Kabanata 28

783 64 11
                                    

"Pasensya na, Alex, kung ngayon lang ako nakarating. Traffic kasi sa byahe." Sambit ni Tiya nang puntahan nya ako rito sa hospital. Dalawang araw na ako rito at inaasikaso na lang ni Beatrice ang mga bayarin dito para makauwi na kami sa bahay.

Nakita kong ipinatong ni Tiya ang mga dala nyang prutas sa mesang naririto sa kwartong inaakupa ko.

"Buti naman po at nakarating kayo ng maayos." Sambit ko sa kanya. Nakangiting lumapit sya sa'kin at tinignan ang anak ko na nasa bisig ko habang nakaupo ako rito sa kama.

Ilang buwan na simula nang magkaayos at makapag usap na kami ni Tiya. Nagulat pa sya noong malaman nyang buntis ako pero hindi na nagtanong pa. Siguro ay hanggang ngayon kasi ay nahihiya pa sya sa'kin. Nahihiya sa mga nagawa nya noon. Na patawad ko na rin naman sya... At mukhang alam na rin naman nya kung sino ang Ama ng anak ko kahit hindi ko na sabihin pa sa kanya.

"Ang pogi pogi naman nitong anak mo." Sambit ni Tiya bago nag-aalangan tumingin sa'kin. "Pwede ko ba syang buhatin, hija?"

Nakangiti tumango ako. "Oo naman po. Siguradong matutuwa si Lucian na mabuhat ng Lola nya."

Napangiti ng malaki si Tiya at dahan dahang kinuha sa'kin si Lucian. Nakita kong may nahulog na isang butil ng luha sa mga mata nya nang dahan dahan nyang hinele ang anak ko sa mga bisig nya. Hindi naman nag-iiyak si Lucian at inosenteng nakatingin lang sa Lola nya.

"Kamukha nya si..." Biglang na lang syang napatigil sa pagsasalita at napaiwas ng tingin kaya ako na ang nagpatuloy sa sasabihin nya.

"Oo nga po, kamukha nya si Lucas." Nakangiting sambit ko habang pinanonood silang dalawa ng anak ko.

Biglang napaiyak si Tiya. "P-patawad t-talaga sa nagawa ko, Alex... Sisingsisi ako..."

"Ayos na po, Tiya. Wala na po sa'kin 'yon kaya tumigil na po kayo sa pag-iyak." Malambing na sambit ko sa kanya. "Saka nakapag-usap na tayo 'di ba? Alam ko naman po na ginawa mo lang 'yon dahil ang akala mo ay 'yon ang nakabubuti sa'kin..." kaso hindi.

Tumango sya pero tuloy parin sa pagluha. "Patawad talaga pamangkin ko... Habang buhay kong pagsisisihan itong nagawa ko sa'yo..."

Sabay kaming napatingin kay Lucian nang pati ito ay umiyak na rin. Natigilan si Tiya at kaagad binalik sa'kin si Lucian nang hindi na ito matigil sa pag iyak kahit na anong gawin nyang paghele.

"Mukhang gutom na ang apo ko." Sambit ni Tiya at pinanood akong i-breastfeed si Lucian.

Napangiti ako habang pinanonood ang anak ko na cute na dumidede sa'kin. Nakakunot ang noo nito habang nakapikit dahilan para matawa ako. Pati ang pagkunot ng noo nito ay nagpapaalala sa'kin ng Ama nya. Hindi ko tuloy maiwasan maisip si Lucas. Nanganak na ako lahat lahat pero hanggang ngayon ay hindi parin sya bumabalik. Paano nga kung hindi na nga sya bumalik pa tulad ng sabi nya? Habang buhay na nga Lang ba ako maghihintay?

"Nandito na po pala ikaw."

Sabay kaming napatingin sa pinto nang pumasok si Beatrice na may dalang mga pagkain.

"Kumain ka na muna pagkatapos mo dyan." Sambit ni Beatrice sa'kin nang makalapit at pinatong ang mga dala sa mesa.

"Salamat sa pag-aalaga mo rito sa pamangkin ko." Ngumiti si Tiya sa kanya.

Tumango lang si Beatrice sa sinabi ni Tiya bago ibanalik ang atensyon sa'kin.

"Makakauwi ka na rin kaagad, Alex, bukas." Imporma nya sa'kin. "Naayos ko na ang lahat."

"Thank you so much, Beatrice." Malambing na sambit ko sa kanya.

Tulad ng sabi nya ay kaagad na rin kami nakauwi ng bahay, kinabukasan.

Nakaupo ako sa wheelchair na pinahiram ng ospital kanina na tulaktulak ngayon ni Tiya, papasok ng bahay... Habang ang anak ko naman ay karga-karga ni Beatrice.

Tinulungan ako ni Tiya tumayo sa wheelchair at magpalakad papasok sa loob ng sariling silid pagkatapos. Hanggang ngayon kasi ay masakit parin ang nasa gitnang bahagi ng mga hita ko dahil ilang araw palang naman ang nakalipas pagkatapos kong manganak kaya hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaglakad ng maayos.

Nahiga ako sa kama nang makalapit. Nakita kong sunod na pumasok si Beatrice sa pinto dala si Lucian.

"Kami na muna ang bahala rito kay Lucian." Sambit ni Tiya sa'kin. "Matulog ka na muna dahil hanggang ngayon ay kailangan mo parin magpahinga."

Hinalikan ko muna sa noo si Lucian bago sabay na lumabas sina Tiya at iwan ako.

Nakatulog ako nang makaalis sila. Nagising na lang ako nang maramdaman na may nakayakap sa'kin. Napadaing ako at nilingon kung sino 'yon. Kaagad nanlaki ang mga mata ko nang makita si Lucas na mataan na nakatitig sa gulat kong mukha.

"Lucas..." Hindi makapaniwalang bulong ko at kaagad na naluha.

"Kamusta?" Malalim na bulong nya at mas hinigpitan ang yakap sa'kin na parang ang tagal nyang nangulila sa gano'n.

Sandali akong natulala.

"B-bumalik ka," Naiiyak na bulong ko sa kanya.

Tumango sya at hinalikan ang noo ko. "Bumalik ako dahil hindi ka nawawalan ng pag-asa na babalik ako, Alexa..."

"Hindi ako nawalan ng pag-asa, Lucas, dahil hindi ko kayang kalimutan ka." Lumuluhang sambit ko. Pinunasan nya ang mga nahuhulog na luha sa mga mata ko. "Mahal parin kita hanggang ngayon..." Pagpapatuloy ko.

Napapikit sya sandali sa narinig na parang ninanamnam nya 'yon sa tenga bago muling nagmulit at mapupungay ang mga mata na tignan ako. "Mahal na mahal din kita, Alex—"

Pawis na pawis ako nang magising mula sa isang panaginip. Kaagad akong napahawak sa aking pisngi na basang-basa sa luha. Malakas akong napaiyak at napahikbi dahil sa napaginipan. Hindi ko alam kung bakit naiiyak parin ako hanggang ngayon kahit na madalas na 'tong mangyari sa nakalipas na maraming buwan. Madalas ko na talagang napapanaginipan si Lucas noon pa man pagkatapos nang trahedyang 'yon. Sa sobrang pangungulila ko sa kanya ay nangyayari 'to.

"Hindi ako magsasawang maghintay sa'yo, Lucas... Kahit gaano pa 'yan ka tagal." Bulong ko sa sarili bago ko nakita ang pagbukas ng pinto ng kwarto at nag-aalalang pumasok si Tiya.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now