Kabanata 17

647 50 2
                                    

"Oo nga pala, hindi pa natin na pupuntahan 'yon." Sambit ko.

"Susunduin kita mamayang gabi." Naglakad sya palapit sa dala nyang motor na nasa tapat namin ngayon. Sumakay sya do'n. "Mag ta-trabaho na muna ako ngayon."

"Mag-iingat ka, Lucas." Sambit ko. Nagtaka ako nang hilahin nya ako palapit pagkatapos. "Bakit?"

"Pahingi muna ng halik bago ako umalis." Mahinang bulong nya habang nakatingin sa mga mata ko bago sunod na bumaba 'yon sa labi ko.

Napangiti ako bago walang pagdadalawang isip na hinalikan sya sa pisngi.

"Okay na ba?" Nakangiting tanong ko sa kanya.

Gumalaw ang panga nya at binuksan na ang makina ng motor. "Ayos na..."

Nakangiting pinanood ko syang paandarin na motor palayo na kaagad rin na wala sa harapan ko.

Tulad nga nang sinabi ni Lucas ay sinundo nya nga ako nang maggabi. Malayo layo ang perya kaya buti na lang ay may dala syang motor.

Sumapa ako sa motor at kaagad na humawak sa balikat ni Lucas.

"Mag-iingat kayong dalawa." Sambit ni Tiya sa'min na kasalukuyan na nakatayo sa pinto ng bahay. "Mag enjoy sana kayo."

"Salamat po, Tiya." Nakangiting sambit ko habang tumango lang si Lucas sa kanya bago paandarin ang motor.

Kaagad bumaba ang mga kamay ko sa bewang para yumakap sa kanya nang muntik na akong mahulog sa bilis nyang mag pagtakbo.

"Lucas!" Naiinis kong suway sa kanya at mas hinigpitan ang yakap sa bewang nya.

Nakita ko ang pagngisi nya sa side mirror at mukhang tuwang tuwa pa sa nangyayari.

"Tara, Lucas!" Masaya kong sambit habang hila hila si Lucas sa braso.

Alas diyes na ng gabi at narito na kami ngayon sa kalagitnaan ng perya. Buhay na buhay ang paligid dahil sa ingay mula sa mga naghihiyawang manlalako at sa maraming taong nagkakasiyahan.

Tahimik lang sa tabi ko si Lucas habang nakakunot ang noo. Mukhang ngayon lang sya nakapunta sa perya at hindi nya in-expect na ganito ang itsura, kaingay at kagulo ang perya.

"Laruin natin ito, dali!" Dinala ko si Lucas sa stall kung saan kailangan magpaputok ng mga lobo gamit ang darts.

"Hindi ko alam kung paano laruin 'yan." Walang emosyon sambit nya habang nakatingin sa grupo ng mga lalaki malapit sa pwesto namin.

Nagulat ako nang makita doon si Jace. Ang dating madalas mangbully sa'kin noong bata ako. Nakangising nakatingin ito sa'kin ngayon at mukhang natutuwang makita ako ngayon.

"Sino 'yang kasama mo, Alex? Nobyo mo?" Nakangising tanong nito sa'kin na inirapan ko lang at hindi pinansin.

Hanggang ngayon ay naalala ko parin ang ginawa nya sa'kin pamamahiya sa maraming tao noong prom night namin ng grade ten ako. Binuhusan nya lang naman ako ng isang putik ng timba ng gabing 'yon.

Malakas ang loob nyang gawin 'yon at mambully pa ng ibang istudyante dahil anak sya ng mayor noong panahon 'yon.

"Kailangan mo lang ibato itong mga darts sa mga lobo para pumutok." Paliwanag ko kay Lucas kaya mabilis na napunta ang tingin nya sa'kin.

Tumango sya. "Susubukan ko."

Nakita kong nag-abot sya ng bayad doon sa may ari ng stall. Napangiti ako dahil mukhang alam na nya kahit papaano ang isa sa mga paraan ng tao.

Inabutan sya ng tatlong darts ng may-ari. Nakita kong pinanood nya kung paano binato ang darts ng katabi nyang sumubok rin.

"Kaya mo rin 'yon, Lucas." Pagpapalakas loob ko sa kanya.

Ginaya ni Lucas ang ginawa ng lalaking unang sumubok kanina. Umasinta sya bago binato ang mga hawak na darts sa lobo. Nakarinig ako ng malakas na mapang-asar na tawa galing kay Jace na nasa tabi ko na ngayon nang wala man lang na napaputok kahit na isa si Lucas sa mga lobo.

"Ayos lang 'yan, Lucas. Unang subok mo palang naman." Bulong ko kay Lucas at hinawakan sya sa kamay.

"Wala pala 'yang nobyo mo e, simpleng pag papaputok lang ng mga lobo. Hindi nya pa magawa." Nakangising pang-aasar bigla ni Jace kay Lucas.

Dumilim ang titig ni Lucas. Nainis ako at masamang tinignan si Jace.

"Tumahimik ka nga!" Naiinis kong sambit dito.

Tumawa 'to nang makitang apektado ako sa pangangasar nya kay Lucas. Hindi ko alam kung bakit simula pa noon ay tuwang tuwa na sya laging makita akong naiinis at napipikon sa pang-aasar nya.

"Halika't sa iba na lang tayong stall, Lucas." Pang-aaya ko kay Lucas para umalis na rito.

Nagtaka ako nang hindi nagpahila si Lucas sa'kin at mukhang ayaw pang umalis.

"Lucas?" Pagtawag ko sa kanya pero hindi nya ako pinansin. Nakita kong nagbayad pa ulit sya doon sa may ari ng stall para sumubok pa ulit.

Masamang tinignan ko si Jace na nasa likod na namin at mukhang tuwang tuwa sa nangyayari ngayon.

"Ano? Nanonood na lang naman ako, Alex." Nakangising sambit nito nang makita ang masama kong tingin.

Umirap ako at nag focus na lang kay Lucas na babato na ulit ng darts.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapaputok ni Lucas ang isang lobo sa unang bato nya ng darts.

Narinig ko ang pag tawa muli ni Jace sa likuran namin. "Chamba lang—" pero bigla na lang syang napahinto nang makitang sa sunod na pag
bato ni Lucas ng darts ay tumama na naman 'yon sa lobo at pumutok.

Nagulat ako nang sa huling tira ni Lucas ay ganoon din ang nangyari. Nakaputok na naman sya ng lobo!

Sa tuwa sa nangyari ay napatalon ako at malakas na napapalakpak.

Nakita kong inabutan ng maliit na stufftoy si Lucas bilang prize pagkatapos. Binigay nya sa'kin 'yon na mabilis ko naman inabot at niyakap.

"Akin na lang 'to?" Parang batang tanong ko kay Lucas na mabilis na tumango at napangiti sa itsura ko.

Mayabang na tinaasan ko ng isang kilay si Jace pagkatapos at pinakita ang hawak kong prize. "Ano?"

Umiwas ito ng tingin at mukhang napahiya bago umalis kasama ang mga barkada nya.

"Sa ibang stall naman tayo." Yaya ko kay Lucas bago sya hinila palayo na rito.

Sunod naman naming pinuntahan 'yong stall na kailangan lang ipasok 'yong mga bola sa basket. Kanina pa ako naiinis dahil paubos na 'yong mga bolang ibinigay sa'kin ng Ale na may ari ng stall pero hanggang ngayon ay wala parin akong naipapasok na bola sa loob kahit na isa! Akala ko pa naman ay madali lang ang laro na 'to.

"Mukhang may gusto ang lalaking 'yon sa iyo." Narinig kong sambit ni Lucas sa tabi ko habang sinusubukan ko parin may mai-shoot na bola.

Napalingon ako at kaagad na napatigil. "Sinong lalaki?"

"Iyong lalaki kanina." Seryosong sagot nya.

"Ah? Si Jace ba? Wala, ah." Kaagad kong deny at nagpatuloy ulit sa pag shoot ng mga bola. Nagulat ako ng may maipasok akong bola sa basket pero kaagad din 'yong tumalbog palabas.

Sayang!

Naubos na ang lahat ng bola nang wala man lang akong na i-shoot kahit na isa sa loob ng basket.

Magandang Umaga, LucasTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon