Kabanata 14

607 48 1
                                    

Nilapit ko ang sariling mukha sa kanya at pagkatapos ay dinampian sya ng isang halik sa pisngi.

Nagulat sya. "A-alexa..." Bulong nya sa pangalan ko.

Natawa ako nang makitang namula ang dalawang tenga nya. Namumula rin pala sya!

Nakangiti na ako ngayon. "Kinikilig ka ba?" Pang-aasar ko sa kanya.

Umiwas sya ng tingin. "Tsk..."

Mas lalo akong tumawa nang pati leeg nya ay namula narin. Kinikilig nga sya dahil sa ginawa ko!

Inis nya akong nilingon at pagkatapos ay mabilis nyang nilapit ang sarili sa'kin at dinampian ng halik ang labi ko.

Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa nya at bigla na lang napahinto. Sa gulat ay muntik na akong mahulog sa puno. Buti na lang ay mabilis nyang na hawakan ang likod ko bago pa mangyari 'yon.

Napahawak ako sa sariling labi. Unang halik ko 'yon! "B-bakit mo 'ko h-hinalikan? H-hindi mo pa ko pwedeng halikan, Lucas, dahil nanliligaw ka palang sa'kin..." Bulong ko at umiwas ng tingin.

"Hinalikan mo rin naman ako. Hinalikan mo kasi ako." Narinig kong sambit nya na parang kasalan ko pa kung bakit nya ako hinalikan!

Namumulang nilingon ko at sya at nakitang nakahawak sya sa sariling labi habang nakatingin sa'kin.

"I-iba n-naman 'yon, Lucas! Halik lang sa pisngi ang ginawa ko sa'yo..."

Kumunot ang noo nya at binitawan na ang sariling labi. "Tsk, kahit saan pang halik 'yan. Halik parin 'yon." Rason nya. "Ikaw ang unang nang halik kaya gumanti lang ako, Alexa."

Tangina.

"Hoy, ate Alex!"

Sabay kaming napalingon ni Lucas nang makarinig ng tawag sa kung sino.

Kumaway sa'kin si Totoy na anak ng kapitbahay namin mula sa ibaba ng puno. Mukhang tanging ako lang ang nakikita nya. Hindi nya nakikita si Lucas ngayon na nasa tabi ko.

"Anong ginagawa mo dyan?!" Sigaw nya sa'kin. "Sabi ni Kuya Eduwardo ay may nakatirang masamang elemento sa punong iyan!"

Nakita kong kumunot ang noo ni Lucas sa narinig.

"Walang nakatirang kapre sa punong 'to Totoy." Sambit ko sa bata.

Tinaasan nya ako ng dalawang kilay. "Sinasabi mo bang nagsisinungaling ang iyong kasintahan?"

Nagulat ako sa narinig at kaagad syang sinuway. "Hindi ko kasintahan si Eduwardo, Totoy."

Ngumuso ang kausap ko. "Hindi ako naniniwala."

Tumuon ang tingin ko sa katabi ko at nakitang naiinis na naman ito.

"Aalis na 'ko." Bulong ko kay Lucas na sinigurado kong hindi mapapansin ni Toytoy na may kinakausap ako na hindi nya nakikita.

Umirap si Lucas at hindi nagsalita. Mukhang ang dahilan ng kinaiinis na naman nya ngayon ay ang narinig mula sa bata.

"Babalik na lang ako, bukas." Bulong ko ulit sa kanya bago bumaba ng puno. Hindi na man na 'ko nahirapan pa sa pagbaba dahil sanay na sanay na akong umakyat at bumaba ng puno simula bata pa lang ako. Madalas ko kasi itong ginagawa noon. Ang pagakyat at pagbaba ng puno.

"Bakit ka ba nandito?" Tanong ko kay Toytoy nang makababa ako at kaagad na lumapit sa kanya pagkatapos.

"Ikaw? Ang ginagawa mo rito?" Walang galang na balik tanong nito sa'kin. Kahit kailan talaga ang batang ito. Walang galang sa mas nakakatanda sa kanya.

"Ako na muna ang sagutin mo." Binatukan ko sya kaya napadaing sya. Masamang tinignan nya ako pagkatapos.

"Pinapahanap ka kasi sa'kin ni Aling Isabel." Paliwanag nya.

"Ganoon ba." Hinawakan ko sya sa balikat at hinila para maglakad na. "Tara na."

Lumingon pa ako muli sa pwesto ni Lucas nang makitang nasa daan ang tingin ni Totoy.

Nakita kong pinanonood nya kaming maglakad palayo. Kumaway ako sa kanya pero umirap lang sya at mukhang galit pa.

Nag seselos ba sya tungkol doon sa sinabi ng bata? Tumanggi naman ako at sinabing hindi ko kasintahan si Eduwardo.

Bakit ba kasi ang seloso ng kapre na  'yon?

Kinabukasan ay tinanghali na ako ng gising kaya alam kong hapon pa ako nito makakapunta kay Lucas. Nagluluto pa kasi si Tiya ngayon kaya hindi pa kami nakakain.

Birthday kasi ng isang kapitbahay namin at tumulong kami ni Tiya sa pagluluto kagahapon dahilan para mapagod kaming dalawa at tanghali na ngayon nagising.

"Buksan mo nga ang pinto, Alex, at baka ang delivery na 'yan ng tubig." Utos ni Tiya sa'kin nang biglang may kumatok sa pinto.

Sinunod ko ang sinabi ni Tiya at kaagad na nag tungo do'n sa pintuan. Nang buksan ko ang pinto ay bumungad sa'kin ang isang lalaking hubad ang pangitas. Napansin kong familiar ang katawan at tangkad nito. Hindi ko makita ang itsura nya dahil nakatalikod sya sa'kin. Pero sigurado akong sya 'yong kanina pa namin hinihintay ni Tiya na mag de-deliver ng tubig dahil sa hawak nyang container.

"Pwedeng pakipasok 'yong container sa loob? Hindi kasi namin kayang buhatin 'yan ng Tiya ko papasok sa loob." Sambit ko sa lalaking hanggang ngayon ay nakatalikod sa'kin.

Nakita kong napatingin sya sa buhat na container ng tubig bago tumango. Nang humarap sya ay nagulat ako nang makitang si Lucas ito.

"Anong ginagawa mo rito?" Gulat kong sambit sa kanya.

Tumingin mula sya sa hawak na container. "Nag ta-trabaho?"

Mas lalo akong nagulat. "A-ano?" Napatingin narin ako sa mineral container. "Huwag mong sabihin na ikaw ang nagdala nyan dito?"

"Hindi ko sasabihin." Seryosong sambit nya.

Magsasalita pa sana ako nang bigla na lang nag salita si Tiya na nasa tabi ko na pala.

"Ikaw ba ang bagong delivery boy ni Mang Selso?" Tanong ni Tiya kay Lucas na nagpagulat sa'kin.

"N-nakikita mo s-sya, Tiya?!" Gulat kong tanong kay Tiya kaya kaagad na punta ang tingin nya sa'kin.

"Oo naman, Alex." Nagtaka si Tiya nang makita ang gulat kong mukha. "Bakit may problema ba?"

"W-wala po." Wala sa sariling sagot ko kay Tiya at nagtatakang tumingin kay Lucas na seryoso lang ang tingin sa'kin. Paanong nakikita sya ngayon ni Tiya?!

"Ang pogi pogi at ang laking tao mo naman, hijo." Puri ni Tiya sa kanya.

Umigting ang panga ni Lucas at lumunok bago sumagot. "Salamat..." Malalim na boses na sagot nya. "Ako nga ang bagong delivery boy ni Mang Selso."

"A-ano?!" Gulat akong napasigaw kaya pareho silang napatingin sa'kin muli ni Tiya. Paanong nag ta-trabaho sya sa may-ari ng Mineral Water dito?!

"Ano ka ba naman, Alex." Suway sa'kin ni Tiya. "Kanina ka pa sigaw nang sigaw dyan."

"Ah, n-nagugutom lang siguro ako, Tiya." Pag-sisinungaling ko at pinilit kumalma.

Nakita kong medyo na tawa si Lucas. Imbes na mamangha tulad kahapon dahil minsan ko lang sya makitang tumawa ay nainis ako. Anong karapatanyang tumawa ngayon habang litong lito ako sa nangyayari!

"May lahi ka siguro, hijo. Ang ganda ng mga mata mo." Papuri ulit ni Tiya sa kanya habang nakatingin sa mga berde nyang mata. "Ano nga palang pangalan mo?"

Napalingon muli sya kay Tiya. "Lucas..." Sagot nya.

Umiwas ako ng tingin sa kanila bago pumasok sa loob at doon nagpakalma. Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon!

Nakita kong sunod na pumasok si Lucas pagkatapos ng ilang minuto. Nag lakad sya palapit doon sa kusina dala ang mineral water at ipinatong iyon sa lababo.

"Maraming Salamat, Lucas." Nakangiting papasalamat sa kanya ni Tiya dahil sa pagpasok nya ng mineral dito sa loob.

Tumango si Lucas at tumuon ang tingin sa'kin dito sa sala. "Walang anoman..."

Naglakad na sya palapit sa pinto pagkatapos.

"Aalis ka na?" Tanong ni Tiya sa kanya.

"Marami pa akong kailangan trabahuhin." Seryosong sagot ni Lucas bago tumalikod at lumabas na sa pintuan.

Magandang Umaga, LucasWhere stories live. Discover now