Kabanata 25

590 53 18
                                    

Tulala ako at tila wala sa sarili habang naglalakad na ngayon patungong kakahuyan. Pinunasan ko ang mga luha sa mata bago nilingon si Beatrice sa tabi ko.

"M-Maraming Salamat sa pagtulong mo sa'kin, Beatrice." Naluluhang sambit ko sa kanya.

Seryoso nya akong tinignan. "Huwag kana munang magpasalamat. Hindi pa natin naililigtas si Lucas."

"Bakit mo ba 'to ginagawa? Ang tulungan ako." Tanong ko sa kanya. Nagtataka lang ako kung bakit tinutulungan nya ako ngayon kahit na alam na naman nya ang totoong pagkatao ni Lucas.  "Dahil ba may gusto ka parin sa kanya kahit na alam mo na?" Pagpapatuloy ko. Pinigilan kong makaramdam ng selos dahil hindi ngayon ang oras para makaramdam nito.

Kaagad syang umiling. "Wala akong gusto sa kanya. Naalala ko lang ang dati kong naging kasintahan sa kanya kaya tumutulong ako ngayon." Seryosong sambit nya. "Katulad mo ay may naging kasintahan din ako dati na Elemento."

Nagulat ako sa narinig. Hindi ako nakapagsalita. Hindi ako makapaniwala na tulad nya ay may nakarelasyon rin na isang Elemento.

"Pinatay sya ng taong bayan." Nakita ko ang galit sa mga mata nya nang magpatuloy sya. "At wala man lang akong nagawa."

"P-patawad..." Sambit ko. Ako na ang humihingi ng Patawad sa kanya para sa ginawa ng mga taong bayan sa kanya at sa kanyang kasintahan noon.

"Ayoko lang maulit pa ang nangyari noon kaya ko ginagawa 'to ngayon. Ang tulungan ka." Seryosong sambit nya. "Hindi na rapat pa maulit muli ang nangyari noon. Kailangan natin silang mapigilan sa balak na gawin." Pagtukoy nya sa mga taong may balak pumutol sa puno.

Hindi pa man kami nakakarating ay nakarinig na kaagad kami ng mga sigawan mula sa mga tao na mukhang galing sa gitna ng kakahuyan.

Tumakbo na ako para lang marating kaagad sa puno ng acacia.

Kaagad akong hinawakan ni Beatrice sa braso nang mapaluhod ako sa nakita nang makarating kami.

Putol na ang gitnang bahagi ng puno habang nandoon si Lucas sa tabi. Mukhang hinanghina habang nakatayo at sugatan ang ibang bahagi ng katawan.

"Mukhang nahuli na tayo." Narinig kong sambit ni Beatrice.

Tumulo na naman ang luha ko nang masaksihan kung paano nila pagbabatuhin ng malalaking bato si Lucas.

"ANO BAKIT HINDI KA LUMABAN?!" Sigaw ng Albolaryo kay Lucas.

Kaagad akong tumayo at tumakbo palapit sa direksyon ni Lucas. Nilukob ng pag-aalala ang mga mata nya nang makita ako na humarang sa harap nya para hindi na sya masaktan pa ng mga tao.

"Anong ginawa mo, Alex?! Umalis ka riyan!" Sigaw ni Tiya at kaagad akong nilapitan para hilahin palayo kay Lucas.

"Lucas!" Sinubukan kong abutin ang kamay ni Lucas pero mabilis syang umiwas at umiling sa'kin.

"Lumayo ka rito." Nahihirapan na bulong nya at umatras. Nakita ko kung paano sya masaktan nang may tumamang malaking bato sa balikat nya.

Napaiyak ako at sinubukan mag pumiglas sa pagkakahawak sa'kin ni Tiya. Mabilis nya akong hinila palayo kay Lucas.

"Akala ko ba ay mamam4tay na 'yan kapag naputol na ang puno?" Tanong ng isang kapitbahay namin sa Albolaryo.

Nakita kong mukhang naguguluhan rin ang Albolaryo. "Oo pero hindi ko alam kung bakit buhay parin 'yan hanggang ngayon."

"Alex!" Sigaw ni Tiya at mas hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin nang pilit kong sinusubukan kumawala.

Natulala ako nang bumagsak sya nang aksidente ko syang natulak ng malakas sa pagpupumiglas ko. Mabilis rin syang nakatayo.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now