Chapter 1

1.6K 13 0
                                    

SHS Building, Room 7.

"Saan ba 'yon dito?" tanong ko sa sarili, nangunot ang noo dahil sa nabasa. Ito lang kasi ang binigay sa'kin ng Dean. Hindi man lang nilagyan ng mapa yung binigay na papel, edi sana nahanap ko na kaagad ang room ko.

My eyebrows met when someone bumped into me. Pumihit ako paharap at nakita ang nakayukong babae na hindi natigil sa paghingi ng paumanhin.

"S-Sorry, sorry talaga. Hindi ko sinasadya," nanatiling nakayuko ang babae.

Bumuntong-hininga ako, "Okay lang." Nag-angat naman ng tingin ang babaeng nasa harapan ko, napansin kong chubby siya at mas matangkad ako sakanya.

Napakurap-kurap siya at ngumiwi saka napakamot sa ulo. "P-Pasensya na talaga ha," she bit her lower lip.

"Hindi ko naman sinasadya na mabunggo ka, may tinataguan kasi ako eh," Ngiwi niya.

"Mm," I nodded. "Ayos lang."

Total naman may nakita na akong estudyante na pwede kong pagtanungan kung nasaan ba ang papasukan kong classroom, kaya tatanungin ko nalang ito.

"Can I ask?"

She nodded. "Sure,"

"Alam mo ba kung saan 'to?" Ipinakita ko sakanya ang piraso ng papel na hawak ko.

"ABM ka?" Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya.

How did she know?

"Room 7. Second floor ka, parehas tayo," she smiled. "Magkatabi lang ang classroom natin, H.E ako." Napatalon siya sa tuwa.

Uh... Okay?

"S-Sorry, masaya lang ako," mas lumawak ang ngiti niya. "Magkakaroon na ulit ako ng friend, ayaw ng iba sa'kin dito 'e. Ikaw? gusto mo ba ako maging f-friend?" nautal pa siya.

Siguro nga wala pa siyang kaibigan dito, sabagay ako din naman, why not being friend of her, 'di ba?

I smiled. Inakbayan ko siya. "Of course, Dyna." I said, nakita ang nameplate sa bandang dibdib ng uniform niya.

Her eyes widened as she smiled. "Really? Omg! Thank you," she hugged me.

"What's your name pala?" She asked, smiling.

Wala pa akong nameplate kasi nga transferee. Simpleng white shirt and pants lang ang suot ko kaya halatang-halata na transfer student ako. I don't know some students here at kakakilala ko palang sakanya, at masasabi kong mabait siya.

"I'm Leisha,"

"Ganda ng name mo, sana ako rin." Aniya, nagbibiro. Napangiti ako dahil sa paraan ng pakikipag-usap niya sa'kin. Mukhang magkakasundo talaga kami nito.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ay inihatid niya ako sa magiging room ko. Many students are also arriving, and I know that classes are about to start.

"Get out of my sight!" I stiffed as I heard that voice. Sobrang lakas no'n at rinig na rinig sa pwesto namin na medyo malapit lang.

Ihahakbang ko sana ang aking binti para tignan kung ano ang nangyayari pero hinila ako sa braso ni Dyna.

"What?" I asked, confusedly.

Sunod-sunod siyang umiling. "Wag,"

Nangunot ang noo ko dahil sa naging sagot niya.

"Wag ka munang lumapit. Hayaan mong umalis lahat ng estudyante na nando'n." Kahit nagtataka ay sinunod ko ang sinabi niya.

Ano bang meron at nagtitipon sila doon?

Napatingin ulit kami dun nang marinig ang hikbi ng babae, nakatakip ito sa buong mukha gamit ang mga kamay at basta na lang tumakbo palayo. Kitang-kita na namin ang pwestong 'yon dahil unti-unti nang nag si-sialisan ang ibang mga estudyante.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now