Kabanata 26

728 66 16
                                    

"Binilhan kita ng mangga. Nabasa kong ito ang madalas na paglihian ng mga buntis." Inabutan ako ni Beatrice ng mangga na nahiwa na. Kagagaling nya lang sa palengke para mamili ng mga kakailangan namin pagkain dito sa bahay.

Matamis akong ngumiti sa kanya at sinimulang kainin ang mangga. "Salamat, Beatrice!"

Anim na buwan na ang lumipas simula noong mangyari 'yon.

Anim na buwan na ang lumipas, ngunit napakalinaw parin sa'king alaala ang mga nangyari nang gabing iyon. Kung paano saktan ng mga tao si Lucas na hindi man lang lumaban sa kanila para ipagtanggol ang sarili.

Natatandaan pa ng mga paa ko ang direksyon na nakasanayan nitong puntahan noon sa kakahuyan. Didiretso lang ako ng lakad hanggang sa napapahinto na lang ako kapag nakita ko na ang malaking puno ng acacia.

"Magandang Umaga, Lucas!" Magiliw na bati ko kay Lucas. Tulad ng lagi nyang posisyon ay nakaupo sya sa mataas na sanga habang humihithit ng tabako at inis akong iirapan.

Ngunit ang mga pangyayaring 'yon ay isa na lamang alaala na madalas kong napapanaginipan.

"Alex, umiiyak ka na naman." Nag-aalalang sambit ni Beatrice nang makita nyang umiiyak na ako ngayon habang nakaupo rito sa upuan. "Lagi ka na lang umiiyak. Makakasama na 'yan sa baby mo."

Si Beatrice ang tanging nakasama ko sa loob ng anim na buwan rito sa Manila. Sya ang nag silbing tumutulong sa'kin sa pagbubuntis ko. Talagang sumama nga sya sa'kin ng gabing 'yon at iniwan ang sariling Ina. Hindi ko nga alam kung anong kabutin ang nagawa ko sa kanya para tulungan ako ng ganito. Sya rin ang nag silbing karamay ko sa oras na umiiyak ako at naalala si Lucas tulad na lang ngayon.

Hindi matigil ang mga luha ko sa pagtulo. "N-naalalala ko lang si Lucas..."

"Tama na 'yan, Alex. Hindi ba't sinabi sa'yo ng Doctor mo noong nagpa-check up tayo na kapag malungkot at umiiyak ka ay ganoon din ang mararamdaman ng baby mo." Paalala ni Beatrice sa'kin.

Marahan kong hinaplos ang aking tiyan na may senyales na ng buhay. Anim na buwan na akong buntis at malaki na medyo ang tiyan ko. Tuwing tinignan ko ito ay napapangiti ako.

"Siguradong magiging iyakin itong si Lucian sa paglabas tulad ng Mama nya." Malambing na sambit ko habang tuloy tuloy parin sa pagluha at medyo natawa pa. Para na akong baliw nito.

Natawa rin si Beatrice sa harap ko. "Sigurado nga." Pag-sangayon nya.

Lalaki ang anak namin ni Lucas. Kaka-ultrasound ko lang kahapon at nakitang lalaki ang gender ng anak namin ni Lucas.

Hanggang ngayon ay patuloy ko parin syang hinihintay. Hindi ako na wawalan ng pag-asa na babalik pa rin sya sa mundong 'to kahit na paulit-ulit nyang sinabi sa gabing 'yon na hindi na kailan man sya babalik pa.

"NAKAUSAP ko si Mama at ang Tiya mo sa telepono kanina." Sambit ni Beatrice noong nasa kalagitnaan kami ng pagkain no'ng kinagabihan. "Kinakamusta ka ni Aling Isabel. Hindi ko pa sinabing buntis ka. Ang sinabi ko lang ay ayos ang kalagayan mo rito sa Manila, kasama ako."

"Salamat, Beatrice. Ilang buwan na rin ang lumipas at gusto ko na rin makausap si Tiya. Sabihan mo na lang ulit ako kapag tumawag sya sa'yo." Humikap ako sa sobrang antok na nararamdaman. Napansin kong naging madalas ang nararamdaman kong antok simula noong unang buwan ng pagbubuntis ko.

Tumango sya bago ako nilapitan at tinulungan tumayo. "Matulog ka na. Mukhang antok na antok ka na."

Umiling ako habang nakahawak sa tiyan. "Mamaya na, Beatrice, pagkatapos kong hugasan 'tong mga pinagkainan..."

"Matulog ka na lang, Alex, ako nang bahala rito."

"Pero—"

"Huwag ng makulit, tss..." Hinila nya ako papunta doon sa medyo malilit kong silid dito sa bahay na inupahan lang namin dalawa. Binuksan nya ang pinto roon at tinignan ako. "Magpahinga ka na."

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now