Kabanata 19

603 54 5
                                    

Hello, I changed the title of the story. Bakit? Dahil trip ko lang.

***

Nang lingunin ko ulit si Lucas sa tabi ko ay nakita kong nakakunot din ang noo nya at mukhang nagtataka din sa naging reaksyon ng matanda kanina.

Hindi kaya'y may alam ang matanda tungkol kay Lucas? Noong huling pag-uusap kasi namin ng matandang 'yon ay parang alam nyang may nakatira doon sa puno ng acacia.

"Aalis na ako." Paalam ni Lucas sa'kin. "Pumasok ka na sa loob at magpahinga."

Ngumiti ako sa kanya habang hawak sa kamay ang prize na nakuha nya kanina. "Salamat, Lucas, sa araw na 'to. Nag-enjoy ako."

Nakita kong napangiti si Tiya sa'min bago umalis na sa pinto para siguro hayaan kaming makapag-usap dalawa ni Lucas.

"Pumasok ka na sa loob at baka lamigin ka pa." Seryosong sambit nya.

Umiling ako bago sya hinila papasok ng bahay kasama ko. Nakita kong pumasok ng kwarto si Tiya kaya kaming dalawa lang ngayon ang nasa sala.

Nakita kong nagtaka sya sa ginawa ko kaya kaagad akong nagpaliwanag.

"Sandali lang, Lucas, may gusto pa kasi akong sabihin sa'yo bago ka umalis." Kinakabahan ako sa naisip na susunod na sasabihin.

Ayoko na kasing patagalin pa ang panliligaw nya. Mahal nya naman ako at mahal ko rin sya kaya bakit ko pa patatagalin ang panliligaw na ginagawa nya?

Nanatili syang tahimik at mukhang hinihintay ang susunod kong sasabihin.

Tumikhim ako bago nag-iwas ng tingin. "S-sinasagot na kita, Lucas."

Dumaan ang isang minuto na hindi man lang sya nagsalita pagkatapos kaya nilingon ko na sya at nakitang ganoon parin ang reaksyon nya hanggang ngayon. Nakakunot ang noo habang nakatitig sa'kin.

"Hindi ka ba matutuwa?" Takang tanong ko sa kanya.

"Bakit naman ako matutuwa?" Balik tanong nya sa'kin na nagpa-inis sa'kin.

Tumaas ang isang kilay ko at kaagad nawala ang hiyang nararamdaman. "Kasi sinasagot na kita?" Hindi ba sya masaya na sinagot ko na sya?

"Hindi ko maintindihan." Seryosong sambit nya. "Ano bang ibig sabihin mo sa “sinasagot na kita” Alexa?"

Napalatak ako at kaagad na nawala ang inis nararamdaman. Hindi nya pala maintindihan ang nais kong ipahayag sa sinabi ko!

Bumalik ang nararamdaman kong kaba. "Hindi ba't nanliligaw ka sa'kin, Lucas?" Tanong ko sa kanya. Tumango naman sya at nagpatuloy ako. "Sinasagot na kita... Ang ibig sabihin ko rito ay pinapahinto na kita sa panliligaw dahil... Kasintahan mo na ako simula ngayon, Lucas."

Nanlaki ang mga mata nya dahilan para matawa ako. Pumikit sya ilang sandali at nang magmulat ay bumalik ang pagkaseryoso nya.

"Mahal na mahal kita." Bulong nya pagkatapos lumapit at hinawakan ang baba ko.

"Mahal na mahal din kita, Lucas." Sagot ko at kaagad pumikit nang makita ang papalapit na labi nya sa'kin.

Nang maramdaman ko ang malambot na labi nya ay kaaagad kong pinalibot ang mga braso ko sa leeg nya. Mas lalo nya naman akong hinila palapit para madiinan ang halik.

"A-anong ginagawa nyo?"

Kaagad din kaming napalayo ni Lucas mula sa isa't isa nang marinig ang boses ni Tiya.

Gulat itong nakatingin sa'min, nanlalaki ang mga mata.

Tumikhim ako at kaagad nakaramdam ng hiya. "A-ah, Tiya..." Hindi ko alam kung paano mag-uumpisa magpaliwanag sa kanya. "Kasintahan ko na po si Lucas..."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now