? May kapares rin ba 'yan na meron ka?"

"Wala." Kaagad kong deny. "Iisa lang talaga 'tong binili ko para sa kanya lang."

Tumango sya at mukhang na satisfied na sa mga narinig.

Nakita ko syang nakatitig sa ibinigay kong Porselas nang umupo ako sa malaking ugat ng acacia.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ko dahil hindi ko malaman kung nagustuhan nya ba dahil nanatiling seryoso lang ang ekpresion nya habang pinaglalaruan ang suot na Porselas.

"Sobra." Bulong nya ikinangiti ko lalo.

"Saka nga pala." Sambit ko nang may maalala. "Alam mo ba ang nangyari ngayon kay Mang kanor?"

"Bakit? Ano bang nangyari sa kanya?" Nag tanong sya kahit mukhang wala naman syang pakialam sa matanda.

"Para syang nasisiraan nang makita ko kanina." Seryosong sambit ko. "May kinalaman ka ba sa nangyari sa kanya?"

Matagal bago sya nakasagot kaya alam ko na kaagad na may kinalaman sya.

"Wala akong kinalaman kung bakit sya nag ka gano'n kung 'yan ang iniisip mo." Sagot nya pero hindi makatingin sa'kin ng diretso.

"Talaga lang, ha?" Tinaasan ko sya ng isang kilay. "Wala nga ba talaga?"

Tumahimik sya kaya hindi ko tinigilan ang pangungulit sa kanya.

"Hindi ka talaga aamin?" Tanong ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at abala na ngayon sa paghihithit kaya lumapit ako at mabilis inagaw sa bibig nya ang tabako.

Nanlaki bigla ang mga mata nya. "Anong ginagawa mo?"

Ngumuso ako. "Hindi ko 'to ibibigay hanggat hindi ka umaamin."

"Alex." Nagbabanta ang tono ng boses nya nang tawagin ako.

Kaagad akong umatras nang tangkain nyang lumapit.

"Hindi ko nga sabi ibibigay—"

Kaagad naputol ang sasabihin ko nang mabilis nyang hulihin ang bewang ko.

"Dinalaw ko lang sya sa bahay nya at tinakot." Seryosong sambit nya bago kinuha sa kamay ko ang tabako nang matinod ako sa kinatatayuan dahil sa gulat. "Hindi ko naman alam na ganoon ang magiging epekto sa kanya ng pananakot ko."

Magandang Umaga, LucasOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz