Chapter 10

597 9 0
                                    

I don't have any other choices. Kapag hindi ko napa-oo si Trane ay wala... My dad's dream will come true. Maikakasal ako sa taong hindi ko gusto.

Isang linggo na rin simula nang mangyari 'yon. Nakita ako ni Siopao na umiiyak sa gitna ng daan. He said that if I have any problem pwede akong magsabi sakanya.

Na hindi ko naman gagawin.

Paano kung siya na lang kaya? Magagawa niya kaya akong maipagtanggol?

"Boom!" Ramdam ko ang pagbatok sa'kin ni Persley-gago nang malapit na'ko sa pintuan ng classroom. Hindi ko nalang pinansin dahil mukhang nasa mood siya makipagbiruan. Samantalang ako, namomroblema na kung paano ko masusolusyonan 'to.

Bakit kasi kailangan ko pang maikasal? Hindi ba makapaghintay si Dad na tumuntong ako sa tamang edad para mag-asawa?

"Ay, deadma?" tanong niya pa. Lumapit siya sa'kin at inakbayan ako. "Anong problema natin, prinsesa?"

Napataas naman ang kilay ko. Close ba kami nito?

Inalis ko ang pagkaka-akbay niya. "Sa iba ka makipaglaro, Persley."

"Tss." Singhal niya at nauna nang maupo sa silya niya.

"Good morning, Leisha." Ani Kleo, tumango naman ako at napatingin sa katabi niyang umiiyak. Si Kiev.

"Nyare?" tanong ko. Itinuro naman niya si Carlo na nakatingin kay Kiev na umiiyak.

"Ginulo na naman ang buhok. Masusuntok ko talaga 'yan."

Napabuntong-hininga ako. Sa nagdaang araw madalas asarin ni Carlo si Kiev, na sobrang nakakapanibago dahil hindi naman siya mahilig mang-asar ng kapwa niya lalaki, mostly ay babae lang.

Kumuha ako ng sanrio at tinansya ang noo ni Carlo.

"Aray!" Boom sapul!

"Hoy! 'Wag mong inaasar 'tong bunso natin baka tamaan ka uli sa'kin." saad ko pa.

Ngumuso naman siya pero ngumiti lang ulit. Napailing na lang ako. Mukhang wala siyang balak tumigil.

Naupo na lang ako sa silya ko at inilagay ang notebook sa armchair ko. Hindi ko nakasabay kanina si Dyna paakyat kaya malamang nasa classroom na siya nila.

"Sino gusto mag swimming!"

Sabay-sabay kaming napalingon sa biglang sumigaw. Si Justin.

"Libre ba 'yan?!" tanong ni Persley-gago na nasa likuran ko.

Akala mo naman wala siyang pera. Sa sobrang yaman nila gusto niya pa talaga magpalibre ha.

"Birthday ko next week, libre lahat!" Saad ni Justin. Birthday niya? It's already July 14. And two weeks from that day will be my birthday.

Sad, pero wala na yata akong magagawa.

Umugong ang sigawan nang ianunsyo ni Justin na may alak raw. Si Persley-gago napatayo na at lumapit kay Justin saka umakbay.

"The best ka talaga, lods!" Aniya pa.

Humupa ang ingay at alam ko na kung bakit. Mula sa pintuan ay kitang-kita ko ang maaliwalas na mukha ni Trane habang nakapamulsa. Sa likod niya ay ang dalawa. Sabay-sabay silang pumasok ng silid at hindi man lang ako pinagtuunan ng pansin ni Trane samantalang si Siopao ay tumabi pa sa'kin.

"Are you okay?" tanong niya.

Napatango naman ako. "Late na naman kayo."

"May pinuntahan lang."

Hindi naman Friday ngayon pero may pinuntahan sila? Saan naman kaya 'yon?

"Don't be curious, Leisha."

Napatingin naman ako sa kaniya. "Ha?"

"The more you're being curious, the more you'll encounter trouble." Seryosong aniya.

Itinikom ko na lang ang aking bibig at tumango.

"Get one whole sheet of paper." sabi ng teacher namin pagkapasok pa lang.

Nagsimula namang magreklamo ang mga kaklase ko. Lalong-lalo na si Persley.

"Quiet!"

-

"Tanginang essay 'yan," Maktol ni Persley-gago nang makalabas si Ma'am. Sumipa pa siya sa upuan ko kaya sinita ko siya.

Problema niya dinadamay ako?

"Wanna eat something?" pag-aya ni Siopao. Mabilis naman akong tumango.

"Pare, baka naman," sabad ni Persley-gago.

"You have money, First. Go get some food." saad ni Siopao at lumingon sa'kin. "Let's go?"

I nodded. Nauna na siyang lumabas dahil nagpaalam pa ako kila Kleo. Nakita ko rin na masama ang tingin ni Kiev kay Carlo.

Hindi pa rin lumalabas sila Dyna kaya tinext ko na lang na sumunod sa canteen.

"About last week, ano nangyari?" Biglang tanong niya. Naibaba ko naman ang kutsarang hawak ko.

Hindi man lang sumagi sa isip ko na isa sa apat ay magiging close ko. Isa pa, masyado silang nakakatakot para kaibiganin.

"Hindi mo pa ba nakakalimutan 'yon?" tanong ko.

Bakit ba siya curious?

"Hinding hindi. I want to know the reason why are you crying that time. Did Travis makes you cry?"

Paano na'ko makakakain nito kung puro siya tanong?

"Hindi. Wala lang 'yon."

"Paanong wala? E halos hindi ka na makalakad ng maayos dahil sa pag-iyak mo e." Sumama ang mukha niya. Gusto talaga akong pagalitan. Mukha talaga siyang Tatay.

Naalala ko yung time na una naming pag-uusap, pinagalitan niya pa ako dahil hindi pa ako naka suot ng uniform no'n.

"Siopao naman, 'wag mo na ipaalala pa 'yon."

Naalala ko na naman tuloy yung pagsigaw sa'kin ni Trane.

"I want to know—"

"Hello!" It's Dyna. Naupo siya sa katabi kong upuan. In-orderan ko na siya kanina ng pagkain kaya nakasubo kaagad siya pagdating niya.

Napatingin ako kay Clerard na nakatingin pa rin sa'kin. Umiwas ako ng tingin at tahimik na nagpasalamat dahil dumating si Dyna.

Bakit ba gustong-gustong malaman ni Clerard ang tungkol do'n?

"Baka naman!" Masama ang tingin na lumingon ako kay Persley nang basta na lang siya sumulpot kasama ang kambal niya.

Sinagi siya ni Railey at naupo sa tabi ni Clerard.

"Kuya naman! Ako d'yan!" maktol ni Persley-gago.

Tiklop ka pala sa Kuya mo e. Mukha pang bata, akala mo naman inagawan ng chocolate.

"Tumahimik ka d'yan." asik ni Railey.

Nilingon naman ni Dyna si Persley na nakatayo pa rin. "Dito ka maupo sa tabi ko oh,"

Seryoso ba siya? Akala ko ba ayaw niya sa mga taong katulad ni Persley?

Nanlaki ang mga mata ni Persley-gago kaya natawa ako. Gan'yan ba siya katiklop kapag kinakausap siya ni Dyna?

"Bakit?" tanong ni Dyna kasi hindi man lang gumalaw si Persley sa kinatatayuan.

"A-Ako?" Turo pa ni Persley sa sarili.

Inosente namang tumango si Dyna habang kumakain pa rin.

"Maupo ka na!" Hinila ni Railey si Persley paupo sa tabi ni Dyna.

Napailing nalang ako sa kabaklaan niya kasi hindi na siya mapakali no'ng makaupo. Napangisi ako nang makitang namumula na naman ang tainga niya.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now