Kabanata 9

556 44 1
                                    

"Mag iingat ka sa Manila, Alex." Bilin ni Tiya noong araw nang pag-alis ko.

Madaling araw palang nang mag paalam na kami sa isa't isa. Ngayong oras na kasi ang alis ko para kapag dumating ako sa Manila ay hindi ako gabihin.

"Isang linggo lang naman po akong mawawala kaya huwag na po kayong mag-alala." Sambit ko sa kanya at yumakap pabalik nang yakapin nya ako.

"Basta at mag iingat ka parin." Hinalikan ni Tiya ang kaliwang pisngi ko. "I love you, pamangkin."

Napangiti ako. "I love you rin po, Tiya." Sagot ko bago humiwalay na sa pagkakayakapa nya.

Nilingon nito si Eduwardo na nasa tabi ko. "Ikaw na ang bahala dito kay Alex sa pag hatid sa terminal, Eduwardo." Bilin nya rito.

Tumango si Eduwardo. "Huwag po kayong mag-alala at ako na ang bahala." Sya na ang nag bit-bit ng ibang dadalhin ko na gamit.

Lumingon si Eduwardo sa'kin. "Tara na ba?"

Tumango ako at nilingon pa si Tiya sa huli. "Aalis na po ako. Mag-iingat ka rin dito, Tiya."

Naglakad na kami paalis habang nakikita ko pang kumakaway si Tiya.

Isang linggo lang naman ako mawawala pero ang lungkot ko sobra sa pag-alis. Siguro ay dahil sa pag-aaway namin ni Lucas.

Sa kabilang daan ni Eduwardo naisipan dumaan kaya hindi ko na kita pa si Lucas sa pag-alis ko.

Mahigit kalahating oras rin ang dumaan bago kami nakarating sa terminil ng mga bus.

"Mag-iingat ka sa Manila, Alex." Bilin ni Eduwardo sa'kin nang paakyat na ako ng bus na diretso ng Manila.

"Maraming Salamat, Eduwardo!" Kumaway ako sa kanya bago pumasok na sa loob.

Nakita ko pa si Eduwardo na natiling nakatayo sa kinatatayuan nya habang pinanonood umandar ang bus na sinasakyan ko.

Kumaway pa ulit ako sa kanya dito sa tapat ng bintana.

Nagulat ako nang bigla syang sumigaw mula sa labas na rinig na rinig ko rito sa loob dahil sa nakabukas na bintana sa harap ko.

"MAHAL KITA, ALEX!" Sigaw nya at kaagad na namula pagkatapos.

Narinig ko ang pag bungis-ngis ng mga taong kasama kong nakasakay sa bus nang marinig din nila 'yon.

Hindi na ako nakapag react pa sa gulat hanggang sa tuluyan na ngang umandar ang bus paalis.

"Pasensya ka na talaga, Alexa." Sambit ng Boss ko nang makarating na ako ng Manila at dumiretso kaagad dito sa pinag ta-trabauhan ko.

Kasalukuyan kami ngayon nag lalakad papasok sa office nya. Sekretarya ako rito.

"Alam kong hindi pa tapos ang leave mo pero pinabalik na kita kaagad." Hinawakan ni Miss Angelica (Boss ko) ang kamay ko. "Kailangan na kailangan lang talaga kita ngayon dito. Sa susunod kasi na araw ay may darating na bigatin na bisita. Gusto kong ikaw ang humarap sa kanya."

"Bakit kailangan pa po ako kung pwede naman pong ikaw na lang ang humarap o iyong pansamantala nyong pinalit sa'kin?" Nag tatakang tanong ko sa kanya.

"Magaling ka kasi at baka kung ang pansamantala kong sekretary na pinalit ko sa'yo ang humarap sa taong 'yon ay baka ma letche letche pa ang mangyari dahil napaka boba nya!" Umirap sya. "Saka hindi ako pwede dahil ex ko 'yon at hindi ko pa kaya syang harapin dahil sa tindi ng galit na nararamdaman ko sa kanya. I hope you would understand, Alexa."

Tumango na lang ako kahit hindi ko masyadong naintindihan ang mga sinabi nya sa bilis nyang mag salita. "I understand, Boss."

Mabilis na lumipas ang mga naging araw ko dito sa Manila hanggang sa hindi ko na napansin na isang linggo na pala ang nagdaan simula nang umalis ako ng probinsya.

Abala ako sa pag ta-type ng mga email sa computer sa table ko nang biglang tumunog ang cell phone ko na nakapatong malayo sa pwesto ko.

Napangiti ako nang kunin 'yon ni Lyca at inabot sa'kin. Siya ang pansamantalang pumalit sa'kin bilang sekretarya ni Boss.

"Salamat." Sambit ko sa kanya.

"Welcome po, Miss Alexa." Magalang na sambit nito bago tumabi ng upo sa'kin dito sa secretary table. Tinutulungan nya kasi ako sa iba pang trabahong kailangan kong gawin.

Pansamantala kong hininto ang ginagawa para sagutin ang tumawag. Nakita kong si Eduwardo ang caller.

"Hindi ba't ngayon ang balik mo dito sa probinsya, Alex?" Kaagad na tanong nya sa'kin nang sagutin ko.

"Hindi pa pala ako makakauwi ngayon, Eduwardo, nag makaawa kasi sa'kin 'yong Boss ko na baka pwede ay I-extend ko muna ang araw ng pag uwi ko dyan. Kailangan na kailangan nya kasi talaga ako ngayon dito. Ang daming trabaho."

"Ganoon ba? Sige at sasabihan ko na lang si Aling Isabela." Sambit ni Eduwardo sa kabilang linya. "Sabihan mo na lang ako kung kailan ang uwi mo para masundo kita ulit doon sa terminal ng bus."

"Salamat, Eduwardo." Masayang sambit ko. "Hayaan mo at pasasalubungan kita pag-uwi ko dyan."

"Nako, kahit huwag na, Alex." Nahihiyang sambit nya. "Ang sarili mo na lang ang intindihin mo dyan. Huwag kang mag papalipas ng gutom at laging mag iingat dyan sa Manila.... Sige at papatayin ko na ang tawag at baka nakakaabala na ako sa pag ta-trabaho mo."

"Hindi naman." Nakangiti kong sagot.

"Paalam na, Alex." Malambing na sambit nya.

"Paalam." Sambit ko bago patayin ang tawag.

Nang mapalingon ako sa katabi ko ay nakita kong nakangiti ito sa'kin.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

"Boyfriend nyo po, Miss?" Tanong nya sa'kin habang nakangiti.

"Nako, hindi." Sagot ko. "Manliligaw ko pa lang 'yon." Pinasa ko sa kanya ang isang papeles. "Mag trabaho ka na lang. Ibigay mo 'to kay Boss."

Dumaan pa ulit ang isang linggo bago ako nakauwi.

"Thank you so much, Alexa. Here is your salary." Inabot sa'kin ni Boss ang isang maliit na envelope na naglalaman ng sweldo ko para sa dalawang linggo.

"Salamat din po, Boss." Nakangiti kong sambit bago inabot ang envelope.

"Uuwi ka na ba ngayon?" Tanong ni Boss sa'kin habang nag lalakad kami palabas ng office.

"Opo, bale kukunin ko na lang po ang mga gamit ko sa inupahan kong apartment." Sagot ko.

Humarap sya sa'kin. "Ganoon ba? Sayang at hindi na pala kita mayaya kumain sa resto."

"Kailangan ko na kasi po talaga, Boss, na umalis ngayon. Baka kasi gabihin ako sa paguwi kung hindi pa ako aalis ngayong oras." Sambit ko nang nasa tapat na kami ng exist ng kompanya.

"Okay, just take care, Alexa." Humalik si Boss sa pisngi ko. "See you again."

"Salamat, Boss." Sagot ko at nag lakad na palabas. Kumaway pa sa'kin si Boss kaya kumaway rin ako pabalik.

Tulad nga ng sinabi ko ay dumaan muna ako sa sa inupahan kong apartment para kunin ang mga gamit ko.

"Ito po, Ate, 'yong bayad ko sa upa." Sambit ko sa landlady at inabot ang pera sa kanya.

"Salamat, hija." Nakangiting sambit nya at nagtanong pa. "Saan ka na pala pupunta nyan?"

"Sa probinsya po kung saan ako nakatira." Sagot ko.

"Sige at mag iingat ka sa pag uwi, hija." Sambit nya bago tumalikod at naglakad na paalis.

Dala dala ang mga gamit ay pumunta ako sa terminal ng mga bus. Nag trycyle lang ako papunta doon.

"Sakay sakay na kayo dyan!" Sambit ng conductor ng bus na sasakyan ko pauwi ng probinsya.

"Ay, huwag na po." Sambit ko sa kanya nang kukunin nya sana ang mga gamit ko para ilagay doon sa comparment ng bus. "Kaunti lang naman po itong dala kong mga gamit. Isasama ko na lang po sa loob ng bus."

Tumango na lang sya at pumasok na ako sa loob ng bus. Doon ako pumwesto sa tapat ng bintana.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now