Chapter 2

903 9 0
                                    

"Salamat." saad ko sa aking kaharap.

Napabuntong-hininga naman si Kleo. "Dapat kasi hindi mo 'yon ginawa kaninang umaga. Mabuti na lang at hinintay ka namin na makaalis. No'ng nakita namin na wala ka pa, hinanap ka na namin."

Hindi ko alam na sila pa talagang dalawa ang tutulong sa'kin na makaalis sa banyo na 'yon.

"Hindi ko naman sinasadya 'yon." Paliwanag ko.

Umismid si Kiev na katabi ni Kleo. "Ang sabihin mo, gusto mo lang magpapansin sa kanila."

"Kiev." Suway ni Kleo. Pinag-krus naman ni Kiev ang kaniyang mga braso sa dibdib at nag-iwas ng tingin.

"Ako na mismo magsasabi sa'yo nito. Dumistansya ka sa kanila, hindi mo alam ang susunod na maaaring mangyari sa'yo." sabi ni Kleo.

Napayuko ako, hindi alam ang sasabihin.

Nagkwento sila kung anong klaseng mga tao ang mga lalaking iyon. Sinong hindi matatakot, e may mga grupo raw iyon na nanggugulpi?

-

Kinabukasan, hindi kaagad ako nakapunta ng maaga sa school dahil umuulan. Nagpahatid na lang ako sa driver namin at bumaba sa parking lot ng Cleram High School. Binuksan ko ang payong ko at naglakad patungo sa building ng SHS.

Pinagpag ko ang sapatos ko sa sahig dahil medyo nabasa ito, itiniklop ko ang payong ko at naglakad paakyat ng classroom.

Maraming walang dalang payong, alam naman nila na naulan. Ayun, mga basa.

Napailing ako pero agad ring natigil nang maalala ko ang cellphone ko.

Is it on my bag? Wala sa bulsa ko e.

Hahablutin ko na sana ang bag ko para tignan pero napatigil ako at napaangat ng tingin sa aking harapan.

Napalunok ako nang makita ang lalaking matangkad kasama si Persley.

"A-Ano..." hindi ko alam ang sasabihin. Nasa harap kami ng classroom kaya alam kong nanonood at nakikinig rin sila.

Ngumisi si Persley ngunit blangko pa rin ang mukha ng matangkad na lalaki. Ano ba talaga ang pangalan niya?

Mag so-sorry na sana ako dahil sa nagawa ko kahapon sa ilong niya pero natigilan ako nang magsalita si Persley.

"Kamusta tulog mo, prinsesa?" Nakangising tanong niya.

Parang umakyat lahat ng dugo ko papunta sa ulo dahil sa sinabi niya.

Nangangamusta siya sa ginawa niya sa'kin kagabi? Bobo ka pala, Persley! Mag-sorry lang naman ang gusto ko pero pinapainit mo talaga ang ulo ko!

Mahigpit ang hawak ko sa payong at malakas na ibinato sa pagmumukha niya.

"Aray!" Daing niya.

Deserve mo 'yan, ulol!

"Oh my god! Did you see that?!"

"Ay, hindi."

"Hindi nag-iisip!"

"Wala duda, transferee nga talaga siya."

Ilan lamang 'yan sa mga naririnig ko mula sa loob ng classroom. Ang mga tao sa labas ay nanonood lang.

"Ang mukha ko, pucha."

Napatingin ako kay Persley na sapo ang kaliwang mata at ang isa ay masama ang tingin sa'kin.

"Ikaw, bata ka!" Inis na sigaw niya.

Umawang ang labi ko. Ako? Bata?

"Hoy, gurang! Hindi ako bata!" Sigaw ko pabalik. Nanlaki naman ang mata niya at gulat na itinuro ang sarili, nakaawang ang labi na tumingin siya sa katabi.

Loving A Brokenhearted Man [Completed]Where stories live. Discover now