Kabanata 2

646 47 1
                                    

"Paalam, Lucas." Masayang paalam ko sa kanya bago naglakad pa balik ng bahay.

Nagulat ako nang makitang naroon na si Eduwardo.

"Saan ka dumaan?" Tanong ko sa kanya habang pinagtitimpla sya ng inumin sa kusina.

Naglakad ako palapit sa kanya ng matapos at inabot ang hawak na juice.

"Sa kabilang daan." Hingal na sagot nya at mabilis na ininom ang inabot ko. Kaya pala hindi ko sya nakasalubong kanina.

Ang tinutukoy nyang daan ay ang doble ang layo mula rito.

"Bakit ka pala doon, dumaan?" Umupo ako sa ka harap nyang upuan dito sa sala.

"Sa tuwing kasing dumaan ako sa pinakamalamit na daanan ay may namamato." Sagot nya nang matapos sa pag-inom.

"Sino naman?"

"Hindi ko alam, sinubukan ko ngang hanapin noong isang araw kaso wala akong nakitang sino man naroon."

"Baka naman ay pinag ti-tripan ka lang nila Totoy." Tukoy ko doon sa anak na makulit ng kapitbahay namin. Mahilig kasi 'yon sumunod kay Eduwardo.

"Hindi eh, noong sundan ko kasi iyong direksyon ng namamato, galing doon sa puno ng acacia." Seryosong sambit nya na ikinagulat ko. Hindi kaya si Lucas ang namamato sa kanya?

"Wala naman akong nakitang tao naroon maliban sa nakita kong upos ng sigarilyo." Pag papatuloy nya pa. "Pakiramdam ko, Elemento ang may gawa no'n."

Hindi ko alam kung paano na tuloy makikipag usap sa kanya dahil sa mga sinabi nya. Obviously na si Lucas nga ang may gawa no'n. Baka totohanin nya nga ang banta nyang pag dala kay Eduwardo sa mundo nila.

"Mag iingat ka, Alex, kapag dumadaan sa punong iyon, hindi natin alam kung anong elemento ang nakatira doon." Seryosong babala nya sa akin kalaunan ay ngumiti rin ka agad sya. "Saka nga pala, baka hindi ako makapunta bukas o sasusunod na mga araw. Sunod sunod kasi iyong mga nag papagawa sa shop."

"Ayos lang, Eduwardo."

Nakalimutan ko rin agad ang nakapag usapan namin ni Eduwardo, kinabukasan.

Excited akong pumunta sa tindahan pagkatapos makapag-almusal para bumili ang iba't ibang uri ng softdrinks.

Habang nag lalakad tuloy ako papunta kay Lucas ay may hawak hawak akong mga plastic. Isang plastic na may lamang tubig para ipang dilig, plastic ng royal, plastic ng rc, plastic ng sprite at isang plastic ng coke. Para naman maraming syang mapag pilian kung sa kaling ayaw nya sa isang softdrinks.

"Magandang umaga, Lucas." Masayang bati ko sa kanya sa itaas ng puno nang makarating.

Nagulat ako ng bigla syang tumalon pababa at lumapit sa akin habang may hithit na namang sigarilyo.

Namula tuloy ako nang makita ang hubad nyang tiyan sa harapan ko. Ganito pala ang itsura nito sa malapitan.

"Ano 'yang mga iba mo pang hawak?" Tanong nya sa akin ng kunin sa kamay ko ang plastic ng coke.

"S-softdrinks rin." Nautal pa ako dahil sa pamumula. Sobrang lapit ba naman nya sa akin na parang mag hah4likan na kami!

"Softdrinks?" Nag tatakang tanong nya.

"Softdrinks ang tawag dyan sa hawak mo at sa mga ito." Tinignan ko ang mga hawak ko pang iba.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya at tumikhim. "Mag si-sigarilyo ka na lang ba dyan o subukan mo na kayang tikman yan." Sabi ko nang manatili syang humihithit ng sigarilyo at nakatingin sa hawak.

"Sige," Inalis nya ang subong sigarilyo sa bibig at bigla na lang bumuga ng usok sa harapan ko.

"Lucas!" Naiinis kong tawag sa kanya nang sunod sunod akong napaubo.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now